CHAPTER 6

2.9K 214 43
                                    

Ellaquim Haze Montemayor

Tiningnan ko ang naging reaksyon niya. Shocked was written on her face when she saw all the foods that I ordered. Ano bang akala niya? Kakainin ko lahat ng pagkaing nasa harap namin ngayon?

Nang mailapag na ng waiter lahat ng pagkaing inorder ko ay balak ko na gawin ang plano ko.

"Wait, magba-banyo lang muna ako. Dito ka lang, ha?" Paalam ko sa kaniya na agad naman niyang tinanguan.

Wala siyang kamalay-malay sa gagawin ko.

"Enjoy," nakangisi ko pang pahabol sa kaniya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Dali-dali akong tumayo at kunyaring magtutungo sa banyo pero ang sadya ko talaga ay ang kausapin ang waiter na kausap ko kanina. Hindi naman na ako nahirapan maghanap dahil nakasalubong ko ito.

"Nasaan 'yung bill?" I asked him.

"Ito po." Iniabot niya sa 'kin ang maliit na papel kung saan nakalagay ang total amount ng pagkaing inorder ko. "Pero bakit, Sir? Aalis na po kayo agad?" He added.

"Kuya, 'yong babaeng kasama ko ang magbabayad ng bill namin. Pakisabi na lang na umalis na ako."

Binigay ko pabalik ang bill sa kaniya.

"Sige po, Sir. Kay Ma'am ko nalang po ibibigay."

Nilingon ko si Niah at sakto namang nakatingin ito sa labas kaya agad na rin akong lumabas ng resto. Nagdiretso ako kung saan nakapark ang kotse ko. Pumasok na ako at mula rito sa loob ng kotse, tanaw ko siya. Nakatingin pa rin ito sa labas habang hinihintay ako.

Natitigan ko siya kanina at masasabi kong hanggang ngayon, napakaganda pa rin niya. Napakaamo ng kaniyang mukha na animo'y isang anghel na bumaba sa lupa. Pero hindi pa rin ako madadala sa ganda niya. Hindi pa rin naalis ang galit ko sa kaniya kahit na bumalik na ito.

Tinignan niya ang kaniyang relo at lumingon sa direksiyong pinuntahan ko kanina. Siguro ay nagtataka na siya ngayon kung bakit ang tagal ko sa banyo.

Sige lang, ikaw naman ang maghintay ngayon. Ikaw naman ang maghintay sa taong umalis na pala habang ikaw ay walang kaalam-alam. Ganiyan na ganiyan ako dati, Niah. Nagising na lang ako isang araw na umalis ka na pala. Mukha akong tangang naghihintay sa isang taong walang kasiguraduhan kung babalik pa ba. Pilit na inaalam kung anong rason kung bakit ka umalis pero ni isa, wala man lang nagbalak na magsabi sa 'kin.

Inalis ko na ang paningin ko sa kaniya at tinuon sa manibelang nasa harap ko. Pinaharurot ko na ang kotse at tuluyang umalis sa resto na 'yon. Kahit sa ganitong paraan, mabawian man lang kita.

Papunta na ako ngayon sa University na pinapasukan ko. Mamayang 1:00 PM pa naman ang first subject ko kaya may 3 hours pa ako para tumambay kasama si Jann. He texted me na vacant niya raw ngayon at kasalukuyang nakatambay ngayon sa green home na malapit sa building naming medical student. Sinabi kong hintayin niya ako ro'n.

Ilang saglit pa'y nakarating na ako sa University. I parked my car in front of B-11 which is the building for engineering students. Kinuha ko ang bag ko na nasa passenger's seat at nakita ko rin ang bag ni Niah. Naalala ko ang sinabi niya kanina bago kami pumasok sa resto. Naiwan niya raw ang bag niya kaya agad akong nakaisip ng plano na iwanan siya at bahalang mamroblema kung paano nito mababayaran ang mga inorder ko.

Malamang ay naghuhugas na siya ng mga plato ngayon. Ganoon naman ang ginagawa sa mga customer na hindi nagbabayad. Nakaramdam ako ng konting konsensiya. Paano siya makakauwi kung nandito rin sa loob ng bag niya ang phone niya? Hindi pa pala niya alam ang pasikot-sikot at baka mawala pa 'yon-- teka nga, why do I care about her? She deserves that.

Lumabas na ako mula sa kotse na 'di iniisip si Niah at nagsimulang maglakad papunta sa green home kung saan nakatambay si Jann. Habang naglalakad ay rinig ko na naman ang mga bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sa daan.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon