Xianniah Astrid Fajardo
Sariwa pa sa memorya ko kung paano kami unang nagkakilala ng lalaking nagpangako sa 'kin na anumang mangyari, kami pa rin hanggang huli.
Naglalakad ako noon nang may narinig akong ingay mula sa isang puno. Dahil sa curiosity, lumapit ako rito.
I saw a boy sitting under the tree while crying as he wrapped his arms around his knees.
"Hey, what are you doing there? Why are you crying?" Sita ko sa kaniya.
Unti-unti niyang iniangat ang kaniyang ulo at tinignan ako sa mukha. Namumula ang kaniyang mga mata marahil sa walang tigil na pag-iyak at maging ang sipon nito ay umaagos na rin. Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa at inihagis ito sa kaniya.
Sinalo naman niya ito agad at sabay sabing, "T-Those kids at the park..." Huminto siya sa pagsasalita upang punasan ang basa niyang mukha. "They bullied me," he added.
"They bullied you? Who? How? Why?" Sunod-sunod kong tanong.
"They told me that I'm so clumsy, that they don't want to play with me. They don't want me to become their friend. Nobody wants me!" Muli, humagulhol na naman ito sa iyak.
Bigla ako nakaramdam ng awa kaya't lumapit ako sa kaniya, "Hey, I'm here! Gusto kong makipagkaibigan sa 'yo. "
Pagkatapos kong sabihin iyon ay ang siya namang pag-aliwalas ng kaniyang mukha at napawi ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"R-Really?" Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi na tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
Agad siyang tumayo at dali-daling niyakap ako. Nabigla man ako sa kaniyang inasta ay agad ko rin naman siyang niyakap pabalik, mapakalma man lang siya.
"So, you're my friend now?" Tanong niya matapos kumalas mula sa pagkakayakap sa 'kin.
I smiled at him, "Oo nga! By the way, I'm Xianniah Astrid Fajardo. Niah for short, and you are?"
"I'm Ellaquim (Elyakim) Haze Montemayor. You can call me Quim," masigla nitong pagpapakilala.
Quim? Sounds like Kim? Ba't parang pangbabae naman yata ang nickname niya. Why not Haze?
"Quim? Nah, I'll call you Haze."
Pagkatapos ng araw na 'yon, lagi na kaming magkasama ni Haze. Nalaman ko na sila pala ang bagong lipat sa bahay na katapat lang namin kaya naman, araw-araw itong pumupunta sa bahay para makipaglaro. Magkasundo na din ang mga magulang namin kaya feel free kaming lumabas-masok sa bahay ng bawat isa.
"Tita, can I and Niah go to the park?" Kasalukuyan akong pinapaalam ni Haze sa Mommy ko.
"But--,"
Agad kong pinutol ang sasabihin ni Mommy.
"Mom, I know. Promise, mag-iingat po ako."
Tiningnan muna ako ni Mom ng 'are you sure?' look na agad ko namang tinanguan.
Wala na silang nagawa kun'di payagan kaming dalawang maglaro. Malapit lang naman 'yung park sa bahay namin kaya agad kaming nakarating.
Araw-araw ay gano'n ang ganap sa aming dalawa ni Haze. Maglaro't kumain na kahit kaming dalawa lang ay masaya na. Matapos kaming maglaro sa playground ay nag-aaya si Haze ng habulan. Hindi ko alintana ang pawis at pagod hanggang sa makauwi kami na halos naligo sa sariling pawis. Sa tuwing makikita ako ni Mom sa ganoong hitsura, agad itong nagpapanic at kumukuha ng towel para punasan ang aking noo at likod na animo'y waterfall dahil sa pawis.