F O R E W O R D
Magandang Araw! Tulad ng sinabi ko doon sa last note ko doon sa Book 2 ng It's time to say goodbye ay mag lalabas ako ng bagong libro at dalawa yung nabanggit ko doon. Ang Sayonara at SuperNatural, sinabi ko sainyo na mag papahinga lang ako saglit pero ang totoo nun ay hindi talaga ako nag pahinga kundi nag sulat ako ng bagong kuwento. Sa halip na Sayonara ang pipiliin kong titulo nitong kuwento ay mas pumukaw saakin ang Jamais Vu.
Saan ko nakuha ang Jamais Vu?
Naka upo kasi ako doon sa terrace namin at sakto namang nagpapa music yung pinsan ko, habang nakikinig ako sa musika ay biglang napalitan yung music, ang ganda sa pandinig pero hindi ko alam kung sino ang kumanta nun kaya pinuntahan ko yung pinsan ko sa kabilang bahay at hiniram yung cellphone nya para hanapin yung kanta. Inisa isa ko ang mga music nya hanggang sa nahanap ko yun. Jamais Vu at kanta ng BTS, isa syang bagong album na nilabas noong ika-12 ng abril 2019. Ang Jamais Vu ay perpektong ballad na kanta na talaga namang mapapaisip ka sa bawat liriko nito.
Ano ang Jamais Vu?
Ang Jamais Vu ay isang French word na ibig sabihin ay 'Never seen' na sinasabing pamilyar sa'yo ang isang sitwasyon ngunit hindi mo ito maalala. May similarity ito ng Deja vu, naka pasok din dito ang nakakakilabot na pakiramdam dahil parang nakita mo na ang lugar na iyon o parang napuntahan mo na pero hindi mo lang maalala.
Ano ang aasahan dito?
Syempre madami at ang mga ibang pangyayari doon ay totoo pero ang kalahati nun ay imahinasyon ko nalang. Nasabi kong totoo yung iba dahil nilagay ko doon ang mga sitwasyon na naging bulag ako sa isang tao pero bahala na kayong umusisa kayo na ang bahalang tumuklas.
Pure Love story ba ito?
Oo naman at walang halong sex scene, R-17 muna tayo heheh (Meron ba?) Ayaw ko na kasi ng Mediocres na stories kaya sinubukan ko lang naman na lumagpas sa line, ibig kong sabihin gusto ko ng something new. Isa din itong Mystery, Comedy at Drama.
Ang mensahe ko lang sa mga mambabasa kung hindi ka aware sa dyanrang BXB ay umalis ka nalang, kung i-babash mo lang ako ay sorry ka kasi hindi kita papansinin ma uubos lang ang oras ko sa pakikipag away tsaka kuwento ko ito at gumawa ka ng kuwento mo para ma satisfied ka. Hindi ako tulad ng ibang writer na famous pero kaya ko naman kayong bigyan ng kuwentong babasahin nyo pam pawala ng boring. Ang mga ginamit kong characters ay mga Hapon kaya yung mga i-insert kong mga kanta ay japanesse, korean at Tagalog. Yung dalawang ching chong na 'yan ay may English version ako kaya ilalagay ko din yung translation nya yun lang maraming salamat.
Abangan natin si Mako De luna sa kuwentong ito at samahan natin sya sa unexpected love story nila ni Eiji.
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.