Jamais Vu (XVI)

82 9 0
                                    

iMarjayNari

Jamais Vu

Kabanata 16: Concert for a Cause

Dumating ang araw ng Concert for a Cause, ang sibol ng kubling talento. Ginugol talaga ng aming assistant principal ang pag aasikaso dito sa Event na ito dahil sa ganda at bongga nitong dating. Ito na siguro ang pinaka unang concert at pinaka magandang Event na magaganap dito sa Saint Rose Academy.

Binuksan nila ang gate ng aming paaralan at dumagsa mismo ang mga estudyante na nag mula pa sa kabilang paaralan at bayan dito sa Japan. Parang nahayok naman ang mga mag-aaral dito dahil ito ang pinaka unang makilala nila ang mga dayong mag-aaral.

Ibang mukha at tila nakaka excite  makipag kaibigan sa mga dayo. "May booth doon malapit sa Gymnasium. Gusto mo bang puntahan natin?"tanong ni Kisara habang palakad-lakad kami dito sa School Ground at sinasalubong ang mga nagsisidatingang estudyante.

"Sige puntahan natin baka may mga items sila na pwede nating bilhin."

At ayun nga ang plano. Nag tungo kami dito sa Gym upang tumingin ng maaaring bilhin. Mistulang Bazaar ang stilo ng mga booth dito dahil dikit-dikit ito at may kanya-kanyang disenyo na mas lalo pang nakakaakit sa mata "Sibol ng Kubling talento t-shirt available here. For only 300 Yen."bungad sa amin ng mga Senior 12 dito sa booth nila.

"Ano naman ang pakulo nyong Jail booth na to?"tanong ko sa mga estudyanteng tindero habang naka harap ako dito sa isang malaking kulungan at may mga upuang gawa sa kahoy sa loob.

"Ah, yan ba? Ang isang yan ay Jail booth. Pwede kang mag request ng isang tao na makakasama mo sa kulungan sa loob ng dalawang minuto. Pakulo ito ng mga G-12 para naman daw ma iba ang booth namin."tugon naman ng medyo matabang tindero.

Natawa ako at naisip kung pwede ko bang ayain si Eiji sa loob. "Paano naman yan?"

"Simple lang, kung ikaw ang nag request sa amin na ikulong dyan kasama ang Crush mo ay ikukulong ka namin at susunod nun ay hahanapin namin yung taong nais nyong makasama at ipapasok dyan sa kulungan."paliwanag nito. Para bang naka isip ako ng ideya tungkol doon. Paano kaya kung mag request ako?

"Subukan natin sa iba Mako. Marami pang booth sa dako pa roon."wika ni Kisara sabay hatak sa akin papunta sa dulo.

~

"The new! Egg shell apple juice. For only 50 Yen" Ang naka sulat sa malaking tarpulin dito sa tapat ng bilihan naman ng mga charms. Makukulay at nakakaakit ang mga bracelet at iba pang charms.

"May love charm kami dito Kuya at Ate. Para sa pang matagalang relasyon, heto baka pwede ito."sabi ng Junior student at inabot sa amin ang isang box ng condom.

"Eh? Aanhin ko yan tsaka bawal mag benta ng condom dito sa loob ng campus. Batang tow!"

Napakamot naman ng ulo yung bata."Ay sorry akala ko mag kasintahan po kayo ni Ate"paumanhin ng bata. Natawa naman si Kisara at tila namumula ito habang naka yuko ang ulo.

"Ibahin mo nga! I report pa kita! Gusto ko yung dream catcher na keychain mag kano?"tanong ko sabay kuha ng maliit na keychain.

"Libre na po yan kuya. Sorry offering ko nalang"tugon nito kaya naman kumuha ako ng dalawa at binigay kay Kisara ang isa.

Napa tingin sa akin si Kisara habang hawak ang Keychain. "A-akin to?"takang tanong nito kaya naman natawa ako sa kanya.

"Oo sayo na yang isa. Tara na nga."

Naglakad lakad pa kami ni Kisara dito sa School Ground hanggang sa mapa-dapo kami dito sa isang pahingaan sa ilalim ng pine tree. Tumambay muna kami ni Kisara dahil nakaramdam na din ako ng pagod.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon