Xianniah Astrid Fajardo
"I don't want you to leave and go back to the Philippines, but I think your decision is final and I'll respect that."
Kasalukuyan niya akong tinutulungan na ibaba lahat ng gamit namin ni Mama mula sa sasakyan. Siya rin mismo ang naghatid sa amin dito sa airport. Alam kong busy siya pero naisingit niya pa rin ako sa schedule niya. I'm so much blessed for having him in my life.
"I'm sorry, Steven. I don't have any reason to stay here anymore," wika ko. Desidido na talaga ako sa pag-alis. Ilang beses niya akong pinilit na 'wag na umalis pero 'di ako nito napa-payag.
"How about me?" tanong nito sa nagta-tampong tono..
Bakas sa mata niya ang lungkot. Alam kong masakit para sa kaniya ang pag-alis ko dahil halos walong taon din kaming magkasama. Ako rin naman ay nalulungkot sa isiping sa pangalawang pagkakataon, may iiwanan na naman akong isang kaibigan.
Si Steven ang nag-iisang kaibigan ko rito sa States and he's now a successful lawyer. Anak siya ng kaibigan ng Mama ko na residente na rito. Half Filipino and half American at kahit dito pa siya pinanganak at lumaki, alam pa rin nitong magsalita at umintindi ng Filipino.
Ayoko mang iwanan siya pero kailangan ko 'tong gawin. Hindi ko nakikita ang future ko rito. Ang buhay ko ay nasa Pilipinas.
"I will miss you," he added that makes him teary-eyed.
"Hey, don't be sad. I will miss you, too! Don't worry, you can call me anytime."
Tinitigan lang ako nito at 'di pa rin naalis sa mukha niya ang lungkot kaya naman agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pilit na pangitiin. Maya-maya pa'y ngumiti na rin siya.
"Finally, you smiled! Sabi ko naman sa 'yo, dapat nakangiti ka lagi dahil lalo kang guma-g'wapo."
Hindi ko maitanggi ang kag'wapuhang taglay ni Steven. Mas nangingibabaw pa rin ang pagiging American niya when it comes to his physiical appearance. Matangkad, light skin, blue eyes and blond hair. Idagdag mo pa na matalino, napakacool manamit at perfect ang hubog ng katawan. Naalala ko noong nag-aaral pa kami, lagi siyang suki sa mga pageants ng school. Dahil sa ganda ng katawan niya, maraming kumukuha sa kaniya bilang model. Ang mas nakaka-attract pa lalo sa kaniya, isa na siyang ganap na abogado ngayon. Maraming babaeng naghahabol at nagkakandarapa sa kaniya pero ni isa, wala siyang niligawan.
"You really know how to make me smile," an'ya.
Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mata ko habang nakatitig ito sa akin. Dahan-dahang dumampi ang labi niya sa aking noo. Hindi na bago sa 'kin ang ginawa niya. Madalas niyang halikan ang noo ko sa tuwing nagpapa-alam ako sa kaniya o maging siya sa tuwing nagpapa-alam ito sa 'kin. Normal lang naman itong gawin ng magkaibigan sa bansang USA pero kung nasa Pilipinas lang kami ngayon, matagal na kaming na-issue.
"Take care always, okay? Eat on time and don't forget to take your medicines. I'll call you everyday just to remind you."
Napakaswerte ko sa taong ito. He's always there for me. Nandiyan siya lagi para paalalahanin ako na kumain sa tamang oras, uminom ng gamot at mag-ingat lagi.
"Noted, Attorney!" I smiled at him. Gumuhit din ang ngiti sa kaniyang labi.
Matapos maibaba ang lahat ng bagahe namin ay nagpaalam na kami ni Mama kay Steven dahil ilang oras na lang ay flight na namin.
Pagkasakay namin ni Mama sa eroplano ay agad akong natulog dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi sa sobrang excitement. Eight years ko ring hinintay 'to na makauwi na muli sa Pinas. Kaya abot hanggang tainga ang aking ngiti bago matulog.