Jamais Vu (XVIII)

64 9 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu

見たことがない

"Mahalaga ang Midterm exam Mako kaya dapat focus ka muna ngayon sa studies mo, hayaan mo muna si Eiji galit galit muna. Kasi, kapag naipasa mo itong Midterm Exam ay sigurado akong pasok ka na sa Banga!"wika ni Dedee habang naglalakad kami dito sa Hallway.

"Kahit hindi ko iwasan si Eiji ay makakapasok ako sa banga. Nothings impossible kapag si Eiji ang usapan. Feeling ko naka inom ako ng sampung energy drink kapag nakikita ko siya."sagot ko naman.

Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Dedee. "At imposibleng maging kayo ni Eiji! Tigil tigilan mo nga yang Fantasy mo"pang aasar nito.

"Basag trip ka naman. Porket may Oyster ka at patubong Papaya nagiging mayabang ka na!"pagmamaktol ko.

"Pinapaalala ko lang sayo at baka nakalimutan mong hindi ka si  Rapunzel na mahaba ang buhok para pansinin ka ni Eiji! Tanggap ko pa kung ikaw si Sadako."sabi nito dahilan para batukan ko siya.

"Aray! Ang Violent mo naman! Hindi ka naman kasi babae para mapansin ni Eiji!"pagmamaktol naman nito.

"Pwedeng shut mo nalang yung bunganga mo. Panira ka ng trip! Bilisan na nga natin baka nagsisimula nang mag discuss si Sir."

Nagmadali kaming pumasok sa pang huli naming klase ni Dedee. Galing kasi kami ng Club, absent si Kisara dahil nilagnat daw siya kaya mag isa akong pumasok ng Club kanina. Kilala ko naman yung mga ibang students don pero mas close ko si Kisara.

Pag dating namin dito sa Classroom ay abala ang aming Guro sa pag anunsyo kaya naman mabilis kaming pumasok sa loob. "Uulitin ko, nais kong ipasa niyo lahat ng Performance Task niyo. Tumatanggap pa ako para sa mga hindi pa nakapag pasa ng PFT. Lingid naman siguro sa inyong kaalaman ang porsiyento ng PFT sa Grading System. Malakas ang hatak nito kaya ipasa niyo na ang dapat ipasa yun lang. Sa mga nahuling dumating mag tanong nalang kayo sa mga Classmates niyo. Okay Class Dismissed"

Lumabas ang aming Guro kasabay non ng pag alingawngaw ng buong klase. "Ano pa yung mga sinabi ni ma'am? Late kasi kami dahil inantay pa ako ni Dedee."tanong ko kay Paris na abala sa pag polbo.

"Tungkol sa Midterm Exam. Parang final examination na daw iyon kaya galingan daw natin para maka kuha tayo ng A+ saka galing daw sa ibang School yung exam kaya bale wala lang yung magaganap na Mastery."sagot naman nito.

"Pahingi ng Liptint Sis"sabad naman ni Dedee. "Alam mo mura lang yung mga ganitong Liptint sa Department Store."

"Oo mura lang iyan sa mga Department Store at willing akong mag bayad kahit saang store ako bibili. Kita mo nakikigamit ka pa niyan."naka ngising tugon ni Paris.

Tumingin sa akin si Dedee at gumawad ng Fierce look. "Lady Gaga na ba?"maarte tanong nito sabay ikot sa harap ko.

"Hindi. Gaga lang"tugon ko naman dahilan para sumimangot ito.

"Harsh mo naman"sabi pa nito sabay alis.

"Mukhang wala si Eiji ngayon doon sa Campus absent ata kasi hindi ko siya nakita mag hapon."wika ni Clover habang naglalalad kami dito sa Kalye dahil pauwi na kami.

"Hayaan niyo na baka pagod lang siya."tugon ko naman

"Pagod o baka naman nakipag eyeball."hirit naman ni Roma habang naka ngisi.

"Huwag nga kayong mag isip ng kung ano ano. Ang nenega niyo! Pagod lang siya kaya umabsent o baka naman nagkasakit tulad ni Kisara."puna ko.

"Wow. Paano mo naman nalaman aber! Ni hindi nga kayo nag papansinan o kilala manlang"natatawang wika ni Dedee.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon