Jamais Vu (IV)

114 10 1
                                    

iMarjayNari
@Kaminari_amanashi

Jamais Vu
見たことがない

KABANATA 4: Sikreto ng nakaraan

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway nang maka salubong ko si Chidai, gandang-ganda ito sa kanyang suot na uniporme mula paa hanggang ulo. "Hi Mako kumusta ang araw mo?"naka ngiting tanong ni Chidai sa akin

"Maayos naman, ikaw kumusta ka na? Nabalitaan kong magpapalipat ka ulit ng club?"Ngumiti siya saka hinawi ang buhok nya at talaga namang napakaganda ang bawat hibla ng kanyang buhok.

"Hindi ako lumipat ng club sa totoo nga ay lahat na ng club ay sinalihan ko na! Dahil ako si Chidai Himi ang magiging number one at titingalain ng mga estudyante dito sa Saint Rose Academy!"Masayang wika nito sabay hagis ng mga talulot ng mga bulaklak sa kinatatayuan nya.

Napangiwi nalang ako sa kanyang inasta saka muling ngumiti sa kanya. "Seryoso may topak kaya to?"bulong ko sa aking sarili.

"Alis na ako Mako, tatandaan mo palagi ang mga sinasabi ko dahil ako ang tataob sayo! Mas pinaganda, babaihan at may matabang utak. Ako si Chidai Himi ang magiging number waaaaan!"pag iingay nito sa buong hallway saka nagtatakbo paalis sa aking kinatatayuan.

Napabuntong hinga nalang ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Pagdating ko dito sa main gate ay nakita ko si Clover sa labas ng gate kaya naman nag tatakbo ako sa guard house upang mapuntahan sya. Pagdating ko dito ay nag mamakaawa ito sa guard na papasukin. "Mako nandiyan ka pala pakitanong nga kay Kisara kung may extra pink t-shirt sya, hindi ko kasi nalabhan yung uniporme ko kahapon ayun ang ending ayaw akong papasukin nitong guard."naka nguso nitong wika sabay tingin kay guard.

"Bakit kasi ILOVE SG iyang suot mo, alam mo ba na pinagbabawal ang pagsuot ng mga printed shirts dito sa loob ng school? Estudyante ka dapat alam mo iyan"sabad naman ng guard kaya sumimangot si Clover.

"Kuya alam mo ba na ang meaning ng Ilove SG ay Ilove security guard. Kaya please kuya guard papasukin nyo na ako type pa naman kita"hirit ni Clover sabay kindat sa guard ngunit wala talaga itong epekto.

"Huwag mo nga akong echosin diyan, humanap ka ng bata yung malusog at makatas huwag ako tuyot na ako."sagot naman ng Guard kaya naman natawa ako ng palihim.

"Kuya classmate ko po si Clover, alam niyo po ba na siya ang tinaguriang 'most responsible' student sa strand namin dahil always siyang complete uniform AT siya ang may proper decorum sa loob ng classroom namin. Nagkataon lang naman na hindi siya nakapag suot ng proper attire ngayon kasi nakalimutan nyang maglaba kahapon. Tsaka mahirap ang buhay estudyante kuya hindi madali dahil nakaka stress mag review, gumawa ng task at iba pa."sabi ko sa guard kaya naman tumango na ito saka binuksan ang gate.

"Sige na! Sana totoo iyang mga lumabas sa bunganga mo. Hindi ito makakarating kay prinsipal."wika ng Guard at nag thumbs up kaming dalawa ni Clover. Bumalik na kami ni Clover sa classroom, kaya lang naman ako lumabas para makita lang si Eiji kung nandito siya ngunit bigo ako.

Nag discuss ang aming guro patungkol sa aming bagong lesson, medyo naguguluhan lang ako dahil palaging sumusulpot si Eiji sa aking isipan. Minsan hindi ko na pinakikinggan ang discussion ng guro dahil sa pag ka boring nito, isama mo pa ang maulap na kalangitan.

Pagkatapos ng klase ay tumambay muna ako dito sa koridor upang mag bakasakaling nandito si Eiji sa paligid. Puro mga estudyanteng freshman at sophomore lang ang makikita dito sa paligid.

"Kanina ka pa nandito? napansin kong wala ka sa upuan mo, nandito ka lang pala."bungad ni Cairo.

"Bakit anong kailangan mo?"tanong ko at umiling lang si Cairo.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon