CHAPTER 23

3.1K 202 97
                                    

Ellaquim Haze Montemayor

"Love..."

Nagising ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Kahit na inaantok pa ay mas pinili kong imulat na ang aking mga mata. Tumambad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Megan habang nakaupo sa gilid ng kama. Naupo ako agad nang makita siya. Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan na sila Jann? Magkahiwalay ang room ng boys sa girls kaya anong ginagawa niya rito? Dalawang kwarto lang ang mayroon sa guesthouse pero malawak ito kaya kumasya kaming anim. Sa lapag natulog sila Kaizer, Steven, Sean at Kaizer. Kaming dalawa naman ni Jann sa kama.

Wala nang ibang tao rito sa loob maliban sa aming dalawa. Marahil ay nasa labas na silang lahat.

"What are you doing here?" I asked.

"I just want to see my boyfriend and greet him a good morning. Is it bad?" Mas lumapit ito sa 'kin at marahang hinaplos ang dibdib ko.

Nakatopless ako at tanging boxer lang ang suot. Inalis ko ang kamay niya at tiningnan ito ng seryoso. "Megan, nag-usap na tayo, 'di ba? Wala na tayo. We already broke up. Please, stop acting like there is still 'us'-- that I'm still your boyfriend when in fact, I'm not yours anymore."

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya. Sorry, Megan. Mas masasaktan lang kita kung mananatili pa ako sa 'yo. Mas mahihirapan kang maka-move forward kung aasta kang may tayo pa.

Bago ako tuluyang makatayo, tumabi muna ako sa kaniya. "We need to inform your cousins. Kailangan din nilang malaman na... wala na tayo." And after saying those words, I stood up. Nagsimula na ako maglakad papunta sa banyo para makaligo na't makalabas. Kung 'di niya kayang sabihin sa mga pinsan niya, ako na mismo ang magsasabi. Expected ko nang magagalit sila sa 'kin pero umaasa pa rin ako na maiintindihan nila dahil 'yon lang ang paraan para 'di kami parehong masaktan ni Megan.

Tinalikuran ko na siya at nang malapit na ako sa banyo ay napahinto ako dahil niyakap niya ako mula sa likuran ko. Kinulong niya ako gamit ang dalawang kamay niya.

"Haze, hayaan mong ako na lamang ang magsasabi sa kanila. Sasabihin ko sa kanila pag-uwi natin, promise. Pero s-sana... pagbigyan mo ako sa huling request ko." Ramdam ko ang pagsandal ng ulo niya sa likod ko.

"What is it?"

"Let's pretend that there is still us. Please, just in 2 days. Dalawang araw lang, Haze. D-Dalawang araw lang... malaya ka na." Kahit 'di ko siya tingnan, alam kong umiiyak na ito dahil rinig ko ang paghikbi niya.

I sighed deeply. "Okay, pagbibigyan kita sa dalawang araw. Hindi rin kita papangunahan na sabihin sa mga pinsan mo. Hihintayin kong ikaw mismo ang magsabi sa kanila sa oras na makabalik na tayo sa Manila."

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. "Thank you, love."

Nasa ganoong posisyon kami nang biglang may pumasok. Napatingin ako sa kaniya. Naiilang siyang tignan kami kaya naman pinilit kong alisin ang kamay ni Megan pero mas lalo niya lang itong hinigpitan. Idagdag pa na nakatopless ako at boxer lang ang suot. Baka kung ano ang isipin niya.

"S-Sorry kung naistorbo ko kayo. Bukas k-kasi 'yung pinto." Hindi pa rin siya makadiretso ng tingin. "Uhm... ano kasi... pinapatawag na kayo sa labas para makapag-almusal na tayo," naiilang na wika ni Niah.

"No, it's okay." Kusang kumalas si Megan sa pagkakayakap sa 'kin pero nanatili pa rin ito sa tabi ko. "Sabay na ako sa 'yo Niah na lumabas. Haze will take a bath at sa labas ko na lamang siya hihintayin." Humarap siya sa 'kin at tumingkayad. Gaya ng dati niyang ginagawa, pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "Sa labas nalang kita hintayin, love." She smiled at me as she kissed my lips. Sa pangalawang pagkakataon, hinalikan niya ako sa harap ni Niah.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon