CHAPTER 11

3.2K 220 85
                                    

Xianniah Astrid Fajardo's POV

May tatlong araw na din simula noong nagkausap kami ni Haze dito sa bahay mismo. Tatlong araw ko na din siyang hindi nakikita. Busy rin kasi ang mga pinsan ko kaya't hindi sila nagagawi dito. Si Sean ay busy sa isang kaso na sinosolve nila. Si Keiffer naman ay busy rin dahil may new project raw. Si Megan naman, laging busy naman 'yon sa business nila dahil siya lang ang katulong ng Dad n'ya sa pagpapatakbo nito. Si Akisha naman ay nalalapit na ang prelims nila kung kaya't busy rin ito sa pagrereview. Si Jann naman, imbes pagre-review ang inaatupag ay panay pambabae ang inaasikaso. Nakita ko sa latest post at day niya sa instagram and guess what kung anong pinagkakaabalahan niya? Date with different girls. I don't know kung paano niya napagsasabay silang lahat.



Same University ang pinapasukan nila Akisha, Jann at Haze so for sure, tutok rin si Haze sa pagre-review ngayon. Iyon din siguro ang dahilan kung kaya't 'di ko siya makita sa hospital. Yes, I'm currently working sa hospital na pinapasukan din ng Dad niya at kung saan nagpapart-time job rin si Haze. Mabilis naman akong nahired dahil nirecommend ako ng Dad ni Haze. Hindi ko nga alam kung tama ba ang naging desisyon ko na doon magwork dahil hindi maiiwasang makita ko roon si Haze. Mas mahihirapan akong umiwas sa kaniya pero pipilitin ko dahil 'yon ang nararapat.



Pero kamusta na kaya si Haze? Okay lang kaya siya? Kumakain pa rin kaya 'yon on time kahit na panay review niya? Sana naman may sapat na tulog pa rin ito. Sana naman ay inaalagaan niya ang sarili niya.



Mukhang seryoso talaga siya sa huling pag-uusap namin. Hindi ko talaga expected na 'yon ang nais niyang sabihin sa 'kin. Iiwasan niya ako para hindi mas lalong lumalim ang feelings niya towards me at maprotektahan din sa kung anong p'wedeng maramdaman ni Megan. Ganoon kaimportante si Megan sa buhay niya. Alam kong mali pero hindi ko maipagkakaila na nakakaramdam ako ng inggit sa pinsan kong si Megan dahil siya ang nakakasama ni Haze. Siya ang gustong protektahan. Siya ang pinili ni Haze. Siya ang babaeng mahal ni Haze.



Pero kailangan kong tanggapin at i-respeto ang desisyon ni Haze kahit na ikakasakit ko.



Tumayo na ako sa pagkakahiga at nagdiretso na sa banyo upang makaligo na. Matapos maligo ay nagpalit na ako ng damit at tuluyan nang bumaba. Alas siyete palang ng umaga at mamayang alas otso naman ang duty ko. Sila Mom, Dad at Kuya Xiander ay pumunta na sa resto kaya ito ako ngayon, mag-isang kumakain ng pang-agahan. Matapos kumain ay agad ko namang inayos ang bag ko para makaalis na. Pagkalabas ko ng bahay ay sakto namang kalalabas lang din ni Haze ng gate nila. Nasa labas ang kotse ng Dad niya at mukhang ihahatid siya ni Tito. Nagkatinginan kami pero agad din itong umiwas at ibinaling ang tingin sa kotseng nasa harapan niya. Kinuha ko nalang ang phone ko sa loob ng bag ko at tinignan kung may message na galing kay Akisha.



"Niah," napatingin ako sa taong sumigaw ng pangalan ko. "Wala ka bang hatid? Gusto mo bang sumabay nalang sa amin dahil papasok na rin ako sa hospital pagkatapos kong ihatid si Haze," dagdag pa ni Tito Leo.



"Naku, hindi na po, Tito. I already messaged Akisha and on the way na po siya. Sa kaniya nalang po ako makikisabay," pagtanggi ko.



"Are you sure?"



I nodded, "yes, Tito. By the way, thank you po."



Tumingin muli sa 'kin si Haze na wala man lang kareak-reaksyon ang mukha bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Pinaandar na ni Tito ang makina at tuluyan na nga silang umalis. Ilang minuto lang naman ay ang siya namang pagdating ni Akisha. Huminto ang pulang kotse sa tapat ko sabay bukas ng bintana sa driver's seat at tumambad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Akisha.



Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon