Jamais Vu (IX)

87 6 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu
見たことがない

KABANATA 9:Never Seen

"Siguro madami ka nang napa iyak na babae noh? Pero ibahin mo ako hindi kita iiyakan kasi hindi naman ako tinatablan ng kamandag mo! Siguro nga tama si Niki. Kaaway ka ng kababaihan, hindi ko akalain na magkaka gusto ako sa'yo!"bulong ko sa aking ginuguhit na kung saan si Eiji na naka hawak ng bola.

"Abah! sino 'yan Classmate mo?"tanong ni Kuya at nakatayo pala siya dito sa gilid ng study table ko. "Hindi noh! Schoolmate ko siya kuya, Senior High siya kagaya ko."tugon ko habang abala ako sa pag-guhit ng mga mata ni Eiji.

"At crush mo siya hindi ba?"natatawang tanong ni Kuya dahilan para panliitan ko ng mata. "Paano mo naman nasabing crush ko siya ni hindi mo nga siya kilala kuya"

Narinig ko itong umalik-ik ngunit pinag patuloy ko parin ang ginuguhit ko."Akala mo ba hindi ako marunong mag basa ng Hangeul? Tignan mo ito ano itong naka sulat diyan sa baba hindi ba 'MakoXEiji'"natatawa nyang wika sabay turo sa baba ng oslo paper. Napalunok ako ng walang laway at hindi tumingin sa kanya bagkus nagpatuloy ako at parang hindi ito napansin.

Naramdaman kong ginulo ni Kuya ang buhok ko at narinig itong tumawa. "Hindi naman masama kung magka-gusto ka sa katulad mo basta huwag mong sobrahan, humanga ka lang."sabi ni Kuya dahilan para itigil ko ang ginagawa ko. "Naka usap mo na ba siya?"

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Ayokong mapansin nya ako. Ibig kong sabihin kung mag papakilala ako bilang taga hanga nya ay baka iwasan lang nya ako at pandiri-an. Kahit na hindi ko siya nalalapitan ayos lang, dahil simpleng tingin ko lang sa kanya ay naiguguhit ko naman ang kanyang mata, ilong at nakapaka gwapo nyang muka."

Napa-kibit balikat lang si kuya sa aking sinabi. "Bahala ka nasayo naman ang desisyon. Halina't kumain na tayo para makulayan mo pa 'yang si Eiji"natatawa nyang wika sabay akbay sa akin papunta sa hapagkainan.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko na si Kuya, siya ang taga hugas at ako naman ang taga punas ng hugasin. Na kwento ko sa kanya ang lahat at ang tanging reaksyon lang nya ay tawa lang ng tawa.
---

"Oyasumi nasai Kuya"bulong ko habang natutulog ito saka ko siya hinalikan sa noo. Agad na akong nagtalukbong ng kumot at pinalakasan ang aircond.

SAINT ROSE ACADEMY

Hinatid ako ni Kuya sa aking paaralan ewan ko ba kung anong pumasok sa kukute nya at naisipan akong ihatid. Habang naglalakad ako dito sa Hallway ay napansin ko si Eiji doon sa corridor nila na may katawag ngunit hinayaan ko lamang ito. Pagpasok ko palang dito sa Classroom ay biglang sumulpot si Clover sa pintuan. "Konichiwa! Mako, may ipapakita ako sayo at sigurado akong malulungkot ka hindi mo ito ma t-take kaya nagdala kami ng maraming tissue para sayo!"bungad nito at lumabas sa likuran nya sina Dedee at Paris na may hawak na tig-isang rolyong tissue.

"Tignan mo itong picture sa Facebook ni Eiji nag pop-up lang kaninang pag open ko ng account ko."sabi nito sabay lahad ng cellphone sa aking mukha at nakita ko ang naka topless na lalaki at tanging brief lang ang suot kaya napa ngiwi ako.

Napa kunot noo naman si Clover kaya agad nyang binawi ang cellphone nya at halos magulantang ito. "Ayy! Mali yang iniisip mo Mako nag pop-up lang ito kanina sa notification bar ko oh! diba alam ko yung notification bar, pero wait lang heto ang tignan mo!"muli nyang hinarap sa akin ang cellphone nya at sa pagkakataong ito ay tila may karayom na tumusok sa aking puso. Pakiwari ko'y may naka balandra sa aking dibdib at hindi ako makahing ng maayos..

Si Eiji ay nakaakbay sa isang babae habang sila ay kapwa naka ngiti, medyo na kornihan lang ako sa caption na "I love you babe"

"Ano masakit diba? Huwag mo kasing mahalin ng sobra lalo na hindi ka sigurado kung mahal ka nga nya."sabad ni Paris sabay salampak ng tissue sa aking ilong. "Grabe ka naman sa word mo na mahalin ko siya ng sobra, hindi naman ako ganun! Tabi nga kayo dyan."

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon