Xianniah Astrid Fajardo
"Tawagan mo nalang ang Kuya Xiander mo 'pag uuwi ka na. Siya na magsu-sundo sa 'yo mamaya." Bilin sa 'kin ni Dad na agad kong tinanguan.
"Tito, Tita, Kuya Xiander, thank you po sa paghatid!" Sa 'kin naman ngayon bumaling si Akisha. "Let's go na Niah dahil I'm super excited na talaga." Ganadong ganado siya sa paglabas mula sa sasakyan. Kulang na lang ay kaladkarin niya ako.
Bago ako tuluyang makalabas ng kotse ay nagtanong si Mama. "Ready ka na ba talagang makita siya? At sa kung anong magiging reaksyon niya, Niah?"
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Opo. Alam ko naman pong maiintindihan niya ako. He's such a good friend and I'm hoping that he'll forgive me."
Umaasa ako na sa kabila ng pag-iwan ko sa kaniya ay matatanggap pa rin ako nito, na babalik ang pagkakaibigan namin noon.
Nagpaalam na ako sa kanila at tuluyan na akong lumabas ng sasakyan. Hinila naman agad ako ni Akisha papunta sa gate. Agad niyang pinindot ang doorbell. Habang naghihintay kami ng taong magbubukas ng gate ay tinitigan ko muna ang kabuuan ng bahay. Walong taon na noong huling punta ko rito. Walang pinagbago, malaki at mas gumanda pa ito lalo.
"Ma'am Akisha, kayo po pala. Pasok po," wika ng isang babaeng medyo may katandaan na. Kung 'di ako nagkakamali ay isa siya sa mga kasam-bahay nila Jann. Pinagbuksan niya kami agad ng gate. Nagbusina na rin si Dad senyales na aalis na sila at dahilan naman para lumingon ako. Hinintay ko muna silang makaalis bago bumaling sa pinsan ko.
"Aki--" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang makita kong wala nang Akisha sa tabi ko.
"Ma'am, nasa loob na po si Ma'am Akisha," wika ni Manang.
Hindi naman talaga halatang excited siya. Hindi man lang ako hinintay para sabay na kaming pumasok. Diretso akong naglakad papunta sa nakabukas na double door. Tumigil na muna ako saglit sa gilid nito dahil wala pa akong balak pumasok. Bakit gan'to? Ready naman ako kanina pero bakit biglang gustong magback out ng mga paa ko? Pinapangunahan na ako ngayon ng kaba. Nasa loob silang lahat at maging si Haze. Maya-maya lang ay makikita ko na siya.
"Mga pinsan, I'm here na!" Rinig ko ang sigaw ni Akisha sa loob.
"Nandito na naman ang pinsan nating conyo." Pamilyar sa 'kin ang boses nito at ramdam kong si Jann 'yon.
"I have a good news. Omg talaga, I'm so excited!" Sinabayan pa ni Akisha ng pag-tili.
"Good news? Then, spill it now." Walang emos'yon na ani ng isang lalaki. Nakilala ko agad ito dahil sa malamig niyang boses. Si Sean, isa ko pang pinsan.
"May kasama ako at nasa labas lang siya ngayon."
Mas lalo akong kinabahan dahil wala na akong takas. Ilang minuto na lang ay malalaman na nilang nakauwi na ako.
"Don't tell me, boyfriend mo ang nasa labas?"
Sumilip ako sa sa nakaawang na pinto. Napahalakhak ang tatlo kong pinsan na lalaki. Nanatili ako sa pakikinig sa usapan nila.
"Ha? May boyfriend ka na?" tanong ni Sean.
"Ano ba naman kayo Keiffer at Sean, wala ngang nanliligaw diyan kay Akisha tapos magkakaroon pa ng boyfriend? Imposible!"
"Inaano ba kita, Jann? You're so epal talaga and for your information, I have a lot of suitors, 'no." Halata na sa tono ni Akisha ang pagkapikon.
Hindi na nagbago ang mga pinsan ko, gustong-gusto pa rin nilang asarin si Akisha. Itong si Akisha kasi ay mabilis lang mapikon at mainis kaya laging inaasar.