Xianniah Astrid Fajardo
"Saang hospital dinala si Haze?" tanong ko kay Megan na tutok ang atensiyon sa pagpapatakbo ng kotse. Oo, iniwan ko na sila Mama at Dad sa airport at sumama kay Megan. Patawarin na lamang nila ako dahil hindi ko kayang iwan si Haze lalo pa't nalaman ko ang tunay na lagay niya ngayon.
"Care & Cure Hospital ang tinext sa 'kin ni Akisha. Hindi na ako sumama sa kanila kanina dahil mas importanteng sundan kita at pigilan sa pag-alis."
Now, I get it. Kaya pala halos magmakaawa na siya kanina na huwag akong umalis dahil kay Haze. Ayaw niyang iwanan ko si Haze sa gano'ng lagay.
"Megan, thank you." Nilingon niya ako saglit at ngumiti tsaka binaling ang paningin sa kalsada. "Pero, kailan mo pa nalaman?"
"Last week lang when I saw him at the coffee shop na malapit lang sa office. I have this client na ime-meet sana pero 'di sumipot. Paalis na sana ako that time kaso nakita ko si Haze. Hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy sa lamesang nasa tabi ko lang. Mas lalo akong nagtaka nang makita silang magkasama ni Dr. Cortez, one of the greatest neurologist here in Manila." Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. "Doon na kami nagkaaminan. Umamin na ako sa ginawa ko sa inyo at napaamin ko rin siya tungkol sa sakit niya. Niah, I'm sorry. Hindi ko nasabi sa 'yo agad dahil nakiusap siyang 'wag ipagsabi kahit kanino lalo na sa 'yo. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, you deserve to know everything about Haze. Also, kailangan mo na ring sabihin ang tungkol din sa sakit mo. "
Habang papalapit kami sa hospital, mas lalong nangangatog ang mga binti ko. Maging ang mga kamay ko ay napakalamig. Kanina pa ako hindi mapakali. Palihim akong nagdadasal na sana ay maabutan ko si Haze sa maayos na lagay.
"Anong room daw?" Nagmamadali kaming naglakad ni Megan. Kinuha niya saglit ang phone niya at tiningnan ang text message ni Akisha.
"Room #105," an'ya.
Halos takbuhin ko na patungo sa elevator. Nasa third floor ang room na 'yon. Nang makapasok kami sa elevator, napahawak ako sa gilid dahil sa biglaang pagkahilo.
"Niah, are you okay?" Inalalayan niya ako sa likuran ko. Napapikit lang ako saglit at nang wala na akong maramdamang pagkahilo ay tumango ako kay Megan.
"I'm okay." Hindi ko alam pero nitong nakaraang araw, napapadalas ang pagkahilo ko. Napapadalas rin ang pagduwal at pagsuka ko t'wing umaga. Hindi ko 'to pinansin dahil naramdaman ko na rin 'to noon pa man. Mas napapadalas nga lang ngayon.
Nang makarating kami sa third floor, hindi kami nahirapang maghanap dahil nakita namin agad sila Akisha sa labas ng isang room. 'Di ko na napigilang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.
"Akisha, where's Haze? Gusto ko siyang makita!"
Pinigilan nila ako nang akmang bubuksan ko ang pinto.
"Niah, calm down. Nasa loob si Haze, lalabas na mamaya ang doctor. Hintayin na lang natin," sambit ni Akisha. Pinaupo muna nila ako sa upuan na nasa gilid lang ng kwarto ni Haze. Hindi pa rin nawawala ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko simula kanina. Ano na bang nangyayari kay Haze sa loob?!
Ilang saglit lang ay dumating na sila Tito Leo at Tita Irish. Bakas din sa kanila ang pag-aalala at gulat.
"What happened? B-Bakit nandito si Haze? Anong nangyari sa Anak ko?!" Hindi na magkanda-ugaga si Tita. Mukhang wala rin silang alam. Bakit hindi pinaalam ni Haze ang sakit niya kahit sa mga magulang niya man lang? Hindi alam ni Tita kung sino ang tatanungin niya dahil lahat kami ay tahimik lang at naghihintay sa doctor na lalabas para alamin ang tunay na lagay ni Haze.
Habang pabalik-balik sa paglalakad si Tita Irish sa harap namin ay ang paglabas naman ng doctor mula sa loob. Agad kaming lumapit dito at hinihintay ang sasabihin nito.