Akisha Heira Alviar
"Omg, we're here na talaga!" Ani ko sabay lingon kila Niah, Steven, Megan at Haze.
Pinaused ko muna ang video para sa vlog ko para gisingin na ang dalawang natutulog, si Niah at Megan. Ako rin ay nakatulog kanina. Nakakapagod din kaya dahil halos 8-9 hours din ang byahe. Akmang gigisingin ko na sana si Niah nang sinenyasan ako ni Steven na siya na lamang raw ang gigising. Okay, okay. I get it. Dahan-dahan niyang tinapik si Niah. Ang sweet nilang tignan dahil nakasandal si Niah sa balikat ni Steven. They look so cute together. Manok ko 'tong si Steven, but I can feel naman na mas matimbang pa rin si Haze para kay Niah. So yeah, super complicated ang situation nila.
"Niah, wake up. We are here already," kalmang paggising ni Steven kay Niah. Unti-unti namang minulat ni Niah ang mata niya tsaka inangat ang ulo at bumaling ang tingin sa labas ng bintana. Kasabay naman no'n ay ang pagkuha ni Steven sa jacket na nakapatong sa binti ni Niah at iniabot kay Haze.
"She don't need it anymore, but still, thank you," walang emosyon saad ni Steven. Nakita ko ang reaksyon ni Haze. Nagsalubong na naman ang dalawang makapal nitong kilay at tiningnan ng masama si Steven bago hinablot ang jacket niya.
Kaninang umaga ko pa ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa. Halata kay Haze ang pagka-inis kay Steven na hindi ko naman alam kung anong rason.
"Haze, gisingin mo na rin si Megan para makalabas na tayo," utos ko sa kaniya para kahit papaano, maalis ang tensyon sa kanilang dalawa ni Steven.
Gaya ng ginawa ni Steven kay Niah, dahan-dahan ring tinapik ni Haze si Megan sa balikat. Mahimbing itong natutulog habang nakasandal sa bintana. Hindi naman mahirap gisingin si Megan kaya agad rin nitong minulat ang mata niya at lumingon kay Haze. Lumapit si Megan kay Haze at agad niya itong niyakap.
"Love," ani ni Megan. Sanay na akong harap-harapang maglambing si Megan kay Haze. Ganiyan siya ka-expressive. Ang sakit nga sa mata, eh. Sana all may jowa, 'di ba?
Nagtaka ako nang biglang alisin ni Haze ang kamay ni Megan. Teka, magka-away ba sila? Or tampuhan? Well, normal lang naman sa couple ang tampuhan. Hindi ko na lang sila pinansin.
Binaling ko na lamang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Maraming mga foreigner akong nakita sa labas na mukhang kararating lang rin. Baka makikilala ko na rito ang future husband ko, omg! Inayos ko na muna ang buhok at damit ko tsaka binuksan na ang pinto para lumabas. Iniwan ko na muna ang phone ko dahil malapit na malowbat ito. Mamaya nalang ako mag-vlog 'pag nakasakay na kami sa bangka. Inaya ko na rin sila Niah na lumabas na at dito na lang sa labas hintayin sila Jann. Hanggang ngayon kasi wala pa sila. Nakasunod lang sila sa amin kanina, eh. Napakabagal kasing magpatakbo ng sasakyan.
Nang makalabas na kami, tanaw na tanaw na namin ang napakalawak na dagat at ilang isla na naroon. Halos magulo rin ang buhok namin dahil sa lakas ng hangin. Napaka-presko naman rito. Alas tres na rin kasi ng hapon kaya malamig ang simoy ng hangin.
"Why so tagal nila Jann? Baka magabihan tayo. It's so creepy pa naman mamangka kapag medyo madilim na," reklamo ko at tinignan ang wristwatch ko. It's already 3:24 PM. Napakatagal nila! Tsaka ang sabi sa 'kin ni Keiffer, sasalubungin daw kami ng kaibigan niya rito at exactly 3:30 pero paano niya kami sasalubungin kung wala pa si Keiffer, 'di ba? Eh, hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya. Ang sabi lang niya sa 'kin, matutuwa raw ako kapag makita ko siya. Parang ewan din si Keiffer, eh!
Akmang babalik ako sa loob ng van para kunin ang phone ko to call Jann nang napahinto ako dahil nahagip ng paningin ko ang isang lalaki sa 'di kalayuan. He's wearing a color black polo and also a black short. Nakatagilid ito pero 'di 'yon rason para 'di ko siya makilala. Kahit na matagal na noong huling kita ko sa kaniya, alam kong siya 'yon. Si Kaizer! Ang first love ko. Ang super duper ultra mega crush ko no'ng college days. Ang Mr. Engineer ng buhay ko!