iMarjayNari
@Kaminari amanashi
Jamais Vu
Mita koto ga naiKabanata 24: Borrowed Time
Mag-isa akong nag lalakad dito sa labas ng campus pa uwi. Hindi ako sumabay sa aking mga kaibigan dahil nais ko munang mapag-isa. Abala ako sa paghahanap dito sa internet ng tagalog songs bagamat wala naman akong ideya kung anong dyanra ang aking hinahanap. Maya-maya ay lumabas ang isang papular na kanta, ang "Buwan" agad ko itong i-download upang aralin ang kantang ito.
Habang naglalakad ako dito sa school ground ay nahagip ng aking mata si Eiji doon sa Guard house, para itong may inaantay kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad upang tanungin ito. "Tol. Mukhang may inaantay ka dito ah, may chicks ba?"biro ko.
Ngumiti ito at bigla nalang umakbay sa akin si Eiji, bagamat nakaramdam ako ng kaligayahan noong umakbay ito sa akin. "Ang totoo non ay inaantay kita kasi gusto kitang kasamang umuwi."anito kaya naman nakaramdam ako ng tuwa kahit na binabalutan ako ng kalungkutan.
"At bakit naman gusto mo akong kasabay? Baka mamaya kapag nakita mo na 'yung mga kaibigan mo ay agad ka nang tatakbo at iwan ako."biro ko ngunit wala akong narinig na sagot mula kay Eiji.
Tahimik
Naglalakad lang kami at walang imikan.
Tumigil ako sa paglalakad at pumakawala ako ng isang buntong hininga. Noong napansin nitong wala ako sa likod niya ay lumingon si Eiji. "Bakit ka tumigil tol?"tanong nito.
"Gusto kong sabihin sa'yo na baka lilipat ako ng School. Baka hindi mo na ako makikita kailanman, nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kailan ang araw ng pag-alis namin. Ngunit, gusto kong sabihin sa'yo na sana huwag mo akong kakalimutan kung sakaling dadating yung araw na aalis na ako."seryoso kong sagot. Awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay ni Eiji at lumapit sa akin.
"Anong sabi mo lilipat ka? Bakit naman anong dahilan?"medyo malungkot nitong tanong.
"Madaming salaysayin. Basta mangako ka na hindi mo ako kakalimutan. Kaihit anong mangyari sana mananatili ang ating samahan bilang. Bilang ano. Basta! Huwag mo akong kalilimutan ha?"
Natawa si Eiji at umakbay sa akin at muli kaming naglakad. "Kakaiba ka ngayon Mako. Bakit parang namamaalam ka? Parang gusto mong sabihin na hindi na tayo magkikita kailanman. May problema ka ba? Kung meron sabihin mo lahat sa akin, makikinig ako pangako. Kung ano man ang iniisip mong masama ay huwag mong gawin. Huwag kang matakot nandito lang ako sa tabi mo."nakangiti niyang sabi.
"Salamat, pero ang tadhana ay nakatakda na sa atin simula noong isinilang tayo. Masaya ako at nakilala kita Eiji."
Noong makarating kami dito sa Shibuya crossing ay napansin kong may kumakaway sa amin ni Eiji mula sa kabilang dako. Nakita iyon ni Eiji at tumugon din ng kaway. "Tol. Kumusta may inuman ang barkada sa bagong bukas na bar malapit lang dito, ano sama ka?"bungad ng mga barkadang lalaki ni Eiji. Pormado ang mga ito at halatang bagong ligo.
Tumingin ako kay Eiji at tumango. "Sige na, mga kaibigan mo 'yan. Tsaka ayos lang ako kaya ko namang umuwi mag-isa."pilit ngiti kong sabi kay Eiji pero mabigat talaga ang dibdib kong pakawalan siya.
Tumingin ito sa mga barkada niya at umiling. "Pass muna mga tol. May lakad kami ng kaibigan ko tsaka tutulungan niya ako sa Physics, naku! Mahirap pa naman 'yun. Graduating na tayo mga tol dapat ay makapasa tayo sa paparating na exam kaya diyan na kayo."sabi ni Eiji na aking kinagulat. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ito sa akin. "Diba tol?"
"O-Oo naman haha tutulungan ko kasi itong si pare Eiji. Ewan kinukulit ako hindi naman ako matalino para tulungan siya."palusot ko din. Napakamot ng ulo ang mga kaibigan ni Eiji at tumango. "Sige mga pards, sa susunod nalang."sabi ng mga ito at umalis na.
Tumingin ako kay Eiji at tinignan sa mata ng makahulugang tingin. "Bakit mo ginawa 'yun?"tanong ko pero sa kaloob-looban ko ay natutuwa ako.
Napakamot siya ng ulo at inakbayan ako. "Hay! Diba sabi ko sa'yo kanina doon sa Gate ay gusto kitang makasamang umuwi. Inantay kita ng matagal tapos iiwan lang kita. Tara na nga, tutal nandito na tayo sa sentro kain muna tayo anong gusto mo?"
Hindi ako makapaniwala na tumanggi siya sa alok ng barkada niya. Nahuhulog tuloy ako at parang gusto ko na talagang paniwalaan ang teorya ko. "Tinatanong kita kung anong gusto mo ey! nakikinig ka ba?"
Ngumiti ako ng malapad. "Gusto kong kumain tayo ng Popsicle"
Kumunot ang noo ni Eiji. "Eh? Ang lamig ng klima tapos kakain ka ng Popsicle."
----
"Arigatou gusaimasu!"
Lumabas kami sa convinient store habang hawak ang pinamili namin ni Eiji na Popsicle at iba pang malalamig na pagkain tulad ng Yakult na nag yeyelo. Yogourt at iba pa. Blueberry ang kinuha kong Popsicle samantalang si Eiji ay watermelon. Sobrang lamig ng klima at nagyeyelo pa ang paligid ngunit heto kami ni Eiji kumakain ng Popsicle habang naglalakad pauwi.
"Ano bang naisip mo at gusto mong kumain ng popsicle?"natatawa nitong tanong sabay kagat ng kinakain niya.
"Wala trip ko lang. Gusto ko lang sabayan ang taglamig."
Narinig ko itong tumawa.
Nagkuwentuhan kami habang naglalakad at hanggang sa mapadpad kami dito sa gilid ng riles. Narinig kong tumunog ang bell nito na ibig sabihin ay may tren na dadaan. Mabilis kong nilagok ang hawak kong Yakult at humanda sa pagtakbo na parang runner ng track in field.
Napatingin ako kay Eiji na nagtataka. "Bakit anong gagawin mo?"tanong nito.
Ngumisi ako at kumindat. "Tara makipag habulan tayo sa tren. Kung sino ang makauna nito ay ililibre ko ng madaming Popsicle."tugon ko nang matawa ito.
"Imposibleng matalo natin ang tren. Masiyadong mabilis at malabo ang tiyansa na maabutan natin iyan."tugon nito ngunit hindi ako nagpatinag.
ting! ting! ting!
"TAKBO!"sigaw ko at mabilis kaming tumakbo ni Eiji upang makipag unahan sa tren. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pakiwari ko ay sobrang sayo ko! Napatingin ako kay Eiji at pilit na binibilisan ang kaniyang takbo. "Nandiyan na ako!"sigaw ni Eiji habang kapwa namin inuunahan ang tren. Napatingin ako sa tren ay nakatingin din sa amin ang mga tao sa loob.
Nakadungaw sila sa bintana at pinagmamasdan kami kung paano namin unahan ang tren. Halos mapatid ang aking hininga kaya binagalan ko ang aking takbo, ganon din si Eiji na tawa ng tawa. At hanggang sa tumigil na kami at hinabol ang aming hininga. Basang-basa kami ng aming pawis habang pilit kumakapit ang lamig sa aming katawan.
Kapwa kami hingal at nakahawak sa aming tuhod.
"Tang ina! nakakapagod."hingal na sambit ni Eiji.
Natawa ako at parang naninikip ang aking dibdib. "Ang totoong rason ng paghabol natin sa tren ay nais kong iparamdam na ganon kahirap na habulin ka upang pansinin ako. Kahit na anong pilit kong habulin ka ay malabong mangyari ang nais ko."bulong ko habang hingal na hingal.
Ngayon alam mo na kung gaano kahirap ang maging isang naghahabol na tagahanga.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.