CHAPTER 25

3.6K 251 85
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

"Niah, wake up!"

Dahan-dahan akong napamulat ng aking mata kahit na antok na antok pa ako. Kinusot-kusot ko muna ito bago tiNgnan ang taong nang-gising sa 'kin, si Akisha.

"I know you're still tired, but you need to wake up na and take a bath. Steven is waiting you na outside!" Bakas sa boses nito ang excitement.

"Ha? B-Bakit raw?" I asked out of curiosity.

"Basta." Umalis siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Tumayo ito pero nanatiling nakatingin pa rin sa 'kin. "After mo maligo, eat your breakfast muna. Don't go outside hangga't 'di kita tinatawag, okay?"

Ako naman ay naguguluhan pa rin sa sinasabi niya. Magtatanong pa sana ako kaso tinalikuran na ako nito at agad sinara ang pinto.

Wala naman akong magawa kung 'di bumangon na. Umupo muna ako saglit sa single sofa na nasa tapat lang ng kama. Inalala ko ang nangyari kahapon at kagabi. Mula sa naligaw ako hanggang sa nahanap ako ni Haze at sa huli, nahanap kami ng mga pinsan ko.

Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Haze. "Shit! Ano bang ginawa mo, Niah?! Ang laking problema ng pinasok mo!" bulong ko sa sarili.

Napangalumbaba ako nang maisip ang mga taong apektado sa nangyari. Si Megan na girlfriend ni Haze na mismong pinsan ko pa, si Steven na walang ginawa kung 'di mahalin at alagaan ako, mga magulang namin at maging ang mga pinsan ko. Hindi dapat namin ginawa 'yon! Hindi dapat ako bumigay. Dapat pinigilan ko siya. Maling mali, eh! Sobrang mali ng ginawa namin. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Wala na.

Makalipas lang ang dalawang oras matapos nang may nangyari sa amin ni Haze ay ang siya namang pagdating nila Akisha. Hindi sila bumalik sa guesthouse. Hinanap pa rin nila kami kahit gabi na. Si Kaizer lang ang bumalik para ibalita kay Steven ang nangyari at agad silang nag-rent ng mas malaking bangka para makauwi rin kami sa gabing 'yon. Pag-aalala ang binungad sa 'kin ni Steven kagabi nang makita ako pero ako, konsensya at hiya ang nanaig sa 'kin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Ganoon rin ako kay Megan. Hindi ko siya kayang harapin at kausapin. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kaniya.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa 'king pisngi. Pinunasan ko 'yon gamit ang palad ko at akmang tatayo na pero napahinto ako dahil pumasok sa loob ng kwarto si Megan.

"Oh, gising ka na pala. So, kumusta naman ang tulog mo? Mahimbing ba?" She smirked. Lumapit siya sa 'kin at tiningnan ako mula paa pataas sa 'king mukha. Nang magtama ang aming mga mata, umiwas agad ako.

"A-Ayos naman, Megan," maikling sagot ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa sahig.

"Talaga? Buti nakatulog ka pa ng mahimbing after what you did."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" kabado kong tanong.

Napansin ko ang mga mata niyang namamaga. Umiyak ba siya?

Nginitian niya lang ako at tinalikuran. Humakbang siya papunta sa kama at naupo ro'n. "Nothing. I thought masakit ang paa mo kaya akala ko 'di ka makakatulog ng mahimbing dahil nga sa hindi ka nag-ingat at nadulas ka."

Nakahinga naman ako ng malalim. Akala ko kasi... Ewan ko ba, ang unang pumasok sa isip ko na tinutukoy niya ay ang nangyari sa amin ni Haze. Pero imposible naman 'yon dahil wala silang alam. Dalawang oras na ang nakalipas nang mahanap nila kami at nakasuot na kami ng damit no'n. Marahil ay dahil lang 'to sa sobrang takot na nararamdaman ko kaya't napra-praning na rin ako ngayon.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon