Season 2 Jamais Vu (XX)

59 8 0
                                    

iMarjayNari
@kaminari_amanashi

Jamais Vu

見たことがない

Kabanata 20: Crystal Snow

Reporter: Christmas na! Ulat panahon muna tayo. Ang Shibuya ay nakakaranas ngayon ng malamig na panahon dahil nag sisimula na ang Winter Season. Asahan pang bababa ang temperatura sa ating bansa at isuot natin ang ating Winter Jackets. Samantala, Kyoto Japan. Sinimulan nang buksan ang bagong tourist attraction  at talaga namang patok sa mga turista ngayon! Live mula kay Shinra Fudai.

Shinra Fudai: Konichiwa! Nandito ako ngayon mismo sa pinaka Gate ng bagong bukas na tourist attraction dito sa Kyoto. Nakikita nyo naman siguro ang hindi mahulugang karayom na mga turista, ilan lamang ito sa naitalang biglang sikat na pasyalan dito sa Kyoto. Maaari kang sumakay sa kanilang bagong  rides at ang pinaka sikat nilang Ice skating. Balik sa'yo Miss Reporter.

Reporter: Asahan pa ang mga bagong balita. Tumutok lamang sa official Site ng ating station. Muli ito po si Miss Reporter nag babalita.

End of Report

"Ayusin mo yang pinag kainan mo ng Cup Noodles. Kanina ka pa lamon ng lamon hindi ka na kumain ng kanin. Alam mo bang madaming betchin ang noodles, kapag nag ka UTI ka sinong mahihirapan?"paninita ni Kuya mula sa aming silid.

Hindi ako kumibo bagkus kumain lang ako, wala siyang ideya sa nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong magalit at upakan si Eiji dahil saka lang ako kilala kung wala syang kasama. Nakakainis talaga! Hindi ako pinansin kahapon? Ano ako multo? Bwisit sya! Pasalamat sya gwapo sya.

Napansin kong lumabas si Kuya mula sa silid at umupo ito sa tabi ko. Dala din nya ang kanyang Noodles at kapwa kami nakaharap sa T.V

Tahimik

"May problema ka ba?"tanong nito ngunit hindi ko ito pinansin bagkus humigop pa ako ng sabaw.

"Maganda ngayon mag Ice Skate, may alam akong lugar dito sa Tokyo."narinig ko pang sabi nito.

Nilapag ko ang Cup Noodles ko at nag punas ng bibig. "Nakakainis lang kasi! Akala nya kung sino siya! Hindi ako pinansin kahapon! Bwisit siya!"

"Sino, yung Crush mo?"tanong nito.

Tumango ako bilang tugon at muling kumain ng noodles. "Napipikon talaga ako sa kanya, hindi ko sya maunawaan"

"Abah! Parang mag kakilala naman kayo noh? Feeling mo din. Baka naman alam na nya na gusto mo siya kaya iniiwasan ka."

"Hindi! Wala syang alam tsaka isapa minsan na nya akong inayang kumain sa labas matagal nang panahon. Alam mo ba Kuya. Kahapon nag lalakad ako dyan sa kabilang kanto at naka salubong ko sila, kumaway ako sa kanila tapos hindi ako pinansin."pagmamaktol ko dahilan para matawa si Kuya.

"Baka hindi ka nila napansin. OA mo naman. O baka nahihiya lang sya na pansinin ka kasi kasama nya ang mga barkada nya. Sino ba namang lalaki ang hindi mahihiya."sabi naman ni Kuya dahilan para maka hinga ako ng maluwag.

"Baka nga, hindi naman natin alam kung ano ang nasa isip nya."tugon ko nalang at nag tungo ako sa Kusina upang kumuha ng tubig sa Ref.

Kahit na malamig sa labas ay meron naman kaming heater dito sa loob kaya normal lang ang temperatura dito. Ma iba ako, marahil tama si Kuya na umiiwas si Eiji dahil kasama nya ang kanyang mga kaibigan.

Nag tungo ako sa aming kama at humiga samantalang si Kuya ay naiwan sa sala at nanonood ng balita. Muli akong bumangon at binuksan ang kuwartina dito sa sliding glass door at bumungad sa akin ang nahuhulog na niyebe mula sa kaulapan. Parang mga bulak ang mga niyebe dahil sa banayad itong bumabagsak. Wala na akong ibang makita kundi purong puti dahil sa niyebeng tumabon sa mga berdeng dahon ng puno.

Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon