CHAPTER 27

3.6K 248 144
                                    

Ellaquim Haze Montemayor

Days and weeks had passed, but until now, hindi ko pa rin nakakausap si Niah. Ayaw pa rin akong makita ng parents niya. Ayaw pa rin nila akong ipaharap sa Anak nila. Bawal ko pa rin siyang puntahan sa kanila. Araw-araw pumupunta ako sa bahay nila para humingi ng tawad kila Tito at Tita maging kay Kuya Xiander pero sayang lang ang pagpunta ko dahil hindi nila ako hinaharap. Ayaw nila akong kausapin. Araw-araw, bago ako pumasok, dinadaanan ko si Niah sa bahay nila nagbabakasaling harapin niya ako pero wala pa rin. Gustong-gusto ko na siya makita. Gustong-gusto ko na siyang makausap. Gustong-gusto ko na siyang makamusta.

"Iho, bumaba ka na diyan nang makapag-almusal ka na." Narinig kong wika ni Manang Lourdes matapos niyang katukin ang pinto ng kwarto ko.

"Sige po, Manang. Bababa na ho ako," sagot ko.

Dali-dali kong inayos ang laman ng bag ko. Nakaligo na ako't nakabihis. Balak ko na rin naman bumaba no'ng kumatok si Manang Lourdes. Humarap lang ako saglit sa salamin para tingnan ang aking sarili. Napansin kong maputla na ang labi ko, hindi gaya dati. Maging ang mga mata ko ay lumulubog na rin. Kinuha ko ang foundation at konting powder para takpan ang nangingitim sa gilid ng mata ko. May liptint na rin akong binili para lagyan ang labi ko. Hindi ko 'to ginagawa dati pero ngayon, kailangan ko nang gawin. Ayokong may makapansin sa pagbabago ng hitsura ko. Tumindig ako ng maayos sa harap ng salamin. Hindi maipagkakailang nangayayat talaga ako. Maging ang kutis kong maputi noon ay yellowish na ngayon. Bumuntong hininga muna ako bago ako tumalikod sa salamin at kinuha sa cabinet ang nakapatong kong phone. As expected, naka-receive na naman ako ng message galing sa kaniya.

"Mr. Montemayor, wala ka na ba talagang balak sumipot sa schedule mo? I already warned you. Magiging komplikado ang condition mo kung patuloy kang 'di sisipot. Nasa office ako maghapon. It's up to you kung dadaan ka o hindi. Kung hindi, I will call your Dad and tell him everything."

Kinabahan ako bigla nang mabasa ang message niya. No, hindi p'wedeng malaman ni Dad. 'Di p'wedeng malaman ng kahit sinong malapit sa 'kin. Gusto ko namang sumipot kaso 'di umaayon ang sitwasyon ko ngayon. Sa mga nangyayari ngayon, mas gugustuhin ko na lamang na gugulin ang oras ko sa pagpunta sa bahay nila Niah at humingi ng tawad kaysa sumipot sa kaniya para sa ikakabuti ng kondisyon ko. Pero this time, no choice ako kung 'di puntahan siya mamaya.

Bumaba na ako at nadatnan ko sa kusina sila Mom at Dad. Nakaupo na si Dad habang si Mommy ay kasalukuyang nilalapag ang niluto niya sa lamesa.

"Oh Haze, Anak... Halika na, sabayan mo na kami ng Dad mo," ani ni Mom nang mapansin akong nakatayo malapit sa pintuan.

Naglakad ako papunta sa kanila na may ngiti sa labi. Namiss ko 'to. Ilang linggo na rin na hindi kami sabay kumain dahil mas nauuna akong umalis ng bahay para puntahan si Niah sa kanila at maghintay sa harap ng gate nila para lang makausap siya. Awang-awa na nga sila Dad sa 'kin pero hindi nila ako kayang pigilan.

"You look pale, Haze. Are you okay?" Napahinto ako sa pagkain nang magtanong si Dad. Ito na nga ang sinasabi ko, kahit anong tago ko ay mapapansin pa rin nila.

"Y-Yes, Dad. Maybe because of stress, but don't worry, I'm fine." I lied.

"Anak, alagaan mo naman ang sarili mo. Hayaan mo muna si Niah. Mainit pa ang ulo ng Tito Jerick mo ngayon. Hintayin mo na lang na humupa ang galit niya sa 'yo."

Napalingon ako kay Mom tsaka napayuko.

Paano kung hindi ko na mahintay ang araw na 'yon? Paano kung huli na bago pa nila ako mapatawad? Paano kung kailan okay na ang lahat, okay na lahat sa amin ni Niah ay tsaka naman ako sumuko? Paano kung payag na ang lahat ng taong nakapaligid sa amin pero... ang pagkakataon naman ang hahadlang? Paano kung maaari na kaming magsama pero oras naman ang makakalaban namin?

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon