Jamais Vu (VI)

93 4 0
                                    

iMarjayNari
@Kaminari_amanashi

Jamais Vu
見たことがない

kabanata 6: Bulag sa Pag-ibig

Nakatayo ako ngayon dito sa rooftop habang pinagmamasdan si Eiji kasama ang kanyang dalawang kaibigan sa ilalim ng cherry blossom, tutok na tutok sila sa kanilang cellphone marahil naglalaro sila ng sikat na online game. Naaliw akong pinagmamasdan siya at hindi maikubli ang ngiti sa aking labi. Para syang anghel na may sungay, natatawa nalang ako kapag sumasagi sa aking isipan ang paghawak nya sa aking kamay kahapon.

Ngunit, ang ngiti sa aking labi ay napalitan ng takot dahil sa nangyari kahapon. Para bang totoo talaga na napunta ako sa lugar na iyon. Hindi ko maalala ang mukha ng lalaki dahil malabo ito at mahirap maaninang. Sinabi ko kay Kuya Jheron ang nangyaring iyon ngunit ang sabi lang nya ay "Kakalaro mo iyan ng horror games!"

"Alam mo kung ako ang tatanungin mo? Sobrang pagod na si Eiji ngayon, kasi malamang magdamag syang tumatakbo sa isip mo."narinig kong boses ni Ate Dimple mula sa aking likuran kaya naman napa lingon ako sa kanya.

Nangiti ako. "Ikaw pala ate, ano kumusta si Eiji?"

Lumapit ito at tumabi sa akin. "So ayun bago daw magsimula yung internship namin kailangan munang magkaroon kami ng preliminary exam na konektado sa mangyayari doon sa internship namin. Pero bago maka kuha ng exam ay dapat kompleto lahat ng requirements ang bawat estudyante sa room namin."sabi ni Ate Dimple kaya napa tingin ako sa kanya ng seryoso.

"So anong ibig mong sabihin?"tanong ko kay ate at pumakawala ito ng isang buntong hininga. "Si Eiji lima ang hindi nya naipasang requirements, major paman din iyon at malaki ang hatak nito sa grado nya."seryosong sagot nito.

"Ano naman ang mga requirements na iyon?"tanong ko at may kinuha siya sa kanyang bulsa na naka tiklop na papel. Binigay nya sakin ito at ngumiti. "Tulad ng inaasahan ko tatanungin mo sa akin iyan kaya sinulat ko para ipakita sa'yo."

Agad ko naman itong binuksan at binasa ang limang hindi nya naipasa. Isang napapanahong isyu na dapat printed, Concept paper, gumawa ng periodic table of elements sa onefourth cardboard, Blog patungkol sa tourist destination dito sa tokyo at gumawa ng outlining kahit anong topic. Napatingin ako kay ate Dimple. "Kailan ang deadline nito?"seryoso kong tanong.

"Bukas na"matipid nyang sagot at muli akong napatingin sa listahan ng hindi nya naipasang requirements. Binaling ko ang tingin kay Eiji na naglalaro parin sa kanyang cellphone at pumakawala ng isang buntong hininga. "Sige ate maraming salamat, punta lang ako sa library sa kabilang building para mag tingin ng mga maaari kong magamit sa paggawa nito."sabi ko sabay ngiti, napa salubong ang kanyang kilay na para bang nagtataka.

"Gagawin mo iyan?"pang-uusisa nito at nginitian ko ito. "Siguro naman makakatulong ako sa kanya kahit ito lang. Tsaka nagawa nanamin ito kaya madali nalang sa akin,gusto kong lang ma enjoy nya ang nalalabing buwan buhay High school."tugon ko. "Sige ate alis na ako maraming salamat."

"Sabay na tayong bumaba hinanap lang kita dito."pahabol nito habang pababa ako dito sa hagdan.

Kapwa kaming nagtungo ni Ate Dimple doon sa library, may isa din syang hindi naipasa kaya naman sumama ito upang gawin din ang kanyang gawain. "Bakit ba gustong gusto mo si Eiji? Nag-usap na kayo?"sunod-sunod nyang tanong habang naghahanap kami ng aklat dito sa istante ng mga libro.

"Naaawa lang ako sa kanya kasi na kwento sa akin ng ka klase ko ang buhay nya. Tsaka hindi pa kami nag-uusap nahihiya ako mas gusto ko ng ganito."tugon ko naman sabay kuha ng libro at pinagpag. Nahagip ng mata ko ang pagkunot ng noo ni Ate Dimple kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Sa lahat ng nakilala kong ba- ewan basta yung mga katulad mo. Ikaw lang ang ganiyan yung tipong tahimik at hindi nagpapahalata."sabi nito dahilan para matawa ako.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon