CHAPTER 19

3.1K 187 122
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

Nagising ako dahil sa naramdamang gutom. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at puting kisame ang tumambad sa 'kin. Nasaan ako? Hindi ko 'to kwarto. Dahan-dahan akong lumingon upang matukoy kung nasaan ako. May cabinet sa tabi ng kama ko kung saan nakapatong ang isang basket ng prutas at vase na may lamang white roses. May isang sofa naman malapit sa pinto at may maliit na lamesa ro'n. Gaya ng kisame, kulay puti din ang dingding. Nang tignan ko ang kamay ko, may nakakabit na dextrose rito at ang damit ko, hospital dress. Alam ko na kung nasaan ako ngayon. Nasa hospital ako. Ano na naman kayang nangyari? Ang naaalala ko lang ay nasa bahay ako, kakatapos ko lang kumain. Palabas na ako ng bahay no'n para hintayin si Steven sa labas kaya't bakit nandito ako ngayon nakahiga?

Gustuhin ko mang magtanong ay wala naman akong mapagtanungan dahil wala namang ibang tao dito sa loob maliban sa 'kin at ang taong nasa tabi ko ngayon. Nakaupo siya sa isang monoblock chair habang nakayuko't nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko, mahimbing siyang natutulog. Hahawakan ko sana ang balikat niya upang yugyugin para magising ito kaso hindi ko mabawi ang kamay kong hawak-hawak niya. Habang natutulog, ang kanang kamay niya ay nakapatong sa kaliwang kamay ko. Ginalaw ko ang daliri ko dahilan para naalimpungatan ito. Tinignan niya ang kamay ko bago dahan-dahang inangat ang kaniyang ulo. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita akong gising na.

"S-Steven," ani ko sa pangalan niya.

Umayos siya ng pagkakaupo. "Niah, how are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka pa rin ba? Hirap ka bang makahinga? Tell me, Niah. Should I call now the doctor or nurse?"

Hindi siya mapakali dahil sa sobrang pag-aalala. Ngumiti akong pilit para pakalmahin siya.

"Hey, I'm fine. Thank you, Steven. Wala naman akong ibang nararamdaman ngayon kung 'di gutom," wika ko sabay ang mahina kong pagtawa.

"Oh, wait..." Tumayo siya at pumunta sa mesa na nasa likuran niya lang. Ilang supot rin ang nakapatong doon at sa wari ko, mga pagkaing binili nila 'yon sa fastfood. "Do you want noodles? Or pizza, fries, burger or spaghetti?" Tinig isa-isa niyang nilabas ang mga ito. "If you don't want any of these, I can go outside to buy the foods you want to eat," he added.

"No need, I'm okay with noodles." Mas okay na 'yung mainitan naman ang sikmura ko tsaka ayoko ring pagurin siya kung lalabas pa ito para bumili. Tumango si Steven at pumunta sa may water dispenser na nasa gilid lang Din ng cabinet. Binuksan niya ang cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig ito. Kumuha rin siya ng kutsara't tinidor at mangkok para doon ipatong ang mainit na noodles.

Bumalik na siya sa pagkakaupo sa tabi ko. Ipinatong niya muna ang hawak niyang noodles sa cabinet para hintaying maluto.

"Nasaan sila Mama, Dad at Kuya Xiander?" I asked him.

"Si Kuya Xiander, bumalik sa resto dahil may kailangan raw asikasuhin, ganoon rin si Tito pero don't worry Niah, babalik din sila mamaya. Si Tita naman, kausap si doc kanina at may pinabiling gamot kaya binilin sa 'kin na ako muna raw ang magbantay sa 'yo habang wala pa ang mga pinsan mo," pag-explain niya.

Napatango na lang ako sa sinaad niya. Anong oras na ba? Gaano katagal na ako rito sa hospital? Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding sa may bandang sofa, 4:13. Tsaka ako tumingin sa bintana. Alas kwatro na pala ng hapon. Pero ilang araw na ba ako rito?

"Steven?" Pagbanggit ko ulit sa pangalan niya.

"Hmm?" Sagot niya. Kinuha niya ang noodles na nasa cabinet tsaka inalis ang takip dito. Kinuha niya ang kutsara at mukhang susubuan na ako nito.

Dahan-dahan naman akong naupo mula sa pagkakahiga. Inalalayan niya ang likod ko gamit ang isang kamay nito dahil ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang cup noodles.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon