Wala naman talaga yung focus ko dito kundi nakay boy siga, tumatakbo nanaman siya sa isip ko at hindi na napapagod tumakbo, sa tuwing naiisip ko ang kaniyang muka ay para akong dinuduyan sa sobrang kaligayahan at may kiliti saaking puso sa tuwing naiisip ko ang kaniyang badboy na itsura. Ang hindi ko lang maintindihan ay nakakaramdam ako ng mixed emotion, may parte saaking puso na sobrang nakikilig at sa ibang parte naman ay nalulungkot sa hindi malaman ang dahilan nito.
Pero kahit gayun pa man, masaya akong nakita muli ang kaniyang mukha kung sana ka klase nalang nya ako at palagi ko sana itong pinagmamasdan. Ayos na saakin ang nakaw na tingin basta nakikita ko sya ay nabubuhayan na ang aking loob, at kahit simpleng nakaw na tingin lang ay nagagawa kong i ukit ang kaniyang gwapong mukha.
Pasado alas kuwatro noong mapag pasyahan naming umuwi saaming mga bahay, kaya naman nagpaalam na kami sa isa't-isa at sumakay ng taxi pauwi, pagod nadin kasi ako para maglakad pa. Pagdating ko sa apartment ay agad ko inalis ang aking sapatos at mediyas binuksan ko din ang aircon at sinara ang kuwartina at binagsak ang aking katawan sa malambot naming kama.
Napa titig ako sa kisame at blanko ang isip
Hanggang sa unti unting ngumiti ang aking labi kaya napayakap nalang ako saaking unan. "Nakaka inis ka talaga bigla bigla ka nalang sumusulpot sa isip ko!"nakikilig kong bulong saaking sarili
iMarjaynari
@kaminari amanashiJamais Vu
見たことがないKABANATA 3: NUMBER ONE SA PUSO KO
"Hoy Mako gumising ka na dyan! Tanghali na!"pag-iingay ni Kuya nagmumula sa kusina kaya naman unti-unti kong minulat ang talukap ng aking mga mata, medyo malabo ang imahe ng tao sa aking harapan kaya kinusot ko ang aking mata at laking gulat ko nang...
"Hi Mako good morning sa'yo"naka ngiting bungad ni Cairo sa akin kaya naman halos bumalikwas ako ng bangon at napa tayo sa kanyang harapan. Tila binalot ako ng matinding hiya sa mga oras na ito kaya agad akong tumakbo sa loob ng Banyo. Panay apura ako at daig ko pa si flash sa sobrang pagmamadali, halos pagsabay-sabayin ko na ang lahat nag ttooth brush habang naliligo. Pagkatapos ay nagtungo ako muli sa aming silid ni Kuya at saka dali-daling sinuot ang aking uniporme.
Saint Rose Academy
7:45 A.MKasalukuyang naka tayo ako ngayon sa harap ng pisara habang sinasagutan ang math problem na binigay ng aming guro. Tahimik ang lahat at tanging electricfan lang ang maririnig.
"Wow Mr. De luna ang bilis mo namang maka gets ng lesson natin, okay class bukas magkakaroon tayo ng Long test patungkol sa nagdaan nating lessons."pagpupuri ng guro kaya naman bahagya akong napa ngiti at saka binigay sa kanya ang hawak kong chalk.
Uupo pa lang sana ako nang biglang tumayo si Chidai sa kanyang silya. "Hi Mako sisiguraduhin kong ako ang magiging number one sa Long test natin bukas, dahil ako si Chidai ang magiging number one sa buong klase."tila nanghahamong wika nito kaya napa ngiti nalang ako.
"Ms. Himi nag kklase pa tayo"pagpapatigil ng guro kaya napayuko si Chidai at humingi ng tawad.
Napa upo nalang ako sa aking silya at napa tingin kay Kisara na katabi ko, kapwa kami napa ngiti at muling nakinig sa discussion ng aming guro. Hanggang sa tuluyan na nga itong natapos, nag tungo kami nina Cairo at iba pa naming kasama sa canteen. Habang sa ganoong pagkain at kwentuhan namin ay siya namang pag tawag sa akin ng isang teaching staff ng school, si Ma'am Fourth.
Lumapit ito saaming mesa. "Boy, halika nga dito mukha namang mabait ka noh? paki tawag si Sir Ji nasa classroom nya G-12 room 9 yung hold nya." kaya naman agad akong tumayo para tawagin ito. Sa pagkakaalam ko G-12 room 9 yung si boy siga at sa likod ito ng classroom namin, kaya naman halos makaramdam ako ng tuwa dahil makakapunta ako sa kanilang classroom at masusulyapan siya kahit sandali lang.
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Novela JuvenilSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.