Jamais Vu (XIII)

68 7 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu
見たことがない

KABANATA 13: Birthday Card

"Ano bang ginagawa mo at kanina ka pa punit ng punit ng papel? Ang kalat na ng bahay ayusin mo lahat yan!"paninita ni Kuya mula dito sa aking study table.

Napakamot ako ng ulo sabay tingin kay Kuya."Paano naman kasi nakakahiya naman yung pinagsusulat ko"irita kong wika dahilan para hablutin ni Kuya ang notebook sa aking desk.

Tol, ito ang pinaka masayang araw mo ngayon at nais kitang batiin ng Maligayang kaarawan. Masaya ako para sayo dahil natapos mo nanaman ang isang kabanata ng iyong buhay, pagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo at sana madami ka pang biyaya na matatanggap. Hindi mo man ako nakikita pero nakikita naman kita, sana matupad lahat ng pangarap mo. Mag aral ka ng mabuti huwag mo munang atupagin ang pag nonobya hehehe. Lagi mong iisipin na hindi ka nag-iisa, nandito lang ako sa tabi mo at binabantayan kita.

Muli, maligayang kaarawan tol.

Napa hagikgik si Kuya sa kanyang binasa dahilan para agawin ko sa kanya ang notebook ko. "Maganda naman pala yung letter mo hanep ang drama."sabi ni Kuya hindi ko alam kung pinupuri ba nya ito o kinukutya.

Muli ko nanaman itong pinunit ang ginusot saka ko hinagis sa Bin malapit sa akin. Napa halumbaba nalang ako sa aking desk at natunganga, walang eksaktong ideya na pumapasok sa aking isip na parang usok lang ang laman ng aking ulo.

"Maganda naman kasi yung gawa mo masyado ka lang Over acting! Ano bang gusto mo? Yung babaha ang luha ng crush mo habang binabasa nya iyang Birthday Card mo?"

"Gusto ko kasi yung tipo na tatatak talaga sa isip nya yung pagmamahal ko sa kanya."tugon ko naman dahilan para matawa si Kuya.

"Abah! Pagmamahal pa nga! Hindi naman pala Birthday Card ang nais mo kundi isang Memoir. May balak ka atang gumawa ng Memoir, "The Memoir of Mako" hanep bagay sa'yo diyan ka na nga nek nek mo!"natatawang wika ni Kuya ngunit hinayaan ko nalang siya.

Saint Rose Academy

"Oyy Mako kumusta! Matagal na tayong hindi nagkikita ah!"boses ni Ate Dimple mula sa aking likuran habang naglalakad ako dito sa hallway. Lumingon ako sa kanya at nag bitiw ako ng ngiti. "Ayos lang naman Ate, ikaw kumusta ka na? Stress ka ba sa internship nyo?"

Umiling ito saka ngumiti."Sa totoo nga ay nag eenjoy ako sa internship namin. Masaya magturo ng mga bata sa elementary."sagot naman nya.

"Ako nga na mimiss ko na si Eiji, kailan matatapos yang internship nyo?"medyo walang gana kong tugon. Naninibago lang kasi ako na wala akong nakikitang Eiji dito sa paligid, parang sanay na akong nasisilayan ang kanyang mukha at nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing hindi ko siya nakikita maghapon. Pakiwari ko walang kulay ang buhay estudyante ko kapag hindi ko nakikita si Eiji.

Napakibit balikat si Ate Dimple dahil hindi daw nya alam kung kailan matatapos ang internship nila. Para naman akong nawalan ng pag-asa sa sinabi ni Ate at tila unti-unti akong nawawalan ng enerhiya at ganang mag-aral."Pero usapang Eiji,  nandito sa akin yung notebook nya dahil hiniram ko ito noong nakaraang araw. Nandito kasi lahat ng quizes nya, kailangan kasi organized yung quiz at hindi ko alam kung ano yung pagkakasunod-sunod nito."sabi nito saka kinuha ang notebook sa kanyang bag at inabot sa akin.

Hindi ko alam bakit agad ko itong kinuha at nakaramdam ng kiliti sa aking puso. Inamoy ko pa ito at talaga namang amoy barakong pabango na ang sarap sa ilong na nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Napanganga nalang si Ate sa aking inasta. "hiramin ko ito kahit dalawang araw lang."sabi ko dahilan para tumango tango si Ate.

"Ibalik mo sa akin yan tsaka ayusin mo ang paghawak dahil yung iba nyang quiz ay naka ipit lang diyan sa notebook nya."

Muli kong inamoy ang notebook saka niyakap, marahil ganito ang kanyang pabango at hindi nakakasawa sa pang-amoy. Kung maaari lang na hindi ko na ibalik ang notebook na to ay talagang itatago ko ito at katabi bago matulog.

"Sige pasok na ako basta ingatan mo yan dahil ako ang mayayari kapag nakulangan ng isang quiz"pagpapaalala nito kaya tinanguan ko si Ate bilang sagot. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at habang yakap ang notebook ni Eiji.

Nagsimula ang aming klase at nagkaroon kami ng isang maikling quiz patungkol sa topic ng aming guro. Maghapon akong nakangiti at halos magtaka ang aking mga kaibigan kung bakit ang saya ko. Iba talaga ang epekto sa akin ng pagibig, nakaka lasing at nakaka baliw.

Katabi kong natulog ang notebook ni Eiji, natatawa ako sa aking sarili dahil kinumutan ko pa ito at pinahiga sa aking unan, hinalikan ko pa ito at inamoy bago matulog.

--

"Mukang maganda ang gising mo ngayon ah!"bati ng Guard sa akin habang papasok ako ng Gate. Nagising akong naka ngiti habang naka yakap sa notebook ni Eiji, hindi ko alam bakit ang sarap ng tulog ko at tila katabi ko si Eiji na natulog kagabi.

Habang naglalakad ako dito sa corridor ng locker room ay may biglang humila sa akin papasok sa loob at pwersa akong sinandal sa mga locker. Halos mapa-awang ang aking bibig sa matinding sakit na pagtama ng aking likod. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ay laking gulat ko nang makita ko ang nanlilisik na mata ni Eiji. Galit na galit ang mukha nito at tila dudurugin ako ng kanyang naka kuyom na kamao ano mang oras. Halos napalunok ako ng walang laway habang gulat ang aking mukha na makita syang nananaliksik sa galit.

Gumalaw ang kanyang kaliwang kamao at sinuntok ang pinto ng locker malapit sa aking mukha dahilan para mapasigaw ako sa takot at mapa pikit ng mata. Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod at mga kamay habang pumipintig ng malakas ang aking puso na wariy aatakihin ako.

Tahimik

Nanatiling naka titig siya sa aking mukha at pilit nitong hinuhuli ang aking tingin habang naka harang ang kanang braso nito. "Bakit ba gusto mong mapansin kita? Gago ka ba?! Para sa ikakaalam mo hindi ako interesado sayo! At mas lalong hindi kita magugustuhan bobo!"sigaw nito sa akin.

Hindi ko siya maunawaan.Wala namang akong ginagawang masama!

"Hi-hindi ko alam ang pinag sasabi mo"naiilang kong wika.

Muli nyang sinuntok ang locker dahilan para mapasigaw ako sa gulat, dito napatunayan kong hindi pala mabait si Eiji. Ito ang unang pagkakataon na napa iyak ako ng isang tao na wala manlang akong ginagawang masama sa kanya. "Tang ina! Huwag ka na muling mag papakita sa akin dahil hindi pa ako pumapatol sa bakla!"singhal nito sa akin.

Patuloy ang pag patak ng luha ang aking mga mata habang napako ang tingin ko sa sahig. "Ku-kung naiirita ka sa akin ay ayos lang naman. Hindi ko naman pinagpipilitang suklian mo ng pagmamahal itong nararamdaman ko para sa'yo"

"Wala akong pake! Tinatawanan ako ng mga barkada ko dahil sa'yo! Nahihibang daw ako dahil sa'yo! Nasaan yung notebook ko!"sigaw nito sa akin kaya dali-dali kong kinuha ang notebook nya sa aking bag. "Inayos ko na yung mga naka sigpit na papel, nag trim ako kagabi dahil hindi ito maayos. Naisip ko lang na baka nawalan ka ng oras na ayusin ito kaya ako na ang gumawa nito para sa'yo"tugon ko habang naka yuko sabay abot sa kanya ang kanyang notebook.

Hinablot nya ang kanyang notebook saka umalis sa aking harapan. Naiwan akong luhaan dito sa locker room at paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang kanyang ginawa sa akin. Natakot ako sa kanya at hindi ko lubos inakalang gagawin nya sa akin iyon. Dito ko napagtanto na tama pala ang sinasabi ng mga tao na ang lalaki at para lang sa babae.

Itutuloy...

◎◎◎ Maraming salamat sa Pagbabasa ◎◎◎




Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon