Ellaquim Haze Montemayor
"Fvck! Why can't I sleep?" Ginulo kong muli ang buhok ko sabay titig sa kisame.
I covered my face with a pillow and forced myself to sleep. Nakailang subok na akong matulog pero wala pa rin. Tinanggal ko ang unan sa 'king mukha dahil sa inis. I took my phone from bedside table to see what time is it. It's already 2 o'clock in the morning.
"Arrg! I can't sleep!" I stood up to get a shirt in my closet and went to my bedroom terrace.
Pagkabukas ko ng pinto, tanaw ko agad ang bahay nila dahil nga katapat lang nito sa amin. Makikita ko rin mula rito ang kwarto niya. Nakapatay na ang ilaw nito at mukhang mahimbing nang natutulog.
"Paano ka nakakatulog ng mahimbing matapos mo akong iwan?" I smirked.
Umupo ako roon at hindi pa rin inaalis ang paningin sa kwarto niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa bahay nila Jann. I didn't expect that. To be honest, I don't know what I was going to do after I saw her and knew that she's finally back. Nang nagtama ang paningin namin, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gustong gusto ko siyang kumustahin. Gustong gusto ko siyang lapitan. Gustong gusto ko siyang yakapin that time. Pero I can't, kasi mas nangibabaw 'yong galit. Iniwan niya ako na wala man lang paalam. So, anong i-expect niyang reaction ko matapos niyang bumalik? Magiging okay pa rin kami? That I'm still her friend? As if nothing had happened?
Hindi ko alam kung may alam ba rito ang mga pinsan niya. I don't know kung ako lang ba ang walang alam sa aming lahat.
Oo nga pala, nakalimutan kong basahin mga text messages nila kanina matapos kong umalis sa bahay nila. Dahil sa pagkainis, 'di ko na hinawakan pa ang phone ko nang makauwi ako. Tumayo ako at bumalik sa loob. Kinuha ko ang cellphone kong nakalapag na sa kama ngayon.
21 unread messages pero ang tanging binuksan ko lang ay ang mga messages na galing sa Fajardo's cousins.
From: Jann
"Bro, okay ka lang ba? Alam kong walang pinapagawa sa 'yo ngayon. Free ka ngayong araw, right? But it's okay. I understand."He's right. Wala namang pinapagawa sa 'kin si Dad, eh. Nagsinungaling ako ng wala sa oras para lang makaiwas kay Niah. Binuksan ko ang isa pang message na galin naman kay Sean.
From: Sean
"I know it's really hard for you to see her again pero Haze, umaasa pa rin kaming bumalik kayo sa dati."Sa tingin nila, ganoon lang kadali? That I will accept her after she left me without saying goodbye? Oo, matagal na 'yon pero nandito pa rin 'yong sakit. Halos mabaliw na ako kakaisip kung anong rason ng pag-alis niya noon. Kung sa kanila, madali lang tanggapin si Niah ulit p'wes sa 'kin, hindi.
From: Keiffer
"Just call me if you need someone na makikinig sa 'yo. Ano, tara bar?"Sa kanilang magpipinsan, si Jann ang pinakaclose ko pero dahil nga masiyadong isip-bata si Jann, itong si Keiffer ang napagsasabihan ko ng mga problema. Ganoon rin siya sa 'kin. Sa akin 'yan nagra-rants. Magkakayayaan kaming uminom sa isang bar at 'di namin namamalayan, nakasunod na rin pala sa amin ang dalawang kumag na sila Jann at Sean kaya ang bagsak, apat kaming malalasing sa bar. Makakauwi lang kami kapag sinundo na kami nila Akisha at Megan.
From: Akisha
"Haze? Are you okay? I'm sorry kung nabigla ka. Kami rin naman, eh. We didn't expect sa kung anong nangyari kanina but we're happy that finally, she's back! Wala kaming alam na babalik na siya. Just like you, I was surprised too. Pero sana walang magbago sa friendship natin kahit bumalik na si Niah."