CHAPTER 21

3.3K 185 123
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

"Jann, dalian mo r'yan! Sabi kasing mag-impake na kagabi, eh. Inuna pa ang panglalandi. Napakamaharot mong kupal ka! 'Pag ikaw hindi pa tapos ng 30 minutes diyan, umuwi ka na at dalhin mo ang kotse mo dahil hindi ka namin isasabay. Bahala kang mag-byahe mag-isa mo!" Rinig ko ang sigaw ni Akisha sa labas ng kwarto ko. Naaasar siya dahil hindi pa nakakapag-ayos ng gamit si Jann. Dito sa bahay natulog ang mga pinsan ko para raw sigurado na walang mala-late at sabay-sabay kaming aalis. Sa isang guestroom natulog sila Jann at Keiffer. Si Sean naman ay mag-isa lang sa isa pang guestroom samantalang si Akisha ay sa kwarto ko natulog. Si Megan ay maaga nalang raw pupunta rito sa bahay dahil may pinaasikaso pa ang Dad niya sa kaniya kagabi.

Bukas na ang birthday ni Akisha and every birthday niya, nag o-out of town sila kasama na rin si Haze. This year, we decided na sa hundred islands kami pupunta. Ito ang unang beses na makakasama ako sa out of town nila at sa birthday ni Akisha after 8 years. On leave ako sa work ko at ganoon rin sila Sean at Keiffer. Sila Jann, Haze at Akisha naman ay nagpaalam sa mga professor nila na 'di makakapasok at mag-modular nalang sila para makahabol sa lesson. Si Megan ay nagpaalam sa Dad niya at pinayagan rin naman ito.

Una nang bumaba si Akisha dala-dala ang maleta niya na puno ng gamit niya. Ako naman ay nanatili pa rin rito sa kwarto ko habang nilalagay ang ilang gamit sa dadalhin kong hindi kalakihan na maleta. Hindi naman ganoon karami ang dadalhin kong damit. 3 days lang naman kami roon, eh. Nang maayos ko na ay tsaka na ako lumabas. Pagkasara ko ng pinto, sakto namang kalalabas rin ni Jann sa kabilang kwarto. Halata sa hitsura niya na 'di pa ito nakakapag-ayos. Medyo gulo pa ang buhok niya na mukhang 'di pa nagsusuklay, ang isang manggas ng t-shirt niya ay nakatupi, ang sintas ng sapatos niya hindi maayos ang pagkakalagay at hawak niya pa sa kaniyang kamay ang relo niya at ang suklay.

"Oh, anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya na pinipilit pigilan ang pagtawa ko nang makita siyang ganoon.

"Nakakainis kasi si Akisha! Ayoko namang maiwanan at mag-byahe mag-isa, 'no. Nakakaasar lang kasi 5 minutes lang ako naligo at ito pa ha, 'di ko alam kung ilang underwear nakuha ko. Baka nga dadalawa lang eh," naiinis niyang saaad.

Ako naman ay 'di na napigilan ang paghagalpak sa tawa. Kahit kailan talaga, Jann! May mga damit ang mga pinsan ko rito sa bahay na dinala na nila noong isang araw pa. Ang tanging gagawin nalang talaga ay ilalagay nalang sa bag o maleta at aayusin pero 'tong si Jann, inuna pa ang paglalandi kagabi.

"Tinatawanan mo ako, Niah! Hmp." Inirapan niya ako at kunyaring nagtatampo.

"Tama naman kasi si Akisha, eh. Ba't kasi inuna mo pa ang paglalandi?" Diretso kong tanong.

"You know, it's bebe time." Diniinan niya ang pagbanggit sa salitang bebe time.

I shrugged my shoulders and laughed again. Hindi na ako umimik dahil for sure na pamimilosopo lang ang isasagot sa 'kin nito. Sinara naman na ni Jann ang pinto ng kwarto at sinundan na rin ako sa pagbaba nang biglang nakasalubong namin si Sean. Galing siya sa baba at katataas lang rito. Agad siyang lumapit sa 'kin.

"Niah, tulungan na kita. Ako na ang magbaba rito," kinuha niya sa 'kin ang hawak kong maleta.

"No, it's okay. Kaya ko naman, eh." Sinubukan kong bawiin ang maletang hawak na niya ngayon pero 'di siya pumayag na ibigay sa 'kin pabalik.

"Baka mapagod ka pa," an'ya.

Hindi na ako pumalag. Nginitian ko na lamang siya at nagpasalamat, "thank you."

"How about me, Sean? Hindi mo ba ako tutulungan sa bag ko?" Singit ni Jann na nasa likod ko.

"You can handle that," tipid na sagot ni Sean.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon