Jamais Vu (VII)

97 6 0
                                    

iMarjayNari
@Kaminari_amanashi

JAMAIS VU
見たことがない

KABANATA 7: Sining ng Pag-ibig

Araw ng Miyerkules, alas tres ng hapon noong lumipat kami ng classroom para sa aming club time. Hilig kong gumuhit ng mga ibat-ibang larawan gusto ko kasing maging isa sa prodyuser ng Anime dito sa aming bansa kaya napag pasiyahan kong sumali sa Art club. Tungkol naman sa amin ni Clover ay nagbati na kami kaninang umaga at ako na ang unang lumapit sa kanya upang humingi ng tawad, sa totoo lang wala naman dapat ikahingi ng tawad dahil gusto ko lang naman tumulong kay Eiji kahapon para makapasa siya ng requirements nya pero dahil nga ako ang lalaki ay ako na ang humingi ng tawad at ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

"Ang post-impressionism ay  labis na maimpluwensiya sa panahon ng impressionism. Ang mga taga Europa na pintor na kung saan sila ay nasa unahang kilusan ng post-impressionism ay nagpapatuloy gamit ang primaryang kalidad bilang impressionist painter. Ang dalawang pinakamagaling na pintor ng post-impressionist ay sina Paul Cezane at Vincent van Gogh"pagtatalakay ng aming proctorial dito sa Art Club habang ang lahat ng estudyante ay naka harap sa tig-iisang malaking kuwadro kung saan doon kami guguhit mamaya.

"Si Paul Cezane ay isang pranses na pintor ng post-impressionism. Samantala, si Vincent van Gogh ay mula naman sa bansang Netherlands ang kanyang mga gawa ay pambihira dahil sa matinding emosyon at kulay na naka paloob sa gawa nya. Ang Art ay hindi basta-basta. Ang Art ay may nakapaloob na ideya at emosyon sa bawat kulay at linyang naiguguhit ng bawat pintor kaya naman nais kong gumawa kayo ng sarili niyong art work sa pamamagitan ng pagguhit niyo diyan sa nakaharap na kuwadrado. Bibigyan ko kayo ng isang oras para matapos ang pinapagawa ko recorded iyan as your points, ang neatness at accurancy ng mensaheng naka paloob diyan sa iguguhit niyo ay nakabatay sa makukuha niyong score. Ang score na makukuha niyo ay mahahati hati sa bawat subject na bagsak kayo kaya kung maaari ay pagbutihin niyo."

Nagsimula na ang aking mga ka klase, ang mga ka klase ko dito sa Club ay halo-halo at mula pa sa kabilang room kaya masasabi kong hindi ko sila ka close maliban kay Kisara na nasa likod ko. "Pst, Mako may naisip ka nang iguguhit? wala akong maisip na ideya na bl-blanko ako."bulong ni Kisara mula sa likod ko kaya naman napalingon ako sa kanya. "Ako din wala akong maisip kung pwede lang sana mag search sa google ginawa ko na para magkaroon ako ng ideya."

"problema nga ito"napakamot ulo si Kisara dahilan para matawa ako. "De luna at Tumikage. sa halip na mag kuwentuhan kayo diyan paano kaya kung nagsimula na kayong gumawa ng art work niyo."pagtawag sa pansin namin ni Kisara dahilan para humarap ako sa aking kuwadro. Hindi ako mapakali dahil wala akong maisip na ideya, napatingin nalang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang kaulapan at ang mga cherry blossoms sa labas na naglalagas. Pumakawala ako ng isang buntong hinga at humarap sa blangkong kuwadro.

Talagang tititigan ko nalang ito?

Ilang minuto ang aking nasayang oras at napansin kong nagkukulay na ang katabi ko, gumuhit siya ng puso na may pakpak kaya naman marahan akong ngumiti. Muli akong napatingin sa aking kuwadro at nagsimulang kumuha ng kulay sa aking pallet. Sabi nila ang isang Art ay dapat may emosyon at galing sa puso kaya naman naisip kong iguhit ang aking malamlam na nararamdaman. Binuhos ko lahat ng pansin sa aking ginagawa hanggang sa tinuloy-tuloy ko ito.

Binalot ng katahimikan ang buong klase

Sumagi kasi si Eiji sa aking isipan kaya siya ang subject ko at wala akong ibang maisip kundi siya nalang. Nagsimulang ngumiti ang aking labi at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na saya.

Makalipas ng isang oras ay pinasa nanga namin ang aming ginawa. Halos mamangha ang lahat sa aking ginuhit samantalang ako ay nakangiti habang dinudumog ako ng mga ka klase ko dito sa Club namin. Ibayong saya ang aking naramdaman sa aking mga naririnig na papuri pati si Kisara ay namamangha sa aking ginawa. Ginamit ko ang mapanglaw na ulap at puno ng cherry blossom na naglalagas. Makikita dito sa aking ginawang larawan ang mga ginamit ko at isa sa mga nagpaganda sa aking gawa ay ang dalawang lalaking magkayakap habang ang isa ay unti-unting nabubura. "Talagang makahulugan ang ginuhit mo Mako sigurado ako ikaw ang may pinaka mataas na marka sa klase ang galing mo"papuri ng mga estudyante.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon