iMarjayNari
@Kaminari_amanashiJamais Vu
見たことがないKABANATA 10: Monotone
Patungo kami ngayon ni Kuya Jherron kasama sina Cairo at Dedee sa Clinic ng isang Psychiatrist doon sa sentro. Napag pasiyahan ko kasing mag pa konsulta sa doktor upang malaman kung ano nga ba ang nangyayari sa akin dahil sa sunod-sunod na kakaibang nagaganap saaking pagkatao, gusto ko lang maliwanagan kung normal pa ba ang aking pag-iisip.
"Good morning Sir! Welcome sa aming Clinic. Ano po ba ang sadya nila?"magiliw na bati sa amin ng Security sabay yukod habang pinag bubuksan kami ng sliding door.
"Mag p-pa check up lang sana, itong kapatid ko kasi stress ata sa School kaya kung ano-ano ang na iisip nya."tugon naman ni Kuya at pumasok na kami sa loob. Pag pasok pa lang namin ay sinalubong kami ng Doktor na naka upo sa kanyang desk at abala sa pag babasa ng mga papel. Noong mapansin kami ay inangat nito ang kanyang ulo at bumungad sa amin ang gwapo nitong mukha, naka suot sya ng pabilog na salamin at talaga namang bumagay sa napaka amo nyang muka kaya naman halos mapa kapit si Dedee sa aking kamay mula sa likod ko.
"Ohayo! Upo kayo ano ang sadya nyo?"
umupo na kami at kinalabit ako ni Kuya at sumenyas na sabihin ko ang sadya namin kaya muli akong tumingin sa Doktor."Dok ganito po kasi, sa tuwing na tutulala ako o kaya naman nakakaramdam ako ng matinding emosyon ay nawawala ako sa mismong reyalidad. Hindi man kapani-paniwala pero totoo talaga, hindi ko po alam kung ano ang tawag don parang na-nanaginip ako ng gising."salaysay ko at tumatango-tango lang ito habang naka hawak siya sa kanyang baba.
Pumakawala siya ng isang buntong hininga at nag wika."Maaari mo bang ilarawan saamin kung ano ang nakikita mo sa tuwing nawawala ka sa reyalidad?"tanong nito.
Napatingin ako kay Cairo sa gilid at tumango siya kaya muli kong binaling sa doktor ang aking tingin. "I-isang bahay po... Magulo tsaka may isang binata na naka harap sa bintana, may kung anong sinasabi at pala isipan ang mga binibigkas niya pero sa tuwing titingin ito ay malabo ang mukha niya. Tapos kahapon naman po nasa gilid kami ng malawak na lawa at pinag mamasdan ko sya mula sa ilalim ng punong maple, pamilyar sa akin ang lugar at kung hindi ako nag kakamali ay sa Saitama po ang lugar na yun"pag lalarawan ko.
"Sa tingin nyo po ba Dok may sakit na Schizophrenia ang kapatid ko?"sabad naman ni Kuya at halata sa mukha niya ang pag-aalala kaya kinuha ko ang kamay nya at pinisil-pisil ito saka ako bumitaw ng ngiti.
Umiling ang Doktor at tumingin saakin."Hindi Schizophrenia ang sakit ng kapatid mo dahil ang Schizophrenia ay isang seryosong sakit sa pag-iisip ng isang tao. Partikular itong tinatawag na "Abnormal". Ang sakit na ito ay may senyales at ang mga yun ay: Guniguni, delusyon at masiyadong pag-iisip ng kung anong bagay. Ang mga taong may Schizophrenia ay sumasailalim sa pang-matagalang gamutan. Minsan sila ay nasa ilalim ng matinding depresyon at nag dudulot ito sakanila ng Oversleeping o kaya Insomia at marami pang iba."
"Dok nakakamatay po ba ito?"tanong ko at nangiti ito sabay iling.
"Ang Schizophrenia ay hindi nakakamatay na sakit. Maaaring mahirap itong gamutin dahil sa laki nitong epekto sa'yong pagkatao, siguro may nababalitaan kayong may namamatay dahil ito sa suicide. Ang mga ibang pasiyente ay nag s-suicide dahil natatalo sila ng kanilang isip."
Tila naka hinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng Doktor ang akala ko ay may sakit na talaga ako sa utak dahil sa dinami-dami kong iniisip. Hindi pa ako handang mawala sa mundo dahil hindi ko pa na aabot ang aking pangarap.
Maya-maya pa ay sumeryoso ang mukha ng Doktor."Marahil ang nangyayari sa'yo iho ay na i-stress ka lang sa mga gawain mo sa school kaya nakakaranas ka ng ganiyan o kaya naman ay nakukulangan ka ng tulog dahil sa mga ginagawa mo, maaari din na makuha sa paglalaro ng mga video games o panonood ng babad, kasi minsan ang ating utak ay kayang mag process at kunin ang mga detalyeng nakikita natin at iyon ang ma p-project sa ating brain."
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Fiksi RemajaSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.