CHAPTER 9

3K 205 37
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Haze para ayain akong lumabas. May dala-dala pa siyang bouquet ng white roses. Alam ba niyang favorite flower ko ito kaya ito ang binigay niya sa 'kin o coincidence lang talaga? Ano ba yan, Niah! Sige, mag-assume ka pa!

"Niah? Are you okay?" Tsaka lang ako natauhan nang magsalita ito muli.

"A-Ano ulit?" Pang-uulit ko na kunwari hindi ko narinig. Gusto ko lang ulitin niya. Baka namali lang ako ng pagkakarinig. Para makasigurado akong tama ang narinig ko.

"Ang sabi mo kanina, free ka today, right? So, p'wede ba kitang ayaing lumabas?"

For the second time, hindi na naman ako makasagot. Totoo nga! Inaaya niya talaga akong lumabas.

"K-Kung a-ayaw mo, it's okay. I understand," he added. Ang akala niya yata ay ayokong pumayag dahil sa sobrang tagal kong sumagot.

"N-No, I mean, yes! Oo, pumapayag akong lumabas kasama mo."

Agad naman siyang ngumiti sa'kin dahilan para mapangiti rin ako. Ang gaan sa pakiramdam na ganito kami ngayon. Sana nga magtuloy-tuloy na.

"Aalis kayo?" Tanong ni Mama na kasalukuyang naghahanda ng pang-agahan.

"Yes, Tita. Ayain ko si Niah para mamasyal kahit sa mall lang po. Pambawi man lang sa mga ginawa ko," saad ni Haze.

"Oh, I see. Then, that's good! Para naman makapasyal si Niah at makabisado na niya ang pasikot-sikot," nakangiting wika ni Mom.

"Pero teka, baka iligaw mo ang Anak ko, Haze." Pangbibiro ni Mama. Kahit biro lang ay nakaramdam ako ng awkwardness. Baka ma-offend si Haze.

"No, Tita. Wala na po akong gagawing masama kay Niah. I'm really sorry po."

"It's okay. I'm just kidding," nakangising wika naman ni Mama. Umaliwalas ang mukha ni Haze. Nawala siguro ang kabang naramdaman niya nang biruin siya ni Mama na ililigaw ako sa mall.

"Wait lang, Haze, ha? Ipunta ko lang 'to sa kwarto ko," turo ko sa bulaklak na bigay niya.

Tumango naman siya. "Sure, I'll wait you here."

Dali-dali na akong umakyat papunta sa kwarto. Nang mabuksan ko ito ay agad ko rin lang sinarado at 'di ko na napigilan ang pagngiti ko. Inamoy ko ang bigay niyang bulaklak.

"Ang bango," nakangising saad ko.

Hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi ko habang isa-isang inilalagay ang bulaklak sa vase. Matapos kong ilagay lahat ay nagtungo ako sa harap ng salamin. Inayos ko ang sarili ko. Pinili kong isuot ang silver flat shoes na magandang iterno sa white dress na suot ko. Kinuha ko rin ang maliit na kulay silver din na sling bag ko.

Bumuntong hininga akong tiningnan muli ang sarili sa salamin at nang makitang maasyos naman, nakangisi akong bumaba. Nadatnan ko si Haze sa kusina na kasalukuyang tumutulong kay Mama. Hindi pa pala ako nag-a-almusal. Siya kaya? Nakapag-almusal na ba?

"Kumain ka na ba, Haze?" I asked him. Lumingon naman ito sa 'kin.

"Not yet," tipid niyang sagot.

"Dito na kayo kumain dahil malapit na rin naman matapos ang niluluto ko," singit ni Mama habang busy sa pagluluto ng egg, bacon and hotdog.

"Sure, Tita." Nakangiting sagot ni Haze dahilan para lumabas ang dalawang malalalim niyang dimples.

I can't help myself but to stare at him. He's so handsome, indeed!

"Niah, let's eat," tawag sa 'kin ni Mama.

Tatlo lang kaming magsasabay kumain ngayon dahil nauna na si Dad at Kuya sa resto. Susunod naman daw agad si Mom doon pagkatapos namin mag-agahan.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon