Season 2 Jamais Vu (XIX)

66 8 0
                                    

Authors Note: Season 2 na pala tayo. Maraming salamat sa pag babasa kahit na unti lang kayo. Masaya ako na nakasama ko nanaman kayo sa bago kong kuwento, pasensya na sa mga errors pero sinisikap ko namang mabigyan kayo ng libangan maraming salamat sa suporta. Ano po ba ang aabangan niyo sa Season 2? Siyempre madaming magaganap Kaya tutok lang po. Kung nagustuhan niyo naman itong kuwento maaari niyong i-share sa mga kaibigan niiyo. Kung gusto niyo ng kopya paki message ako for confirmation iyon lang salamat.

iMarjayNari
@Kaminari_amanashi

Jamais Vu

Kabanata 19:Taglamig

December na, hindi ko namamalayan ang takbo ng Oras. Kay bilis at parang pag iiba lang ng pahina ang takbo ng panahon, sigurado ako excited nanaman ang mga kabataang tulad ko dahil paparating na ang Taglamig.

Naka tingin lang ako dito sa labas ng Coffee Shop habang inaantay si Clover. Makulimlim ang buong kalawakan na parang wala ng araw na sisikat. "Dalawang order ng mainit na Tsaa"

Habang sa ganoong pag aantay ko dito sa upuan ay siya namang pag dating ni Clover, naka payong at naka suot ng makapal na jacket. Pumasok ito sa loob at hinanap ako ng tingin, tinaas ko naman ang kamay ko para makita nya ako.

"Bakit naka suot ka ng ganyan?"

"Haller! Taglamig na po! Ikaw nga dapat ang tatanungin ko bakit hindi ka naka suot ng makapal na damit. Nabasa ko dito sa Cellphone ko na babagsak ang niyebe mamayang alas onse."sagot nya sabay upo sa aking harapan.

"Hindi ako na inform, tsaka hiramin ko nalang yung payong mo mamaya baka abutan ako ng niyebe."tugon ko naman.

"Oo na sige na! Sa susunod kasi matutong tumingin sa Weather Forecast ng Cellphone at hindi sa mga pictures ni Eiji sa Facebook baklang to!"wika ni Clover sabay higop ng tsaa. "Bakit mo ako tinawag?"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng tuwid. "Si Eiji kasi... ewan ko pero hindi naman ako nag a assume na gusto din nya ako. Kasi naguguluhan lang ako kung ano ba ang nararamdaman nya sa akin. Syempre humble lang ako"sagot ko

"Kung ano man ang nararamdaman mo Mako, hindi mutual kay Eiji noh! Remember lalaki siya at barako. Imposible namang mag kagusto siya sayo. Pero hindi ka naman mahirap mahalin."tugon nito

"Alam ko naman yun. Pero nais ko sanang mag patulong sayo"

Kumunot ang noo ni Clover. "Ano naman yun?"

"Gusto ko sanang kuhanan mo si Eiji ng magandang litrato. Yung hindi pangit ah! Basta stolen shots lang. Nais ko kasing ilagay ang mga yun sa ibibigay kong confession slash farewell letter."sagot ko naman dahilan para matawa siya.

"Yun lang pala. Dapat nag chat ka nalang sa akin, sige gagawin ko yan pero dapat may bayad."naka nguso nitong wika dahilan para ihagis ko sa kanya ang Menu ng Kape.

"Eh? Puro kape ang kuripot mo naman."pagmamaktol nito habang tinitignan ang mga klase ng kape. "Okay ibili mo nalang ako nito"naka ngising wika ni Clover sabay turo sa isang box na green tea.

Napakamot ako ng ulo."Bakit yan pa ang mahal naman! Tsaka pampapayat yan hindi na magiging balance yang suso mo sa katawan mo. Para kang lantang puno ng papaya na may dalawang bunga."pang aasar ko dahilan para ibalibag nya sa akin ang Menu.

Natawa nalang ako habang si Clover ay naka simangot at naka halukipkip. "Ang sama mo naman! Huwag ko na kayang gawin yung pinapagawa mo sa akin. Akala mo naman kasi mahaba ang buhok mo! Feeling ka din noh!"naiinis nitong wika sabay tingin sa labas. Salamin kasi ang nag sisilbing pader nitong coffee shop.

"Joke lang naman, syempre maganda ka at Sexy kaya nga madaming humahanga sayo. Hindi lang yun matalino pa oh diba!"

"Okay, kahit na fake news lahat yan paniniwalaan ko nalang kasi nababaliw ka na kay Eiji. Well ayun lang ba?"tanong nito

"Wala na yun lang. Pwede ka nang umuwi."tugon ko dahilan para tumayo na ito at nag paalam. Ako naman ay tumambay muna dito sa Coffee shop.

Alas 10 ng tanghali noong napag pasyahan kong umuwi. Habang sa ganoong paglalakad ko dito sa Sidewalk ay halos manigas ako sa lamig ng hangin. Mukhang tama nga si Clover dadating na ang taglamig.

Kasalukuyan akong nag lalakad dito sa Kalye. Tahimik at tanging tunog lang ng aking suot na tsinelas ang maririnig. Nag sisimula nang bumagsak ang temperatura dahil sa bawat hinga ko ay may lumalabas na usok.

"Ayos taglamig nanaman! Saan kayo mag babakasyon mga tol?"

"Sabi ng Papa ko doon daw kami sa Probinsya mag babakasyon. Ikaw ba pareng Eiji?"narinig kong ingay mula sa aking harapan kaya napa tingin ako sa kanila.

Sina Eiji at ang mga kaibigan nya. Naka suot sila ng Jersey at hawak ni Eiji ang bola ng Soccer. Kahit na magaling si Eiji sa Basketball may alam din pala siya sa Soccer.

Natuwa naman akong maka salubong sila kaya naman sinubukan kong kumaway ngunit nilagpasan lang nila ako at patuloy sila sa pag k-kwentuhan. "Oo masaya daw sa Osaka, sigurado ako madaming magagaling sa Soccer doon"sabi ng mataba habang nag lalakad sila palayo. Lumingon naman ako sa kanila ngunit parang hangin lang ako sa paningin nila. Hindi manlang ako kinamusta ni Eiji o kahit ngiti manlang.

Ang sakit sa pakiramdam dahil kailan lang kilala nya ako pero ngayon, parang estranghero lang ako at hangin sa paningin nya. Tulad nang nakaraang buwan, alam kong napansin nila ako pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ako iniiwasan.

Palayo sila ng palayo hanggang sa lumiko na sila ng kanto. Dito, bumagsak ang polbo ng niyebe mula sa kalangitan. Ang mga dahon sa puno ay natatabunan ng niyebe, bahagya akong ngumiti at winaksi ang sakit sa aking dibdib. Dito, muli akong nag lakad at tila nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa sakit na nadarama.

Dito ko napag tanto na pampalipas lang ako ng Oras...

Itutuloy...



Jamais VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon