iMarjayNari
@kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKabanata 23: Alaala
Parang nabingi naman ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong mababaliw. "Hindi! Hindi mo ako matatalo. Niloloko mo ako!"sigaw ko sabay suntok sa kanyang mukha ngunit bumalik sa akin ang kamao at ako ang napuruhan sa mukha.
"Makinig ka! Gusto kong kumalma ka at makinig sa aking salaysay patungkol sayo. Mako hindi ikaw ang tunay na Mako kundi ako"
Natawa ako sa kanya, nababaliw na nga. "Paano mo naman nasabi yan. Heto ako buhay na buhay sa mundo namin! Sa lugar kung saan ako lumaki at nakatira ngayon!"sigaw ko.
"Walang magagawa ang pag sisigaw mo kung hindi ka makikinig at harapin ang KATOTOHANAN!"sigaw nito kaya natahimik ako.
"Mako makinig ka. Ako at ikaw ay iisa. Matagal ka nang patay! At matagal na akong patay. Kaya ka nabuhay at nag e exist sa mundong ibabaw dahil sa pagsusumamo kong mabuhay muli!"sabi nito dahilan para manghina ang aking mga tuhod. Napa luhod ako sa katubigan at parang nawala ako sa sarili.
"Maganda ang buhay namin dati. Mapayapa kasama ang aking mga magulang. Pero isang araw may nakaaway ang aking ama! Alam mo ba kung ano ang nangyari? Pinagtataga nila kaming buong pamilya! Isang malaking trahedya ang naganap sa bayan namin!
At bago ako mamatay ay nakita ko ang kuya ko! Wala na itong malay! At bago ako mawalan ng hininga ay binuo kita gamit ang masasayang alala. Hindi ka tao Mako! Isa kang masayang alala na mula sa akin. Buhay na buhay ka dahil sa paniniwala kong mabubuhay ka at sisibol. Ginawa kita upang ipagpatuloy ang sayang naantala. Binuhay ko kayo ni Kuya kaya nandito parin ako sa mundo at hindi pumupunta sa langit dahil sa inyo"
"Hindi ka baliw at lalong wala kang sakit. Gusto kong mabuhay muli ngunit hindi ko nagawa. Alala nalang ang tanging paraan upang mabuhay ako at ikaw ang kalabasan. Nakakalito ngunit totoo ito. Pero, pagod na ako at nais ko na din pumunta sa nararapat kong tahanan. Masaya ako Mako at nakilala mo si Eiji at iba mo pang kaibigan.
Pagod na ako. Hindi ko na kaya gusto ko nang mag pahinga."salaysay nito at parang nabusalsalan ang aking bibig dahilan para hindi ako makasagot. Tumingin ako sa kanya at umagos ang luha sa aking mata. "Ano ang balak mo?"tanong ko at hindi ako makahinga ng maayos na parang may nakabalandra sa aking dibdib.
"Sa paparating na Lunar Eclipse. Doon magaganap ang malawakang paglalakbay ng mga kalulwa sa tulay ng buhay. Mag bubukas ang dimension ng mga espiritu upang marating ang paroroonan. Pero, nais kong sabihin na kung sakaling aalis na ako dito ay mawawala ang lahat ng alala ng mga malalapit mong kakilala. Mabubura ka sa kanilang isipan at hindi ka nila maaalala magpakailanman."sagot nito kaya naman halos tangayin ako ng aking takot at kaba. Hindi ko napigilan ang aking sarili na umiyak. Naramdaman ko itong lumapit at hinawakan sa ulo.
"Huwag kang malungkot. Parte talaga ng buhay ang pag papaalam. Ang mamatay ay isang masaya na paglalakbay patungo sa kapayapaan "sabi pa nito.
Inangat ko ang aking ulo at tumayo. "Hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging kahihinatnan ng aking buhay. Wala akong magawa kundi sumunod sa agos ng oras at panahon. Masakit para sa akin ang mawala, bakit mo pa ako ginawa kung ako din lang pala ang masasaktan sa huli? Naging masaya ka at ako naman ay nandito umiiyak sa harapan... ko, hindi ko maisip na ikaw at ako ay iisa. Sakim din pala ako"
"Sabihin mo ang nais mong sabihin, pero ito ang tadhana mo Mako ang tadhana nating dalawa."wika nito at biglang humangin ng malakas. Kasabay nito ang pagbalik sa dati.
Tulala at walang direksyon ang isipan.
"E-Eiji. Clover. Kisara... mga kaibigan ko"bulong ko nalang sa hangin at dito muling bumuhos ang aking emosyon. Niyakap ko ang aking paa at sinubsob ang muka sa aking braso.
Gulong gulo ako! Hindi ko na kaya! Pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko!
Hindi na ako pumasok sa klase. Tumambay nalang ako dito sa Oval at inantay na matapos ang oras. Alas 6 ng gabi noong napag pasiyahan kong umuwi. Hinahangin ang aking isipan at parang hindi gumagana. Kumakalam din ang aking tiyan.
Mugto ang aking mga mata.
Habang naglalakad ako dito sa kalye hindi ko namalayang naapakan ko ang madulas na yelo dito sa semento dahilan para madulas ako at matumba. "Tangina ang sakeet!"sigaw ko noong maipit ang bukung-bukong ko.
Muli akong tumayo at suray suray na naglakad pauwi. Namimilipit ako sa sakit at parang bibigay na ang katawan ko. "Ayoko na!"sigaw ko sabay bubad ng aking sapatos at hinagis.
"Bakit kasi hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo? Halika na pumasan ka sa'kin"narinig kong boses ng lalaki mula sa harap ko kaya tumingin ako sa kanya. "E-Eiji? T-tol pasensya ka na. May problema ako eh! Hindi ko na kasi kaya"muli nanaman akong naiyak. Hindi ko mapigilan ang aking damdamin at sasabog nalang ito.
"Halika na pumasan ka na"wika nito kaya wala akong nagawa kundi sumampa sa likod niya.
Tahimik.
"Ang bigat mo din pala tol pero ayos lang. Masaya ako at natulungan kita."pambasag niya sa katahimikan.
"Nakakahiya naman. Pero salamat talaga. Ikaw na ang bahala sa akin pagod ako."
"Ano bang problema mo? Tsaka hindi mo ako pinansin nitong nakaraang araw galit ka ba?"tanong ni Eiji.
"Medyo. Pero pinapatawad na kita."sagot ko naman. Ang init ng kanyang katawan at ang bango ng kanyang amoy, pakiramdam ko napapawi niya ang lungkot ko. Sa tuwing nasa tabi ko siya nawawala ang lahat ng problema ko.
"Pasensya talaga. Gusto kasi kitang sorpresahin noon, hindi ka naman kasi nakikinig."wika nito dahilan para ngumiti ako.
"Talaga salamat naman."
Tahimik
"Eiji"tawag ko
"Bakit?"
"Saksi ngayon ang mga bituin sa kalawakan at ang buwan. Sasabihin ko na to sa'yo. May gusto ako sa'yo, simula noong makita kita sa Guard House. Palagi kitang inaabangan at kapag wala ka sa paligid ko ay nalulungkot ako. Nais kitang makasama habam buhay pero imposible na yun. Alam kong dito na magtatapos ang lahat, Eiji tol mahal kita."sabi ko sa kanya dahilan para matigil ito sa paglalakad. Naramdaman ko itong tumawa.
"Nakakatuwa naman at mahal mo ako. Mag pahinga ka, kapag hindi ka na pagod doon mo ako kausapin tungkol diyan."tugon ni Eiji at muli na siyang naglakad.
Parang nabunutan ako ng tinik sa aking puso. At least nasabi ko na sa kanya bago mahuli pa ang lahat. Basta sa bawat oras at araw mula ngayon ay pupunuin ko na ng pagmamahal upang hindi ako magsisi sa huli. Ipaparamdam ko kay Eiji kung gaano ko siya kamahal. Hindi na mahalaga ang Rejection. Mabubura din lang naman ako sa kanilang isipan...
Pero. Ang gandang pagmasdan ang aming anino. Isang lalaki na pasan din ang isang lalaki sa ilalim ng bilog na buwan at mga bituin.
Itutuloy..
Cairo is on Multimedia

BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.