Season 2 Jamais vu (XXVI)

56 8 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi
JAMAIS VU

見たことがない

kabanata 26: New Year

11: 30 P.M
December 31, 2019

Masaya ang bawat sulok ng apartment. Nasa sala sina Kuya kasama ang kanyang workmates, abala sila sa pag-inom ng beer habang nagk-kwentuhan. Samantala kami ng aking mga kaibigan ay nasa silid habang hawak ang aming mga regalo para sa isat-isa. "Tulad ng usapan natin ngayon ang ating exchange gift sa pagtatapos ng taong ito. Sana kung ano man ang ibibigay sa inyo ay lubos niyo itong tanggapin at iingatan."wika ni Paris.

Nagsitanguan kaming lahat maliban kay Paris.

"Okay unahin na natin kay Kisara at ako"sabi ni Paris at nag palitan sila ni Kisara ng regalo. "Merry Christmas and Happy New Year"bati nila sa isat-isa.

"Susunod Mako at Cairo"

Ngumiti si Cairo at binigay sa akin ang maliit na kahon. Inalog ko ito dahilan para pigilan ako ni Cairo. "Huwag mong alugin at baka masira ang laman."aniya kaya naman tumigil ako.

"Ang pinaka huli ay si Dedee at Roma, sana mag bago na kayo."sabi ni Paris at nag palitan si Dedee at Roma. "Okay buksan na natin!!"

Mabilis naming binuksan ang aming mga regalo at halos matuwa ako noong bumungad sa akin ang isang bala ng Ps4. Mabilis akong tumayo at niyakap ng mahigpit si Cairo. "Salamat bro! Ang astig nito, matagal ko nang pinapangarap ang laro na'to!"bakas sa mukha ko ang matinding saya habang hawak ang bala ng Ps4.

"Diba sabi ko sa'yo noong pagkatapos mong magpa-check up ay sayang yung mga bala ko sa bahay? Ayan masaya akong ibigay ang bala na 'yan sa'yo at sana tumagal pa ang ating samahan."nakangiting tugon ni Cairo.

Lahat kami ay masayang natanggap ang aming regalo, si Roma ay nakatanggap ng bracelet, si Dedee ay oil massage para sa kanyang suso upang lumaki ito, si Paris ay isang teddy bear, si Kisara naman ay isang kit ng cutiks at si Cairo ay binigyan ko ng game pad.

"Over na 'to mga siz! Parang ini-insulto niyo ako, pero mas better na 'to para naman mag rise and shine na itong boobs ko. Sana effective."pag-iingay ni Dedee.

Tawanan

Nagtungo kami sa Sala upang makisaya kina Kuya. Mabait naman ang mga workmates kaso itong si Dedee lang ang nandedemonyo. "Hi mga kuya! Alam ko naman nag first time niyong maka-sight ng maganda. Ouch! Natapilok ako"malanding wika ni Dedee at kunwaring napahiga sa sahig sa harap ng mga workmate ni Kuya. "Free lang po ako at pwedeng landiin anytime"sabi pa ni Dedee dahilan para mag tinginan ang mga ka-trabaho ni Kuya at sabay-sabay na umagos ang dugo sa kanilang ilong.

Tumawa si Roma habang kami ay nagmadaling kumuha ng pamunas at bulak. "Ang ibig sabihin ng nose bleeding ay excited, masiyadong nagulat at iba pa. Pero sa kondisyon na 'yan ay nagulat sila kay Dedee dahil baka pinagkamalan itong bakla, hanep kang babae ka!" Hirit ni Roma dahilan para tumingin ng matalim si Dedee.

---

Agad kaming nagsilabasan upang mag tungo sa sentro, may magaganap kasing Fireworks display dito sa buong Shibuya kaya naman apura kami papunta don. Pagdating namin sa sentro ay sinalubong kami ng daang tao, madami at hindi mahulugang karayom.

11:59 P.M

Habang nakaharap kami doon sa malaking Screen sa mga bawat building ay bigla akong kinalabit ni Kisara. Nakangiti at kumikisap ang mata na parang may nais ipabatid. "Mako hindi na ako magpapaligoy pa, alam ko naman na si Eiji ang nasa puso mo at hindi na pwedeng baguhin 'yon. Bago matapos ang taong 2019, nais kong sabihin na gusto kita. Gomenasai!"wika nito sabay tungo ng ulo.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon