"Talagang to the highest level na 'yang feelings mo kay Eiji at naisipan mong i-ukit yan?"nakataas kilay na tanong ni Dedee.
"De Luna X San Miguel"
'yan ang inukit ko dito sa ilalim ng Cherry blossom habang nag papahinga kami dito sa Bench. "In love na nga, paano kung may nakabasa niyan?"tanong ni Paris habang kumakain ito ng Sandwich.
Tumingin ako kila Paris at ngumiti. "Hindi lang naman ako ang De Luna dito sa campus."tugon ko at tumango-tango lang sila.
"Malapit na 'yung straw berry moon lunar eclipse. Nakaisip na ba kayo ng game para hindi tayo ma boring. Tsaka walang gagamit ng cellphone ah! Baka kasi mag cellphone lang kayo doon."sabi ni Clover at sumang-ayon ang lahat.
Binaling ko muli ang aking tingin sa inukit ko at gumuhit ang lungkot sa aking puso, binitawan ko ang hawak kong bato at nakiupo sa bench. "Simula ngayong araw ay gagawa na tayo ng magagandang alaala. Bakit sa gabi pa ng Lunar Eclipse kung pwede naman ngayon na, 'di ba?"sabi ko dahilan para mag tinginan silang lahat.
"O-Okay parang nagmamadali naman ata."ani kisara dahilan para magsitanguan ang mga kasama namin.
"Alam niyo ma-ikli lang ang buhay, hindi natin alam kung kailan tayo lilisan sa mundong ito."tugon ko.
Tumingin sa akin si Roma at pinanliitan ako ng mata. "Ang seryoso naman, Mako mag tapat ka nga, kailan ka pa naging seryoso sa buhay."sabi nito dahilan para matawa ako.
"Nandiyan lang si Kamatayan nag aantay."makahulugang wika ni Cairo na nakahalukipkip.
"Edi magdasal ka minsan para maligtas ka tsaka huwag nga nating pag usapan ang mga bagay na 'yan."sabad naman ni Dedee.
Umiling ako. "Pero mas magandang magdasal bago mamatay."sabi ko at napakunot noo si Roma.
"Bago mamatay? Paano kung binaril ka sa ulo? Edi hindi ka na nakapag dasal."nagtatakang tanong ni Roma.
Napatingin ako sa puno ng cherry blossom. "Kasasabi ko lang kanina na hindi natin alam ang kamatayan kaya mas mabuting magdasal ka palagi dahil hindi natin alam baka mamaya, bukas o sa makalawa ay may malalagas sa atin."tugon ko dahilan para gumuhit ang pagtataka sa kanilang mukha. "Just saying"dugtong ko.
"Alam niyo ayokong pag-usapan ang mga ganyang bahay."sabi ni Kisara.
"Pero kailangan. May kailangan kayong malaman."tugon ko tsaka ako tumayo at naglakad sa ilalim ng araw.
"Pagmasdan niyo ako ng mabuti"
Tumayo ako dito sa ilalim ng araw. Nanunuot sa aking balat ang init at para akong pinapaso. "Bilisan niyo naman!"sigaw ko at nagsilapitan sila.
Panay usisa sila at parang walang nakikitang kakaiba. "Okay hint na nga. Cairo halika dito."sabi ko at lumapit si Cairo.
Kinuha ko ang kanang kamay ni Cairo at pinag dikit ang palad naming dalawa. Itinaas namin ng kaunti at tumingin ako kay Clover.
"Ano 'yan?"
"Tignan niyo yung anino namin."tugon ko at tumingin sila sa baba. Napatakip nalang sila ng bibig nang makita na wala akong anino at tanging si Cairo lang ang meron.
"Shocks! Anong magic 'yan?"namamanghang tanong ni Dedee at lumapit pa sa akin.
"Ang ibig sabihin ng walang anino ay hindi totoong tao. Ngayong nagulat kayo noh?"tanong ko at tumango silang lahat.
"Pero paano nangyari 'yan?"tanong ni Paris.
"Tara ulit sa bench ang init na baka ma sunburn ako"
BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Teen FictionSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.