iMarjayNari
@kaminari_amanashiJamais Vu
Mita koto ga nai
Kabanata 21: Mad"Bilisan niyo ilagay lahat yung mga hindi nagagamit na bola doon sa bodega dito sa court. Nakakainis! Gagamit sila tapos hindi nila ayusin yung mga ginamit nilang bola."utos ko sa mga kasama ko habang nag aayos kami ng gamit dito sa Basketball court.
Inutusan kasi kami ng aming class adviser dahil lawn namin ito. Sa totoo lang hindi naman dapat kami ang magligpit nito dahil yung mga varsity mismo ang mag aayos ng lahat ng ginamit nila. "Mako pinapatawag ka doon"wika ng aking ka klase sabay turo doon sa stand na kinauupuan ni Eiji. Pawis ito at abala sa pag punas ng kanyang katawan.
"Bakit naman? Tsaka hindi ko yun kilala. Bilisan niyo nalang ang pagligpit at pupunta na din tayo sa Club natin, sigurado ako hinahanap na ako ng proctor namin."pag iiba ko ng usapan bagamat naiinis talaga ako kay Eiji. Nagawa pa niya akong ipatawag anong akala niya sa akin aso? Gago siya!
"Naka lock yung bodega, saan natin itatago ito?"
"Nasa akin yung susi ng bodega oh heto."sabay abot sa kanila yung Susi.
Mainit pala dito sa loob ng bodega. Pwedeng gawing tamabayan pero mabaho nga lang. Tsaka may mga sapot pa sa sulok sulok nito. "Mauna na kami, ikaw nalang ang mag lock nitong bodega. Hinahanap na daw kami ng proctor namin sa Martial Arts."sabi ng isa naming ka klase sabay tapik ng aking balikat. Tumango naman ako bilang tugon.
Ako nalang mag isa dito sa bodega habang inaayos itong mga kalat, bakit pa kasi dito ang lawn ko pwede namang sa iba. "Tol, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang."narinig kong boses mula sa likod ko ngunit hindi ako lumingon bagkus pinag patuloy ko ang aking ginagawa.
"Gusto ko sanang humingi sayo ng tawad. Sa totoo lang tol dumating talaga ako doon pero may kasama ka nang iba at sumakay na kayo ng Taxi. Na late kasi ako ng dating dahil pinatawag pa ako doon sa Ospital. Sinugod kasi yung kaibigan namin dahil sinumpong siya ng asthma niya."
Patuloy lang ako sa pagligpit at tsaka lumingon sa kanya na parang walang narinig. "Uy, ikaw pala bakit nandito ka ginulat mo naman ako, ano na ulit yung pangalan mo? Ay! Oo ikaw si Eiji. May sinasabi ka ba?"
Napa kamot si Eiji sa ulo nito. "Tol naman hindi ka naman pala nakikinig ang sabi ko-"
"Kung wala kang importanteng sasabihin ay pwede bang umalis ka diyan sa pintuan at padaanin mo ako kasi late na ako sa Club ko."seryosong wika ko.
Tumabi naman si Eiji at napa hawak sa kanyang batok. Mabilis akong nag lakad nang hilain nito ang kamay ko. "Mako please alam kong galit ka sa akin dahil hindi ako dumating."
Tumingin ako sa kanya at inalis ang pagkaka hawak sa kamay ko. "Hindi ako galit. Nag mamadali ako wala akong balak na makinig sa mga kuwento mo kaya please KUYA hayaan mo akong maka alis dahil late na ako."wika ko sabay lakad sa kanya palayo.
"Bakit kasi ayaw mong makinig sa akin. Nandito na nga ako diba humihingi ng tawad dahil sa nagawa ko."narinig ko pang sabi nito pero nag madali akong lumabas ng Court.
-- ART CLUB--
"Basta ang gusto ko lang nais kong gumawa kayo ng hand crafts. Nasa sa inyo kung anong crafts basta ipasa niyo bago mag exam. Ang walang art work, walang grade sa Performance task number 10. Okay it's already 5:30, Class dismissed"pagtatapos ng aming proctor kaya naman nag tayuan ang lahat at lumabas ng Art Room.
"Mako, wala akong ideya sa mga Handy crafts. Pero may naisip ako, gagawa nalang ako ng flower vase na gawa sa plastic bottle siguro naman naging Eco friendly na ako doon."wika ni Kisara habang palabas kami ng silid.
Paglabas namin ay nakita kong naka sandal si Eiji dito sa tapat ng pintuan habang naka halukipkip ngunit umiwas ako ng tingin at binaling kay Kisara ang atensyon. "Bro! Sorry talaga. Wala akong ideya na inantay mo ako sa labas, sana pumasok ka nalang doon sa Coffee Shop at doon mo ako inantay."bungad nito ngunit nilagpasan lang namin. Nag taka nga si Kisara ngunit sinenyasan ko ito na tumahimik nalang.
"Hay! Buti ka pa may naisip ka ng Handy crafts. Siguro Swan na gawa sa News paper sa akin."tugon ko naman kay Kisara at nilagpasan si Eiji.
"Makinig ka naman kahit ngayon lang. Alam kong galit na galit ka sa akin. Oo sige magalit ka dahil sa nagawa ko pero please makinig ka naman sa akin at para maliwanagan ka sa iniisip mong hindi ako sumipot."
"Kung alam ko lang tol sana sinabi ko nalang na antayin mo ako doon sa loob ng Coffee shop. Nais sana kitang-"naputol ito.
Speaker:Calling for the attention of Mr. San Miguel, kanina pa kita pinapahanap. Puntahan mo ako dito sa Faculty room dahil gusto ko sanang sabihan ka na mag pasa kadin ng PFT mo! Inuulit ko puntahan mo ako dito sa Faculty Room! Sakit ka sa ulo.
Rinig na rinig dito sa buong building ang boses ni Sir Ji sa speaker. Alam kong narinig din ng ibang Building at classroom dahil konektado lahat ng Speakers dito sa Campus. Ang nakakahiya pa ay binanggit pa ni Sir ang apilyido ni Eiji. Nilingon namin ito at napa yuko nalang ng ulo si Eiji sabay lakad palayo at bumaba ng hagdan.
Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Ramdam ko kung paano napahiya si Eiji dahil ginamit ni Sir Ji ang Speaker para sa announcing. Napa hawak si Kisara sa aking kamay at umiling. "Nag mamakaawa yung tao kanina sana nakinig ka. Sigurado ako madaming estudyante ang nakarinig dun sa sinabi ni Sir Ji."wika ni Kisara.
Hindi ako naka kibo at parang nabusalsalan ang aking bibig. Pakiwari ko ay ako yung pinahiya, parang tinusok ng karayom ang aking dibdib.
"Alam kong galit ka kay Eiji. Na kwento sa akin ni Cairo ang tungkol kahapon. Pero sana naman nakinig ka sa sorry niya dahil alam niyang nasaktan ka niya."sabi pa ni Kisara ngunit parang nalunok ko ang aking dila dahil hindi ako makasagot.
Mula dito sa Hallway ay usap usapan ang narinig nilang announcement ng teacher. Ang iba ay natawa at ginawang katatawanan. Ang iba naman naaawa katulad ko. Samantala ang iba naming ka klase ay tinanong ako tungkol doon sa announcement sa speaker. Hindi naman talaga announcement yun kundi pag papahiya sa estudyante.
Siguro sa puntong ito. Wala nang maihaharap pa si Eiji dahil sa kahihiyang nagawa sa kanya.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Jamais Vu
Fiksi RemajaSimula noong nakita kita nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nakakabaliw nga ba talaga ang unang pag-ibig o sa sadyang baliw ako sa'yo. Kung may misteryo nga namang dapat malaman ay iyon kung bakit nahulog ako sa'yo.