Xianniah Astrid Fajardo
"Pinagluto mo ulit ako?" tanong ko nang iniabot niya sa 'kin ang paper bag..
Sinilip ko 'yon at tama nga ako, lunchbox ulit ang nasa loob nito.
"Yeah," tipid niyang sagot sabay ngiti sa 'kin. "I'm willing to wake up early just to cook foods for you," he added.
"Hindi mo naman sinabing Chef ka na rin ngayon, Attorney," pang-bibiro ko.
"I'm an Attorney in a way that I'm willing to fight for you and of course, I can also be your Chef that will cook any foods that you want. But unfortunately, it's not free. You will pay."
"Still a business, huh? How much is it?"
"It's priceless. Its your love." Ngumiti siya dahilan para makita ko ang dalawang malalalim niyang dimples. 'Di ko na din napigilan ang ngumiti pabalik dahil aaminin ko, kinilig ako.
"You're blushing, Niah." Sita niya kaya agad akong napatakip ng pisngi at tinalikuran siya.
"No, I'm not!" Pagtanggi ko kahit na alam kong nag-iinit nga ang dalawang pisngi ko.
Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. "You're so cute. I'm being marupok again."
Ano ba, Steven! Paano ko mapapakalma ang pisngi ko kung 'di mo titigilan ang pagpapakilig sa 'kin?!
"Sige na, bababa na ako," saad ko na hindi pa rin lumilingon sa kaniya.
"Look at me first," he said.
"Steven..." Nahihiyang sambit ko.
Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa labas ng sasakyan. Wala akong balak lingunin siya dahil nahihiya talaga ako. Hanggang ngayon kasi, ramdam kong namumula pa rin ang dalawang pisngi ko.
Pero maya-maya pa'y naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at dahan-dahang iniharap ako nito sa kaniya. The smile was plastered on his face.
"Be comfortable when you are with me, okay? Ako lang 'to..." He paused. "A man that will love you unconditionally."
Pagkasambit niyang 'yon ay unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa 'kin. Nanatili lang naman ako sa pwesto ko habang hawak niya pa rin ang magkabilaang balikat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin kaya napapikit nalang ako. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"You can open now your eyes, Niah."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakakahiya! Ba't ba kasi may papikit pa ako? Akala mo naman hahalikan sa labi, eh. Ano na lang kaya sasabihin niya? Niah naman... Nakakahiya talaga!
"Forehead kiss is a sign of my respect towards you and I wouldn't do anything to hurt you. My respect for you is more than you can imagine." Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko. He's such a real man, indeed.
Nagpaalam at nagpasalamat na ako sa kaniya bago lumabas sa sasakyan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago tuluyang pumasok sa loob. Gaya ng dati, nagbihis muna ako ng uniform sa restroom at nag-ayos ng sarili. Nagmonitor at nagdala ako ng gamot para sa pasiyenteng naroon.
"How about the room #51?" Tanong ko kay Jhyne, isa ring nurse.
Katatapos ko lang i-check ang pasiyenteng nasa room #103 at susunod kong i-momonitor ay ang room #52 at dahil doon, naalala ko si Loraine na katabing room lang nito.
"I don't know pero sa pagkakaalam ko, may nagdala na ng gamot at nagmonitor na sa kaniya. But if you want to see her, you can check her," ngumiti lang ito sa 'kin tsaka ipinagpatuloy ang paglagay niya ng gamot sa tray na hawak ko.