CHAPTER 5

3.1K 216 41
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Nakalimutan ko nga palang ayusin ang kurtina ng sliding door sa terrace bago matulog. Naalimpungatan ako kaninang madaling araw at nagtungo ro'n para magpahangin nang makita kong nakabukas ang ilaw sa silid ni Haze na katapat lang ng kwarto ko.

Nag-message ako sa kaniya kanina dahil alam kong gising pa ito. Hiningi ko ang number ni Haze kay Akisha noong nasa bahay pa kami nila Jann na agad naman niyang binigay. Pero ilang minuto lang ang lumipas matapos kong i-message siya, pinatay na nito ang ilaw. Hindi ko alam kung nagkataon lang na patulog na siya that time o dahil patuloy pa rin ako nitong iniiwasan.

I took a deep breath. I know it will be hard, but I'll do everything I can just for him to accept me again.

Agad na akong tumayo at nagtungo sa banyo para makaligo na. Ininvite ako ng Mommy ni Haze para doon mag-breakfast dahil may sasabihin daw sa 'kin si Tito Leo, ang Daddy ni Haze. Nagbihis na ako at inayos ang sarili bago tuluyang bumaba. Nadatnan kong naghahanda ng pang-agahan si Mama sa kusina.

"Niah, ba't ang aga mo naman yatang nagising?"

"Ma, Tita Irish invited me for breakfast, " sagot ko.

"Ah, oo nga pala. Sinabi rin pala niya sa 'kin kagabi noong nagkwentuhan kami. Your Tito Leo wants to talk to you."

Nak'wento sa 'kin ni Mama na nagkita raw sila nina Tita Irish at Tito Leo kagabi sa labas ng bahay. So, Dad invited them for dinner. Sayang lang at hindi ko sila naabutan kagabi dahil 10 PM na akong nakauwi.

Tinanong nila Mom kung anong reaction ng mga pinsan ko at ni Haze nang makita ako. Sinabi kong masaya ang mga pinsan ko nang makita ako at totoo naman 'yon pero 'yung sa reaksiyon ni Haze, I lied. I didn't tell them how Haze treated me. Ayokong mag-alala sila sa kung anong mararamdaman ko.

"Sige na, Niah. Sasabihin ko na lang sa Dad at Kuya mo na nakaalis ka na."

Lumapit ako kay Mama at hinagkan siya tsaka tuluyang lumabas ng bahay. Ilang hakbang lang ay nasa harap na ako ng bahay nila. Tumayo muna ako ro'n saglit bago pinindot ang doorbell. Parang kailan lang noong labas pasok ako sa malaki nilang bahay na 'to. Feeling ko nga noon pangalawang bahay ko na 'to, eh.

Habang inaalala ko ang nakaraan, 'di ko namalayang pinagbuksan na pala ako ng gate ng isang matandang babae. Puti na ang buhok nito pero halatang malakas pa rin.

"N-Niah? Iha?" Gulat niyang tanong nang matitigan niya ako sa mukha.

"Nanay L-Lourdes?" Namukhaan ko ito agad.

"Ikaw nga, Niah! Naku, napakalaki mo na at kita mo naman, ang ganda-ganda mo pa ring bata ka." Awtomatikong napangiti ako.

Si Nanay Lourdes ang taga-alaga ni Haze noong bata pa ito at 'di ko inexpect na nandito pa rin pala siya hanggang ngayon. Napakabait ni Nanay Lourdes kaya nga pangalawang ina na rin ang turing ni Haze sa kaniya.

"Si 'Nay Lourdes talaga oh, napakabolera kahit kailan."

"Ikaw naman napakahumble pa rin eh totoo namang ang ganda-ganda mong bata. Oh siya, pumasok ka na dahil kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Irish mo."

Iginaya na ako ni Nanay Lourdes sa loob ng bahay. Eight years na rin ang lumipas noong huling pasok ko rito. Maraming pagbabago sa bahay nila. Halatang narenovate ito na dahilan para lalong gumanda pa. Pagkapasok, malawak na living room nila ang bumungad sa amin. Sinamahan ako ni 'Nay Lourdes patungo sa kusina. Nadatnan ko ro'n si Tita Irish na abala sa paghahanda ng breakfast. Kasalukuyang inaayos ni Tita Irish ang mga plato sa hapag-kainan.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon