iMarjayNari
@kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKABANATA 12: Para sa minamahal
Lumipas ang masasayang araw ko bilang isang taga hanga at tagasulat ni Eiji. Masaya naman ako sa ginagawa ko at pakiwari ko'y damang-dama ko ang pagiging High School Student. Tama nga ang sinabi nila na ang High School ang pinaka masayang yugto ng buhay bilang isang mag-aaral dahil sa sari-saring alaala ang mabubuo hanggang wakas. Habang tumatagal ang paghanga ko kay Eiji ay parang nais ko nang magtapat sa kanya ng aking damdamin ngunit sa kabilang banda ay natatakot ako at nahihiya sa kanya. Takot ako sa rejection at ayokong mapahiya sa harap ng mga taong natitipuhan ko kaya naman napag desisyonan kong HUWAG muna at ipunin ko muna ang lakas ng aking loob, at kapag handa na ako ay doon ko isisiwalat lahat kay Eiji kung gaano ko siya kamahal.
Ito ang pangalawa kong paghahabol sa isang tao. Noong una ang yung classmate ko noong grade 5 ako na pina sakay ako sa kanyang mabubulaklak na salita ngunit nag tapos lamang sa isang masakit na pangyayari na kung saan iniwasan nya ako na para bang may malala akong sakit. Ikalawa naman si Eiji at hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ito aabot, natatakot akong magkaroon ng nobya si Eiji dahil baka mabuntis nya ito at baka ikamatay ko pa. Malaki ang inggit ko sa mga kaibigan kong babae dahil malaya silang magka-gusto sa mga natitipuhan nilang lalaki. Samantalang ako ay hindi ito pangkaraniwan at hindi posibleng magka-gusto sila sa akin.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo dito sa rooftop habang pinagmamasdan ang mga estudyante na naglalakad sa school ground. May kung anong lungkot at pangungulilang nabubuo mula sa aking puso bunsod ng pag-alis ni Eiji papunta sa kanilang Internship. Parang wala akong ganang mag-aral kapag hindi ko siya nakikita, ang gusto ko ay nakikita siya dahil sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang mukha ay para akong kinukuryente at nagigising upang magpursige.
Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at binuksan ang aking Facebook saka ko hinanap ang pangalan ni Eiji. Dito, nakita ko ang bago nyang post kasama ang barkada nya. Naka ngiti silang tatlo habang sa likod nila ay ang sasakyan ng pulis, hindi ko namamalayang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi. Kakaibang pakiramdam ang masilayan ang kanyang mukha na para bang nakaramdam ako ng sigla, mabilis kong pinindot ang heart react at niyakap ang aking cellphone.
"Masaya tayo ah!"bungad ni Kisara noong makita ko syang palapit sa akin.
Ngumiti ako."Oo, may namiss lang akong tao."tugon ko naman at natawa si Kisara.
"Mahal mo na talaga siya noh? Ang laki ng pinag bago mo Mako sana dumating yung araw na ikaw naman ang hanapin ni Eiji."naka ngiting wika ni Kisara.
"Sana nga, palagi kong pinag-dadasal na sana mapansin din ni Eiji ang efforts ko."
Natawa ito sabay tingin sa akin."Suntok sa buwan ang nais mo Mako, bakit kasi nagpapa-alipin ka kay Eiji? Madami namang tao diyan. O kaya naman mag mahal ka ng isang taong mamahalin ka din, babae ang para sa'yo Mako hindi natin alam kaharap mo na pala siya pero hindi ko sinasabing ako."
Parang sinabuyan ako ng malamig na tubig sa tinuran ni Kisara, para bang pinapa-mukha nya sa akin na hoping na talaga ako. Minsan nahahalata ko kay Kisara na may gusto siya sa akin dahil sa mga binibitawan nyang salita. Sabi nga nila ang isda ay nahuhuli sa bibig.
Napa ngisi ako at tumingin kay Kisara ng tuwid."Wala naman sigurong masama kung mag mahal ako ng katulad kong lalaki. Kung iniisip mong magmamahal ako ng babae marahil kapag natauhan na ako."tugon ko naman.
"Kasi Mako gusto lang kitang tulungan. Nabasa ko sa bibilya na ang lalaki ay para lang sa mga babae at wala akong nabasa na ang lalaki ay para din sa kapwa lalaki, ganun din sa mga babae."seryosong wika nito.
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.