Jamais Vu (VIII)

86 4 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

JAMAIS VU
見たことがない

KABANATA 8: Ang haplos ng tag ulan

Maulap at bumabagsak ang mga butil ng ulan sa labas na nagbibigay ng malamlam na damdamin sa aking buong pagkatao. Tanaw na tanaw ko ang malakas na buhos ng ulan dito sa bintana ng aming silid aralan habang abala ang aming guro sa pagtatalakay patungkol sa aming bansa.

Hindi ako makapag pokus sa araling tinatalakay ng aming guro sapagkat bumabagabag sa aking isipan ang mukha ni Eiji. Namalayan ko nalang na nakangiti ako habang naka halumbaba dito sa aking lamesa. Nararamdaman ko na sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo pang lumalawak ang nararamdaman ko kay Eiji.

"Sino naman ang iniisip mo ngayon si Eiji, ba?"tanong sa akin ni Dedee mula sa kabilang lamesa.

"Wala, tsaka bakit ko naman siya iisipin kung nandyan lang naman siya sa kabilang Classroom"palusot ko naman at umikot ang mata nito.

"Maniwala naman sa'yo, oh heto polvoron galing Akita pa 'yan masarap at matamis huwag mong sasabihin kay Roma na binigyan kita baka papakin nya lahat itong dala ko sa atin lang to."bulong nito sabay palihim na inabot sa akin ang dalawang supot ng polvoron.

"Oy! share mo naman yan bawal madamot"narinig kong bulong ni Roma mula sa aming likod. Napatakip nalang ng mata si Dedee sabay sabing. "Naloko na!"

"Umayos nga kayo diyan baka mahalata kayo ni Ma'am."saway naman ni Kisara sa kaliwang gilid na abala sa pagsusulat.

"Hayaan mo siya at mag discuss hanggat gusto nya kapag usapang pagkain mula sa ibang bayan ay game ako diyan at walang makakapigil sa akin."sabad naman ni Roma

"Oo at hindi ka namin napigilang kumuha ng limang polvoron sa bag ko akin nga yan! mamaya nalang"wika ni Dedee sabay sara ng bag nya.

Hagikgikan maliban kay Roma na naka nguso.

"Maiba nga ako, sinong nanggaling sa Akita?"tanong ko kay Dedee na abala sa pag-nguya ng pagkain.

"Si tita ko binisita nya yung kapatid nya doon. Nagsilang kasi yung kapatid nya kaya ayun bago siya bumalik dito sa Shibuya bumili muna siya ng pasalubong doon sa Akita."sagot naman nya.

"Ang pambansang watawat ng Japan ay opisyal na pinangalan sa Nisshoki, na ang ibig sabihin ay tatak ng araw. Ang pangalan na ito ay tumutukoy sa hitsura ng watawat na kung saan may pulang bilog sa gitna ng puting likuran sa watawat. Ang pinaka malaking naitalang watawat dito sa ating bansa ay mahahanap sa Shimane, kung saan sa labas ng dambana ng Izumo o Izumo shrine. May sukat itong 44.6 feet by 29.5 feet at nakabitin ito sa taas na 154 na talampakan. Ang ating watawat ay kumakatawan sa Araw, at ito ay mahalaga sa kabuluhan ng pan-relihiyon at mito. Ang pampook na paniniwala dito sa simbolo ng ating watawat ay sinasabing ito ay Amaterasu, ang diyosa ng araw. Kaya, ang pulang kulay na bilog sa gitna ng watawat ay sumisimbolo sa araw na sinasabing magiging masagana ang ating bansa sa hinaharap. Samantala, ang puting kulay ay sumisimbolo sa kadalisayan, katapatan at integridad ng mga tao dito sa Japan."pagtatalakay ng aming guro at halos balutin ang klase ng nakakabinging katahimikan.

Maya maya pa ay nagtaas ng kamay si Chidai at tumayo saka hinawi ang kaniyang buhok. "ehem! Karagdagan lang po Ma'am Inagi. Ang japanese flag ay tinatawag din itong Hinomaru, na ang ibig sabihin ay bilog ng araw at sa wikang Ingles naman ay 'Rising Sun' na tulad ng ating bansa na umuunlad at lumalalim ang kaalaman patungkol sa teknolohiya at iba pa."wika ni Chidai dahilan para palakpakan namin siya samantalang si Chidai ay naka chin up sabay tingin sa akin na tila may nais ipahiwatig.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon