Xianniah Astrid Fajardo
"Niah, wake up!" Nagising ako dahil sa walang tigil na pagyugyog sa kanang balikat ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang mukha ni Akisha ang agad na tumambad sa 'kin.
"A-Akisha?" Agad siyang umupo sa kama ko at humarap sa 'kin kaya naman napaupo na rin ako mula sa pagkakahiga. Kinusot ko ang mga mata ko upang makita siyang maiigi.
Anong ganap? Tiningnan ko ang orasan na nasa cabinet na tabi lang ng kama ko. 6:17 AM pa lang naman. Ba't narito siya sa bahay nang sobrang aga?
"Tell me, anong nangyari kahapon?" Nakangiti at bakas sa mukha nito ang excitement. Mas lumapit pa siya sa 'kin at sabik na sabik na makinig.
"Kahapon?" Pang-uulit ko.
"Yes, yesterday, kahapon! Sabi mo, dumating si Steven kaya 'di ka nakasama sa amin sa pagtambay. So, totoo nga? Nakauwi na talaga si Steven?"
Nak'wento ko kay Akisha ang tungkol sa nangyari kahapon. Mula sa pagsabay sa 'kin ni Haze pauwi hanggang sa pagdating ni Steven. Sinabi ko rin kay Akisha na noong hagkan ko si Steven ay nakita ko ang reaksyon ni Haze na sobrang sama ng tingin sa 'kin pero hindi ko 'yon ininda. Matapos akong kumalas sa pagkakayakap ay inimbitahan ko si Steven sa loob ng bahay. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin sila Megan at Haze. Pagkapasok namin ng bahay ni Steven, saktong kauuwi lang din nila Mama at Dad, sobrang tuwa naming malaman na magbabakasyon si Steven rito sa Pilipinas ng isang buwan. Biniro pa ako nila Mama at Dad na ako raw ang magiging tour guide nito. Paano 'yon, 'di ba? Eh, parehas kaming hindi alam ang pasikot-sikot dito. Sabay kaming mawawala. May sariling bahay sila Steven dito at doon siya tumutuloy ngayon. Dahil sa pakikipag-kwentuhan kay Steven, hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa mag-chat si Akisha kung ba't wala pa raw ako sa bahay nila Haze. Humingi ako ng paumanhin na hindi na ako makakapunta dahil kailangan kong asikasuhin ang bisita ko.
"Ayon nga, nagk'wentuhan lang kami at inaya siya ni Mama na dito na mag-dinner," saad ko.
"Sana pala dito na lang ako tumambay kahapon nang nakilala ko naman sana si Steven," nakabusangot na dagdag nito.
"Hayaan mo, ipapakilala kita mamaya sa kaniya."
Nanlaki ang mata nito. "Mamaya? Don't tell me, pupunta siya rito?"
Tumango naman ako.
"Susunduin niya ako mamaya. Kaya diyan ka na muna dahil maliligo na ako. Kinausap mo akong 'di pa nakakapaghilamos. Hindi ka naman ganoon kachismosa, 'no?" Prangka kong tanong sa kaniya.
"Duh, I'm not a chismosa, Niah! I'm just asking lang naman kung anong nangyari kahapon," usal nito.
"Hindi ako naniniwala," pang-aasar ko pa lalo.
Napaawang ang labi nito sa narinig. Humagikhik lang ako at 'di na ito pinansin. Tumayo na ako tsaka kinuha ang towel ko sa closet at nagtungo na sa banyo para maligo. Pagkalabas ko mula sa banyo ay wala nang Akisha akong nadatnan sa loob ng kwarto marahil ay bumaba na ito. Agad naman akong nagbihis at nag-ayos. I chose to wear a denim skirt and white sleeveless top. Sinuot ko rin ang silver flat shoes ko na binili ko pa sa States. Naglagay lang ako ng light make-up tsaka inayos ang bag na dadalhin ko for work.
Bumaba na ako at 'di nga ako nagkamali dahil nasa hapag-kainan na si Akisha kasama sila Mama, Dad at Kuya Xiander.
"Let's eat," ani ni Mom.
Tumabi ako kay Kuya Xiander at tapat naman ni Kuya si Akisha.
"Mukhang mauubos na naman ang bacon," bulong ni Kuya na tama lang para marinig ko.
Tiningnan ko agad si Akisha na kasalukuyang tinitingnan si Kuya Xiander ng sobrang sama. Narinig niya rin kaya? Kung oo, mukhang may mag-aaway na naman.