Jamais Vu (II)

201 8 0
                                    

iMarjaynari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu
見たことがない

KABANATA 2: CRUSH- LUV U

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na nakita pa ang lalaking nakita ko sa guard house, hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit hinahanap ko sya samantalang hindi naman kami magkakilala para mag pansinan. Pakiwari ko mabigat ang aking dibdib at parang gusto ko syang makita maghapon, gulong-gulo ako kung bakit ko ba siya iniisip, naging boring lahat at tila nag iba ang ikot ng aking mundo. Hindi ko lubos maunawan ang aking nararamdaman marahil ganito talaga ang pakiramdam kung humahanga ka sa isang tao.

"At talagang gusto mong malaman ang pangalan ng lalaking iyon? gusto mong tulungan kitang mag hanap sa kanya batid kong nandito lang siya sa paligid at base sa sinabi mong pinapagalitan siya sa guard house ay baka isang hambog na tao iyang tinutukoy mo."wika ni Roma habang nag aabang kami dito sa corridor tapat ng aming classroom.

Napa singhal ako at napa tingin sa kanya. "Hindi naman siguro gano'n basta may kakaibang impact ang aura nya para bang yung tinutukoy nilang ah! basta ewan ayokong sabihin."naiirita kong tugon

"Duh! Alam mo ba ang tawag diyan? Crush 'yan! Puppy love gano'n"pag papatuloy nito kaya natahimik ako.

"Posible kaya iyon? wait lang hindi a! hindi ako nakakaramdam ng ganyan"pagtanggi ko na ikinatawa ni Roma

"Nako! ewan para kang ewan! sa tingin mo ano iyang nangyayari sa'yo hindi ba crush 'yan?"

Napa kibit balikat lang ako at binaling ang tingin sa guard house, halos wala nang estudyanteng palakad lakad dito sa school ground. Halos mawalan ako ng pag asa sa mga oras na ito kaya naman bagsak ang aking mga balikat at nag pasyang umuwi na lang at mag mokmok sa bahay, mag lalaro nalang ako ng video games baka sakaling maka limutan ko siya.

Habang nag aayos ako ng bag dito sa loob ng classroom ay bigla akong tinawag ni Roma mula sa labas kaya naman agad kong sinukbit ang aking bag at lumabas ng classroom. "Tara na alis na tayo."pag aya ko.

At doon nga ay lumakad na kami palabas, naka tingin lang ako dito sa sahig habang naglalakad kami palabas ng hallway. "Problema mo?"narinig kong tanong ni Roma kaya naman umiling lang ako bilang tugon. Ayokong sabihin sa kanya ang iniisip ko ngayon baka ano pang sabihin nya.

Paglagpas namin ng hallway ay siya namang pagbungad ng naka unipormeng estudyante sa tabi ng guard house, complete uniform ito animo'y lalaban sa "Most Responsible Student" Napa angat ako ng ulo at bumungad sa akin ang muka ng lalaking nakita ko dito mismo sa guard house. Ibayong saya ang aking naramdaman at tila lalabas ang aking puso sa sobrang lakas ng kalabog nito. Awtomatikong ngumiti ang aking labi at parang may kuryenteng dumadaloy sa aking dibdib. Napa kapit nalang ako sa kamay ni Roma at napatingin ito sa akin na wari'y nag tataka. Tila slow motion ang pangyayaring paglalakad namin ni Roma.

Papalapit kami ng papalapit hanggang sa mapa tingin ito saaming direksyon at ngumunguya nanaman ito ng bubble gum. Tila may malakas na hangin na humampas saaking muka, halos mangawit ang aking pangaw sa sobrang ngiti kaya naman napa yuko ako at napa higpit ang hawak sa kamay ni Roma.

"Aray ko, bitawan mo nga yung braso ko! kunti nalang ay babaon na iyang kuko mo sa balat ko aray!"sigaw nito sabay alis ng pagkakalingkis ng aking kamay sa braso nya. Halos hindi ako maka tingin ng tuwid hanggang sa naka lagpas na kami ng gate. Dito ay naka hinga ako ng mabuti samantalang si Roma ay nananaliksik ang mga mata dahil sa matinding inis.

"Nakaka inis ka bigla bigla ka nalang nangungurot! problema mo?"naiinis nitong tanong habang tinitignan ang marka ng aking kuko sa braso nya, humingi naman ako ng tawad at dinala ito sa malapit na tindahan upang ibili ng band aid.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon