CHAPTER 7

2.9K 218 57
                                    

Ellaquim Haze Montemayor

"Haze, nasaan ka?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"School," tipid kong sagot.

"So, may klase ka?" Tanong niya ulit.

"Mayroon sana kaso 'di raw sisipot 'yong prof namin ngayon. So, papunta na ako kung saan nakapark ang kotse ko para magdiretso na sa hospital. Why?"

Kalalabas ko lang sa room at pababa na ako ngayon. Medyo marami na ring mga estudyante ang nagsisilabasan kaya hindi ko gaanong rinig ang sinasabi ni Jann na kausap ko sa phone.

"What? I'm sorry, 'di kita masiyadong rinig."

Binilisan ko na lang ang paglalakad at nagsimula nang bumaba sa hagdan. Nasa third floor pa naman ako at siksikan talaga sa hagdan.

"I said, diretso ka na lang muna rito sa resto nila Niah. Kompleto kami ngayon at nandito rin si Megan. Ikaw na lang ang kulang," ani nito.

Nakatambay ulit sila ngayon? Wala bang trabaho sina Sean at Keiffer? Nandoon din si Megan. Bakit hindi ko yata alam?

"Okay, I'll go there." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Jann sa kabliang linya dahil pinatayan ko na ito agad. Ibubulsa ko na sana 'yong phone ko nang mag-vibrate ito. I received a text message from Megan.

"Hello, love. Nandito ako sa resto nila Niah at kasama ko ang mga pinsan ko. Tambay lang ako saglit pagkatapos ay balik na rin ako sa office."

Hindi ko na siya nireplyan bagkus binilisan ko na lamang ang paglalakad upang makapunta na ro'n at maabutan ko pa si Megan.

Kinuha ko agad ang susi na nasa bulsa ko at agad sumakay sa kotse. I'm on my way papunta sa resto nila Niah. Kailangan ko ring mag-sorry sa kaniya on what I did to her yesterday. Hindi ko naman talaga 'to gagawin kung hindi inutos ni Dad, eh. Nalaman ko rin na si Akisha ang nagsabi kila Mom at Dad tungkol sa ginawa ko. That spoiled brat! Kahit kailan talaga, nilalaglag ako.

After 15 minutes of driving, I'm finally here in front of their resto. Nang tuluyan na akong makalabas mula sa kotse ay inayos ko muna ang damit ko. I'm just wearing a simple white shirt and black short and white sneakers.

Nagdiretso na ako sa loob at nakita ko sila sa may malapit sa counter.

"Haze!" Sigaw ni Jann.

Nagtinginan naman silang lahat sa 'kin sabay ngiti. Nginitian ko naman sila pabalik at naglakad na papunta sa kanila.

"Sabi ko naman sa 'yo kaninang umaga, 'wag ka na pumasok dahil ramdam kong 'di talaga sisipot 'yang prof niyo," saad ni Jann.

"Huwag mo nga igaya si Haze sa gawain mo. Palibhasa ang lakas ng loob mong umabsent, kupal ka!" Natatawang wika naman ni Keiffer.

Maging kami ay natawa rin sa pambabara ni Keiffer kay Jann. Wala talagang laban si Jann kapag si Keiffer na ang bumara sa kaniya.

"Alam niyo guys, napapansin ko lang ha. Ito lang naman ang napapansin ko, mukhang may galit sa'kin si Keiffer. Lagi ba naman akong binabara!" Huminto ito sabay tingin kay Keiffer na nasa tabi ni Sean. "'Yong totoo Keiffer, insecure ka ba sa 'kin kaya mo ako ginaganito? Hindi mo ba tanggap na mas lamang ako ng tatlong tabong paligo sa 'yo? Sorry pinsan ha, ganito na kasi talaga kagwapo ang mukha ko, eh." Tumayo pa ito at umastang gwapong-gwapo sa sarili.

Agad namang binato ni Keiffer kay Jann ang tissue na nasa lamesa. Buti na lang at nasalo 'yon ni Jann.

"Eto ka oh!" Tinutok ni Jann ang middle finger niya kay Keiffer.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon