iMarjayNari
@kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKABANATA 14: Proyekto
Dahil sa naganap kahapon ay minabuti kong iwasan si Eiji at winaksi na kagabi ang koneksyon ko sa kanya. Nilabas ko lahat kay Kuya ang galit ko sa kanya (Eiji) dahil sa pagsigaw at pananakot nya sa akin kahapon. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ganon si Eiji kahapon at hindi naman ako gumawa ng kakaiba sa kanya.
Mula dito sa rooftop ay inaya ko si Cairo dito upang mag pahangin ngunit sadyang mababaw lang ang aking luha at madaling mapahiya kaya naman hindi ko maiwasang maiyak sa harap ni Cairo. "Isa lang naman akong hamak na tao at nag mamahal sa kapwa lalaki, bakit kailangan pang ipagkait sa akin ng tadhana na iparamdam kay Eiji yung pagmamahal ko sa kanya.
"umiiyak kong wika habang niyayapos ni Cairo ang aking likod habang naka subsob ako sa kanyang mainit na katawan."Shh, huwag kang umiyak bro! Diba unang-una palang ay sinabi ko na sayo na umiwas ka muna sa ganyan. Wala kang mapapala kay Eiji dahil sakit lang siya ng ulo dito sa campus natin, napag alaman kong siya ang pinaka pino-problema ng teachers dito dahil sa mga absent at hindi naipapasang quiz."
"Basta ayoko na sa kanya. Simula ngayon iiwasan ko nalang siya at mag focus sa pag-aaral."
Dito ko naramdaman ang maalagang haplos ni Cairo na nagpatahan sa akin. Pilit kong winaksi si Eiji kahit na may bigat sa aking dibdib na alisin siya ng tuluyan. Wala na akong rason upang hangaan sya at mahalin dahil habang tumatagal ay mas lalo akong nasasaktan sa mga kaganapang nangyayari sa kanya. Una, noong nagkaroon siya ng Girlfriend. Ikalawa ay ang ginawa nyang pagsigaw sa akin kahapon.
Hindi ko nakita si Eiji dito sa buong campus, hindi ko siya hinahanap kundi talagang wala siya dito sa paligid dahil kalimitan nakikita ko syang naka tambay sa school ground doon sa ilalim ng puno ng Cherry Blossom o kaya naman nadoon sila sa likod ng building kasama ang barkada nyang adik at nag e-skip ng klase. Mabuti narin kung hindi ko siya nakikita baka sakaling humupa itong nararamdaman ko sa kanya at tuluyan na itong mabura.
Nakatambay kami ngayon ng aking mga kaibigan dito sa cafeteria, kung saan abala kami sa pag memeryenda dahil katatapos lang ng aming klase. Busy ang ibang teachers dahil sa importanteng event na magaganap daw dito sa School, kaya naman laking tuwa ang katulad naming Seniors dahil saglit lang ang aming klase ang iba naming subject teachers ay hindi na pumapasok kaya naman mistulang walang pasok kung tutuusin.
"Maganda yan Mako! dapat lang na iwasan mo na si Eiji dahil nangunguna na si Niki sa list ng honors"wika ni Clover habang abala siya sa pag polbo.
"Mako laging mong tatandaan na ang pagkabigo ay parang sex lang yan, sa una masakit at talagang mapapaiyak ka sa hapdi at kirot na dulot nito. Pero habang tumatagal ay nasasanay ka na sa sakit at hanggang sa hindi mo na ito maramdaman pa."hirit naman ni Dedee dahilan para batukan ito ni Roma.
"Malanding to! Ang bastos ng mouth mo! Walang filter nasa Cafeteria tayo remember!"paninita ni Roma kay Dedee.
Napanguso si Dedee at napahawak sa kanyang batok."Araw ko ang sakit nun ah! Parang kasing bigat ng apat na toniladang metal ang kamay mo Roma."daing ni Dedee.
"Gusto lang namin na matupad mo ang mga pangarap mo Mako. Diba gusto mong maging reporter? Dapat mag sikap ka. Tsaka, kung ang tamang tao ay pumasok sa buhay mo. Hindi nila ipaparamdam sayo na may mali sa iyong pagkatao, kundi ipapaintindi nila sayo kung ano ang maling ginawa nila sa'yo."sabi naman ni Cairo sabay ngiti sa akin kaya naman sinuklian ko ito ng hilaw na ngiti.
"At! Ang mga tao ay ayaw nilang marinig ang pagkakamali nila, kasi ayaw nilang masira ang kanilang ilusyon."puna naman ni Dedee dahilan para tignan namin siya ng masama. "Anong konek gurl?"taas kilay na tanong ni Roma.
"Wala gusto ko lang mag salita, gusto ko lang ma expose sa mga mambabasa nito."tugon naman nya. Nandito ang aking tainga ngunit wala dito ang aking atensyon. Pilit na bumabalik sa aking isipan ang eksena kahapon, hindi kasi ma digest ng utak ko dahil sa bawat binitawan ni Eiji na salita kahapon ay parang mga patalim na humihiwa sa aking puso at nag iiwan ito ng hindi mahilom na pilat.
Nakatingin ako sa labas ng bintana at walang laman ang aking isip. Tulala at parang hinahangin ako ng malakas, mugto ang aking mga mata dahil umiyak ako kagabi. Masakit din ang aking puso at hindi ako makahinga ng mabuti. "Huwag mo munang isipin si Eiji, mag pahinga ka naman."wika ni Kisara sabay hawak sa aking kamay dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay nya."Oo ayos lang ako beshy"
"Nasaktan kasi ako, hindi ko lang kasi maiwasang maiyak dahil first time kong masabihan ng bobo eh! Nagmamahal lang naman ako bakit ganun pa."dito muling bumuhos ang luha sa aking mata dahil sa bugso ng aking emosyon. "Ang gusto ko lang naman ay tulungan siya, pero bakit parang ako pa ang mali?"
Nilapit ni Roma ang kanyang upuan at niyakap nya ako ng mahigpit. Mas lalo akong naging emosyon dahil sa pagyakap sa akin ni Roma, pakiwari ko ay kinawawa ako ng wala akong kasalanan. "Umiiyak ka na naman, tahan na. Tahan na Mako ang isipin mo naging mabuti ka sa kanya okay"pagpapatahan ni Roma sa akin.
Huminga ako ng malalim at tinignan si Roma at nag bitaw ako ng isang ngiti. "Salamat Roma, salamat sa inyong lahat."
Sobrang swerte ko talaga dahil may kaibigan akong tulad nila. Kahit na nakatalungko ako sa isang madilim na sulok ay pilit nilang binibigyan ng liwanag ang aking paligid at pilit nila akong pinapasaya. Damang dama ko ang kanilang pagmamahal at ang mga ito ay itatago ko at magiging isang kayamanan.
Alas tres ng hapon noong pinatawag kami ng aming Dean dito sa gymansium. Nagpulong-pulong ang lahat ng Senior High School Students dahil may mahalagang i-aanunsyo ang aming Dean patungkol daw ito sa gaganaping Event dito sa aming campus. Maingay ang buong gym at talaga namang nakakabingi sa ingay ng daang estudyante dito.
"Mic test, Okay students keep quite upang masimulan na itong announcement."sabi ng aming principal kaya naman tumahimik ang lahat.
"Good afternoon, kaya ko kayo pinatawag dito dahil nais naming i-anunsyo na magsasagawa tayo ng isang Concert ng mga mag-aaral dito sa Saint Rose Academy. Ang layunin ng Event na ito ay maka-ipon ng pondo para sa gaganapin nating outreach program para sa mga elementaryang nangangailangan ng tulong dahil sa kakulangan ng kagamitan sa pagtuturo. Hindi lang ito, mag papagawa ang ating Dean ng isang study park para sa mg estudyanteng tulad nyo dito sa Saint Rose. Nais naming mapataas ang akademikong performance ang bawat mag-aaral dito. Hindi lamang study park ang isasagawa kundi ine-encourage namin ang bawat mag-aaral dito na maka pasok sa Honor List para mabigyan ng Cash prize ang mga ito. Madami pa kaming plano KUNG matutupad ang Event na ito."
"Ang Sibol ng Kubling Talento ay pinapangako namin na isa ito sa pinaka hindi malilimutang pangyayari dito sa Saint Rose. Swerte ang batch ngayon ng mga Grade 12 dahil sila ang unang batch na magkakaroon ng Concert for a cause. Kaya naman, ang mga estudyante ng Music Club ay inaanyayahang mag practice sa sabado at linggo para sa kanilang kakantahing musika, lalo na po sa mga Ukelele may practice po tayo. Samantala, ang mga nasa Dance Club ay inaanyayahin din sa araw ng pagsasanay. Yun lang po maraming salamat."pagtatapos ng aming Dead dahilan para umalingaw-ngaw dito sa gymnasium.
Habang sa ganoong posisyon ay siya namang pag bungad ni Eiji mula sa gilid ng gym, naka upo sila sa bangko habang nakikipag kwentuhan sa mga barkada nya. Masaya ito at parang inosente ang mukha na hindi gagawa ng kalokohan. Napairap lang ako saka naglakad palapit kay Cairo. "Parang gusto kong manood ng concert! Sigurado ako masaya ito!"natutuwang wika ni Cairo.
"Ikaw Mako manonood ka ng concert?"tanong ni Paris habang naglalakad kami paalis ng Gym ngunit napa kibit balikat lang ako dahil hindi ako sigurado kung makaka dalo ako sa Concert. "Titignan ko nalang"tugon ko naman at bahagya akong napa tingin sa pwesto nila Eiji at sakto naman itong napa tingin sa amin kaya bigla kong binaling sa iba ang aking tingin.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/211966451-288-k375368.jpg)
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Fiksi RemajaSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.