LAST CHAPTER

84 7 0
                                        

@iMarjayNari
(kaminari amanashi)
~ Jamais Vu ~

THE FINAL CHAPTER

C H A P T E R 30

(Makita kang muli)

Sumapit ang isang malamig na gabi, ang simoy nito ay may kakaibang dala na nagbibigay sa akin ng mapanglaw na emosyon. Tumingin ako sa madilim na kalawakan at bumungad sa akin ang mga kumikinang na bituin. "Pwede mong balikan yung alaala pero yung tao hindi na"wika ng isang tao sa aking tabi kaya tumingin ako sa kanya.

"alam ko dahil sinabi mo na 'yan noon pa."tugon ko naman.

Humangin ng malakas at hinahangin ang aking suot na kulay berdeng Yukata. "Malungkot lang ako. Nangako ako sa isang tao na magiging  kami hanggang sa dulo ng aming buhay ngunit sinusundo na ako ni kamatayan."dagdag ko pa dahilan para tapikin ako sa balikat.

"Bastos! Hindi naman ako si Kamatayan, remember ikaw at ako ay iisa kaya watch your words"sabi nito.

Tumayo ako dito sa upuang gawa sa kahoy at nag inat ng katawan. "May pupuntahan lang ako."pagpapaalam ko at nagsimula na akong maglakad paalis.

"Tandaan mo yung oras Mako. Sa oras na dumating ang lunar eclipse mawawala na tayo ng tuluyan. Huwag kang magpapagod dahil malayo ang lalakbayin natin ocake?"pahabol nito ngunit hindi na ako sumagot ba bagkus pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

Sa kada hakbang na aking ginagawa ay unti-unting lumalakas ang kalabog ng aking puso na wari'y kinakabahan. Parang nangangatog ang aking mga tuhod na para bang hindi ko na kayang maglakad pa. Ngunit kahit ganon ay pinagpatuloy ko ang paglalakad at tanging iniisip ko ay makita si Eiji ngayong gabi.

Ang mga tao ay nasa labas ng kanilang bahay habang inaantay ang pagdating ng lunar eclipse. Ang mga bata ay naglalaro sa kanilang bakuran kahit madilim na.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa marating ko ang aming tagpuan, ang bakanteng lote. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Eiji na nakaupo sa isang mantel at tulad ng usapan namin ay nakasuot din siya ng kanyang Yukata ngunit kulay asul ito. Kahit na madilim na ay nandiyan naman ang buwan upang magsilbing tanglaw ni Eiji upang makita ko ito ng maayos. Kapansin-pansin din na basa pa ang kanyang buhok at nakaayos pa ito.

"Eiji nandito na ako."pambasag ko sa katahimikan at lumingon ito sa akin. Kahit na malayo ito at malamlam ang sinag ng buwan ay nakita kong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Tumayo ito at tsaka lumapit.

Hinawakan niya ang aking kanang kamay at hinalikan ito, natuwa naman ako sa kanyang inasta at para akong isang dalaga na hinalikan ng kamay. "Kanina pa kita hinihintay Mako. Simula sa gabing ito ay bubuo na tayo ng magagandang alaala. Huwag nating isipin ang mga tao dahil likas na ang panghuhusga. Ngunit, naniniwala ako na matatanggap din tayo ng lipunan."sabi nito at hinatak ako papunta sa mantel na nakalapag sa damuhan.

Umupo kami at kinuha ni Eiji ang kanyang gitara. Ngumiti ito at pinikit ang kanyang mga mata dahilan para tumambad ang kanyang singkit at gwapong mukha. Tila kinakabahan ako bagamat hindi ko naman alam kung ano ang rason ng aking kaba.

Bawat sandali ng aking buhay
pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
hindi magbabago aking pagtingin
pangako na'tin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay.
Maghintay

ipaglalaban ko ang ating pagibig
maghintay ka lamang ako'y darating
pagkat sa isang tao mahal mo
Ng buong puso
lahat ay gagawin
makita kang muli

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon