iMarjayNari
@Kaminari_amanashiJamais Vu
Kabanata 22: Sarili
Naglalakad ako ngayon papunta sa Rooftop, medyo na bo boring ako sa classroom kaya pumunta muna ako dito. Nang marating ko ang Rooftop ay may naka tambay na babae din dito. Naka suot ito ng mahabang coat at mga panlamig na kasuotan.
"Ate Dimple?"tawag ko nang humarap ito.
"Mako! Ikaw pala kumusta ka na? Hindi na ako nakakapasok sa Classroom niyo dahil natapos ko na ang klase ko dun sa Subject na pinapasukan ko."bati nito sabay yakap sa akin.
"Heto okay naman nakakaraos din kahit tambak ang mga gawain sa Classroom. Sandali, matanong ko nga kumusta si Eiji?"
Bahagya itong yumuko. "Si Eiji? Ayun naging usap usapan siya sa buong classroom namin tungkol sa pag papahiya sa kanya kahapon. Pero alam mo ba, hindi lang yun ang ginawa kundi pinahiya pa siya sa klase kanina."sagot nito.
"Oo nga pala tungkol kahapon. Pero tinawanan niyo siya?"
"Anong klaseng tanong yan malamang hindi! Hindi na kami elementary para gawin pa yung bagay na yun tsaka isapa galit na galit si Sir Ji kanina at parang red day niya ngayon. Minsan pinaghihinalaan namin siyang bakla, ang galing kasi mag tago."
"Bakit siya pinahiya tungkol nanaman ba ito sa PFT niya?"tanong ko muli.
"Hindi. Tungkol sa pabalang nitong pagsagot kay Sir Ji. Minsan kasi may mali din yung Teacher na yun ang sungit tsaka magaling mag pahiya."sagot ni Ate Dimple.
"Pero nasaan na siya ngayon? Baka umiiyak na yun kung saan."
Natawa ito at umiling. "Hindi naman ganun si Eiji. Unang tingin ko palang sa kanya ay hindi siya yung tipong lalaki na iiyak kapag sobrang napa hiya. Matigas ang puso ni Eiji at ramdam ko yun kasin tigas ng ulo niya!"tugon nito.
"Saang Ulo? Baba o Taas?"biro ko nang irapan ako nito. "Biro lang. Siguro pagod na siyang umiyak."
Kumunot ang noo ni Ate Dimple. "Paano mo nalaman?"tanong nito.
"Wala hula ko lang"sagot ko naman.
Habang sa ganoong posisyon ay nakita namin si Eiji na naglalakad sa ground at patungo ito sa gate sa likod papunta ng Oval. "Ano kayang gagawin ng mokong na yun"bulong ko sa aking sarili.
"Ayun pala si Eiji sundan mo kaya?"ani ni ate Dimple.
"Bakit naman baka ako pa ang pag buntungan niya ng galit ayoko namang ma bugbog."biro ko dahilan para matawa si Ate Dimple.
…
Mabilis akong bumaba ng Rooftop at sinundan si Eiji at baka mag cutting class ito. Doon kasi sa Oval pwede mong akyatin yung mataas na pader at makakatakas ka na.
Hinanap ko siya mula dito sa Gate. Wala akong makitang bakas na Eiji kaya sinubukan kong pumunta sa Grand Stand. Malamig ang hangin kaya naman nanunuot sa aking balat ang lamig nito. Isama mo pa ang nag ye yelong semento at mga puno na natabunan ng niyebe.
Tahimik
Umupo ako dito sa Stand at nilibot ng tingin sa paligid. Maya maya ay nakaramdam ako ng panlalabo ng mata kaya pinikit ko ito at muling minulat. Laking gulat ko nang wala na ako sa Grandstand, natagpuan ko ang aking sarili dito sa isang malawak na kawalan habang naka tayo ako sa isang hindi kalalimang tubig. Ang mga ulap sa itaas ay ginagaya ng tubig na parang repleksyon nito. Ang ganda at kuhang kuha.
Tanging mga ulap na kulay kahel ang nasa paligid at malawak na katubigan, ganito yung mga napapanood ko sa T.V. Nag simula nanaman akong kabahan. Natatakot ako dahil nawawala nanaman ako, marahil niloloko nanaman ako ng aking utak. "Mako hindi totoo ang nangyayari. Bumalik ka please! Huwag mong hayaan na lamunin ka ng sistema mo"bulong ko sa aking sarili at huminga ako ng malalim.
Habang sa ganoong pagkakatayo ko ay may nakita akong tao na naka lutang sa tubig. Naka higa at nakatingala sa malawak na kalangitan. "Huwag kang mag alala. Ako ang nag dala sayo dito. Lumapit ka"sabi nito kaya naman halos balutin ako ng kaba noong marinig ito.
"Sino ka ba talaga. Bakit ayaw mong lisanin ang isipan ko. Nakakapagod din ayoko na! Ayokong maging baliw"bulalas ko sa kanya.
Narinig ko itong tumawa at biglang bumangon sa kristal na tubig. Halos manigas ang aking mga paa at mawalan ng hininga noong makita ko ang aking sarili. "Si-sino ka?! Sumagot ka sino ka!"
Ngumiti ito at tumayo tsaka lumapit sa akin. "Huwag kang matakot Mako. Dahil ikaw at ako ay iisa."
Itutuloy...
Ihi ka muna bago ituloy ang pag babasa. Keep reading mga ambon.
Eiji San Miguel is on Multimedia

BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Roman pour AdolescentsSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.