iMarjayNari
@kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKabanata 11:Notice Me!
"Dedee libre mo naman kami kahit ngayon lang"wika ni Roma
Kagagaling kasi namin sa simbahan upang mag simba, kasalukuyan kaming nag lalakad dito sa sidewalk nang makita namin ang kainan sa dako pa roon. "Sakto may Ramenan tayong madadaanan ano na Dedee ilabas mo na yung pera mo kanina pa ako gutom"hirit naman ni Paris ngunit tahimik lang si Dedee.
"Sige na Dedee ngayon lang naman"panggagatong ko dahilan para matigil si Dedee sa pag lalakad at humarap sa amin sabay pamewang. "Wala akong barya kaya tigilan nyo ako!"wika nito.
"Edi gawin mong buo!"sabad naman ni Roma. "Hindi ako gutom ha! Sumakay lang ako sa trip nyo"dagdag pa nya.
Dahil nga sa pangungulit namin ay nauwi sa usapang pagkain ang paksa ng aming usapan. Dali-dali kaming nag tungo sa kainan at omorder ng pagkain at sagot lahat ni Dedee. Siyempre para ituloy nya ang panlilibre sa amin ay inechos-echos namin siya para hindi ito mag bagong isip mahirap na wala pa naman akong dalang pera.
"Hala eh! Bakit nag Vault ka pa 1000 Yen lang naman ang laman niyan?"nag tatakang tanong ni Cairo habang binubuksan ni Dedee ang dala nyang Vault.
Pumakawala si Dedee ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa amin. "Siguro ito na ang araw upang mag let go. Binigay pa kasi ng ninong ko ito 4 years ago, gwapo kasi at type ko siya yung tipong hottie ang datingan pero bigla syang nag laho sa lugar namin at hanggang sa dumating ito at naging babae na nga ang gaga! Bakla pala siya sayang yung kapogi-han nya! ekis na siya sa akin. May pechay na ngang naka harap sa kanya, nag hanap pa ng buhay na hotdog!"naiinis nitong wika.
"Pitong Ramen, ito na po yung order nyo"sabi ng waitress sabay lapag ng tray na nag lalaman ng pitong mangkok ng Ramen. Nakaka takam ang mga sahog nito at talaga namang sulit ang 150 Yen. Bukod sa masasarap nilang menu ay pang old style japanese ang naturang kainan na kung saan kakain kang naka upo sa mat.
Presko din ang hanging nag mumula sa labas dahil naka bukas ang bintana dito at isama mo pa ang nakaka luwag sa pakiramdam na tunog ng mga chime na naka sabit sa tuktok habang hina-hangin ito. "Bakit hindi mo pa kainin yang nodels mo Roma?"tanong ng kapatid nyang si Paris.
Umiling naman si Roma at ngumiti sa amin."Nag d-diet kasi ako tsaka hindi pa ako gutom"sagot naman nya pero biglang kumalam ang kanyang tiyan dahilan para mapa tingin kami sa kanya. "Okay fine gutom na ako!"muling wika nito at nilatak ang Ramen
Tahimik
"Nga pala usapang Eiji break na sila ng jowawers nya, nag post pa sya ng status at feeling strong daw! Dahil kahit wala daw syang afam at least meron daw syang God. Tama nga naman oh diba! Ang bongga ng crush mo Mako baka hindi natin alam magiging santo fafa sya sa future!"pambasag sa katahimikan ni Dedee sabay higop ng kinakain nya.
Hindi ko maunawaan ang sinasabi ni Dedee na Afam at Jowawers marahil ibang wika ang kanyang ginamit ngunit kahit ganon naintindihan ko naman unti ang nais nyang ipabatid. Para akong nabuhayan muli na hangaan si Eiji at may kung anong kilig akong naramdaman, pakiramdam ko maniniwala na ako sa sarili ko na kahit ilan pa ang maging girlfriend ni Eiji ay maghihiwalay sila dahil ako lang ang para kay Eiji.
"Masaya ka na siguro ngayon Mako dahil hiwalay na sila ng GF nya so anong balak mo? confession na ba?"tanong naman ni Clover
Nag bitiw ako ng isang ngiti at umiling."Hindi muna sa ngayon, nais ko muna syang obserbahan tsaka hindi pa tapos ang misyon ko madami pa akong isasagawang misyon at pagkatapos nun ay mag papakilala na ako. Siguro ipagtatapat ko na sa kanya yung feelings ko sa graduation nila tutal sabay naman ang Seniors sa Clossing Exercise at Graduation, bahala na kung ire-reject nya ako imposible namang mag ka gusto sya sa akin. Kaya pinag bubuti ko ang pag-aaral ko dahil kapag naka pasok ako sa Candidates of Academic ay masisilayan ko pa si Eiji na aakyat ng entablado habang suot ang toga nya."tugon ko pero parang may kung anong lungkot na nabuo sa aking puso dahil ilang buwan nalang ay aalis na si Eiji at wala pa akong ideya kung saan sya mag k-kolehiyo. Basta ang sa akin lang ay isagad ko na ang pagiging ghostwriter ko para wala akong pag-sisisihan sa huli.
![](https://img.wattpad.com/cover/211966451-288-k375368.jpg)
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Fiksi RemajaSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.