EPILOGO

131 6 8
                                    

"Eiji. Alam kong nakarinig ka na ng maraming kanta patungkol sa pagmamahal. Ang aking pagmamahal ay magliliwanag sa isang madilim na sulok, iilawan nito ang lahat ng makikitang dilim. Huwag nating hayaan na ang tadhanang gumawa ng ating kapalaran bagkus tayo mismo ang gagawa nito. Kahit na hindi tayo para sa isat-isa ay hindi ibig sabihin na hindi kita mahal. Parte talaga sa buhay ang pagpapalaam kaya huwag kang malungkot nandito lang ako."

- iMarjayNari (kaminari amanashi)

Author's Note: Sa likod ng kuwentong ito. Ako mismo si Mako at si Eiji yung minamahal ko. Ginawa ko itong drama na may pagkamisteryo dahil kung yung orihinal na kwento ang ilalagay ko ay baka magiging pangit lang ang takbo ng kwento. Totoo si Eiji sa buhay ko, siya ay isang grade 12 student. Ang ugali niya ay gago at sakit sa ulo doon sa school namin. Siyempre hindi naman sa nagmamalaki ako, may kunting talino naman ako at palihim ko siyang ginagawan ng perfomance task.

Naging martir ako sa lahat ng bagay pero papalit palit siya ng GF. Ang nakakatawa ay nalaman ng teachers ko at pati mga kaibigan ko. Sa totoo lang totoo din sina Clover, Paris, Dedee, Cairo, Roma at Kisara. Sila ang mga kaibigan ko.

Pero ngayon... graduated na si Eiji at tuluyan na ngang naghiwalay ang aming landas. Siya ay nasa Nueva Ecija samantalang ako nandito sa amin at malayo sa kanya. Good luck nalang sa kanya, kaya please kung sad man yung kwento ay unawaan niyo nalang. Pero iibahin ko naman ang ending ni Mako at Eiji sa kuwentong ito, kung kami ni Blank ay hindi nagkatuluyan, si Mako at Eiji naman ay —

@iMarjayNari

kaminari amanashi

EPILOGO

Minulat ko ang talukap ng aking mga mata at bumungad sa akin ang umaalon na dagat at humahampas ito sa Seawall. Umayos ako ng pagkakaupo at sinimot ang lawiswis ng hangin na dumadampi sa aking balat. Maulap ang kalangitan at tila uulan ng malakas anumang oras.

Habang sa ganoong posisyon ay naramdaman kong may kumalabit sa aking likod kaya marahan ko itong nilingon. Bumungad sa akin ang isang batang babae na nakangiti, nakakatuwa ang kanyang itsura dahil wala itong ngipin sa harap at may hawak na puting tulips.

"Kuya flowers for you"nakangiting sambit nito sabay abot sa akin ng tulips, nagulat naman ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ito at luminga sa paligid ngunit wala akong makitang tao maliban sa mga vendors sa gilid ng Seawall.

Ngumiti ako, "Sinong nagbigay sa'yo ng flower baby girl?"tanong ko dito at luminga siya sa likod at muling humarap sa akin. Ngumuso ito at nagkibit balikat.

Napakamot ako ng ulo at bigla nalamang itong tumakbo. "Saglit lang bata!"pagtawag ko dito ngunit hindi na siya lumingon pa.

Wala akong nagawa kundi kunin yung bulaklak, wala naman akong ideya na may magbibigay sa akin nito. Ilang minuto din akong nakatingin sa kawalan nang napagpasiyahan kong umuwi na ng apartment.

Tumayo ako at nagpagpag ng suot na jeans, "Boy halika dito"narinig kong tawag ng isang Soba vendor mula sa gilid.

Tinuro ko ang aking sarili, "Ako po ba ang tinutukoy niyo?"tanong ko at tumango yung babae kaya dali-dali akong lumapit at umupo dito sa kanilang pwesto.

"Umupo ka diyan iho at bibigyan kita ng libreng Soba. Maganda kasi ang kita ngayon kaya heto nakita naman kita kaya sayo na itong natirang Soba. Saglit lang at iinitin ko"sabi pa nito kaya tumango lang ako bilang tugon.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon