Xianniah Astrid Fajardo
May kung anong ingay akong narinig dahilan kung kaya't nagising ako. Upang malaman kung saan ito nanggagaling ay dahan-dahan kong iminulat ang aking dalawang mata at tanging puting kulay lang ang tumambad sa 'kin.
Nasaan ako? Wala pa naman siguro ako sa langit, 'di ba? Hindi ko pa makikita si San Pedro, 'di ba? Hindi pa ako ready!
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Sa gilid ng aking kinahihigaan ay may isang cabinet kung saan nakapatong ang isang vase na puno ng puting rosas at basket na puno rin ng prutas. Katabi ng cabinet na 'yon ay ang isang mahabang tubo na sinundan ko ng tingin at nakita ko rito ang nakakabit na dextrose.
Pamilyar ang kinaroroonan ko ngayon. Mukhang nasa hospital na naman ako, ang pangalawang tahanan ko.
"Niah, gising ka na pala." Bakas sa kaniyang mata ang pag-aalala. "How are you feeling? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa'yo? Tell me, saan banda?" Sunod-sunod na tanong ni Mom.
I tried to smile -- a little one just to make her calm. "I-I'm okay, Mom. Don't worry, hindi pa po ako kukunin ni Lord ngayon."
Akala ko ay mapapakalma ko sila pero mas lalo pa itong nag-alala.
"Niah! Don't say that," wika ni Mom sabay hawak sa kamay ko. "Ano bang nangyari, Anak? Your Tito Leo called me that you are here at nawalan ka nga raw ng malay kaya agad kaming pumunta ng Kuya mo. Alam na rin ng Dad mo ang tungkol sa nangyari sa 'yo. Baka maya-maya ay nandito na rin siya."
Ang tanging naalala ko lang ay pagod na pagod ako matapos kong akyatin ang ikatlong palapag nitong hospital at agad ding bumaba dahil ang sabi ni Haze ay doon sa office na lang ng Dad niya ako maghintay. Si Haze ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay.
Nakita ko si Kuya Xiander sa likod ni Mommy. Lumapit ito sa kama ko.
"May kinalaman ba si Haze dito?" Seryosong tanong nito sa 'kin.
Kinabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong malaman nila na inakyat ko lang naman ang ikatlong palapag pero ayoko rin namang magsinungaling sa kanila.
"Wala, Kuya. Wala namang kasalanan si Haze. Sinabi niya lang sa 'kin na gusto raw akong makausap ni Tito Leo na nasa third floor kanina kaya sinunod ko lang 'yong binilin sa kaniya. Ang malas lang dahil under maintenance ang elevator kaya ang ginamit ko para makapunta kay Tito Leo. Dahil po siguro sa pagod kaya nawalan ako ng malay," pagpapaliwanag ko sa kanila.
"What? Under maintenance? Eh, nag-elavator kami ni Mama kanina," takang tanong ni Kuya.
"Hindi kaya ginantihan ka na naman ni Haze? Pinalagpas namin siya sa pang-iiwan niya sa 'yo sa resto tapos ito naman ngayon ang sumunod na ginawa niya. Hindi niya alam na p'wede mong ikapahamak 'yon lalo pa't hindi ka p'wedeng mapagod. Gusto mo bang kausapin na namin siya?"
Hindi sana malalaman nila 'yong tungkol sa pang-iiwan sa 'kin ni Haze sa resto noon kung hindi lang madaldal ang pinsan kong si Akisha.
"Ma, 'wag na po. Naiintindihan ko naman kung bakit ginagawa ni Haze ito, eh. Maybe he's really mad at me. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala rin siyang kaalam-alam sa kondisyon ko." Matamlay kong sagot sabay yuko.
"Then, tell him. Paano ka niya maiintindihan at mapapatawad kung hanggang ngayon ay 'di mo pa rin sinasabi sa kaniya? Para bumalik na rin kayo sa dati at matigil na 'tong ginagawa niya sa 'yo."
"Ayoko, Mom. Hindi gano'n kadali para sabihin sa kaniya. Ayokong kaawaan niya ako at isiping mahina ako. Mom, ayoko pang malaman niya."
Ayokong bumalik kami sa dati dahil lang sa naawa lang siya sa 'kin. Sa pinakaayoko sa lahat ang kaawaan ako. Ayokong manatili siya sa tabi ko dahil lang sa awa.