Jamais Vu (XV)

69 8 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari amanashi

Jamais Vu

見たことがない
Kabanata 15: Taglagas

Nobyembre 6 2019.

Naaaliw akong pinapanood ang mga puno doon sa malawak na espasyo sa school ground habang nalalagas ang mga dahon nito. May kakaibang pakiramdam ang medyo mainit na hanging dumadampi sa aking balat na nagbibigay ng hindi mawaring emosyon. Marahil, nadadala lang ako sa klima ng aming lugar.

Ako ngayon ay nakatingala sa maaliwalas na kalangitan habang naka talungko at nakasandal sa bakod ng rooftop. "Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap."narinig kong boses mula sa di kalayuan.

Napatingin ako sa taong iyon at si Ate Dimple pala. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at awa noong makita ako ngunit binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti saka ako kumaway. "Bakit ate?"tanong ko.

"Pinuntahan kita dito dahil alam kong malungkot ka ngayon. Nasabi sa akin ng mga kaibigan mo yung tungkol sa nangyari kahapon. Nais ko din humingi ng paumanhin dahil hindi ko na nagawang mag-isip ng palusot kay Eiji."

Umiling ako at humarap sa mga tao doon sa School Ground. "Wala iyon, tsaka hindi mo naman kasalanan. Siguro tama nga sila."

Narinig ko itong sumingap at lumapit sa aking kinatatayuan. "Pagod lang si Eiji kahapon. Nabalitaan kasi namin na pinagalitan siya sa internship nya dahil daw sa maling nagawa. Siguro, ikaw ang napag buntungan nya ng galit kaya nagawa nya sayo ang bagay na yun."sabi nito sabay hawak sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya at ngumiti

"Pero alam mo ba na itong araw ang kanyang kaarawan?"tanong nito dahilan para maalala ko ang Birthday Card para sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko? kantahan siya ng Happy Birthday at magpa party ako para sa kanya?"

Umiling ito sabay kuha ng isang pirasong papel sa kanyang bulsa."Heto basahin mo"

At dito nga ay kinuha ko ang naka tiklop na papel. Nabasa ko ang isang lettering na pangalan ni Eiji. Dito ay kusang ngumiti ang aking labi habang bumabalik ang eksena noong ginawa ko'to.

flashback

Pag-uwi ko ng bahay ay mabilis akong nag tungo sa aking study table malapit sa aming terrace. Nilabas ko lahat ng coloring pencil at iba pang kagamitan sa paggawa ng sining.

Dito, naisipan kong gumawa ng lettering doon sa likod ng notebook ni Eiji para naman malagyan ko ng marka ang kanyang importanteng kagamitan. "Masaya ang utol ko ah! Ano kayo na ba?"bati ni Kuya na nagluluto sa kusina habang naka dungaw sa kinalalagyan ko.

"Ano ka ba kuya, hindi noh tsaka hoping pa ako! Dahil daig ko pa ang mga ninja sa Naruto kung magtago upang hindi nya ako mahalata."tugon ko habang abala ako sa pag susulat.

"Magpakita kana kasi sa kanya"narinig kong sabi pa ni Kuya

"Saka na. Kapag sa Graduation nalang nila."

Habang sa ganoong pagsusulat ko ay napansin ko ang mga naka ipit na papel kaya naman minarapat ko itong tinignan kung ano yung mga scores ni Eiji. At dito nga bumungad ang tumatagingting na 6/21, 11/15 at marami pang ibang mababang score.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya dahil sa mga scores nya ngunit bahagya akong napangiti noong makita ko ang parang kinalahig ng manok na sulat nya. "Hay, ikaw na talaga Eiji. Ang ganda at nakakaakit sa mata ang sulat mo."bulong ko sa notebook at niyakap ito ng mahigpit

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon