CHAPTER 30

2.6K 204 62
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

"Ilan ba ang nakalista r'yan?" Tanong ni Jann na nasa tabi ko. Kasalakuyan kaming nakaupo sa loob ng kwarto ni Haze. Alas-diyes na rin ng gabi at kami nila Akisha at Keiffer ang magbabantay. Uuwi rin mamaya sila Megan, Sean at Jann. Tulog na siya kaya agad kong tinawag ang mga pinsan ko para tulungan nila akong tuparin ang nasa bucket list nito.

"Siyam ang nakasulat," ani ko. Konti lang ang gustong gawin ni Haze at ang karamihan dito, may kinalaman sa 'kin.

"May I see?" Nguso ni Sean sa maliit na notebook na hawak ko.

Inabot ko ito agad sa kaniya. Nasa tabi na ni Sean si Jann na kanina lang ay nasa tabi ko. Lumapit na rin si Keiffer at Megan para makibasa. Si Akisha ay nanatiling nakaupo sa isa pang sofa. Gaya ko, nabasa na niya ito kanina kaya alam na niya ang nakalista ro'n.

"May tatlo na pa lang na-check. So, anim na lang ang tutuparin natin." Saad ni Keiffer na nakatingin pa rin sa notebook.

"Yes at balak ko sanang tuparin na bukas ang pang-apat."

"So, what's your plan?" tanong ni Akisha. Nagsibalik na rin sila sa kaniya-kaniya nilang upuan matapos ibalik sa 'kin ni Sean ang notebook.

Tumingin ako kay Jann. Siya ang kailangan ko para matupad ang ika-apat na nasa bucket list ni Haze. "Hindi ba't ikaw ang inutusan ni Tita Irish para kumuha ng iba pang gamit ni Haze?"

Tiningnan naman niya ako na nagtataka. "Yes. So, ano gagawin ko?"

"Hanapin mo kung saan nakalagay ang mga letters na 'yon. I'm sure sa cabinet niya lang ito nilagay."

Nakisuyo si Tito at Tita na kami muna ang bahala kay Haze dahil may trabaho lang raw silang tatapusin. Mag-file na rin naman daw sila ng leave sa trabaho nila bukas para mabantayan na si Haze. Si Jann ang pupunta para kunin ang iba pang damit ni Haze bago pumasok sa eskwelahan. Ah, nga pala, nag-drop out na si Haze. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa. Masakit na tanggapin na hihinto muna siya sa pag-abot ng kaniyang pangarap na maging isang cardiologist. Matutupad pa naman ito dahil umaasa akong gagaling pa siya.

Mga 10:00 PM, umuwi na ang mga pinsan ko. Kami naman ni Akisha ay balak nang matulog at si Keiffer na muna ang magbabantay sa tabi ni Haze. Uuwi rin kasi ako bukas ng maaga para ipag-luto si Haze ng agahan.

Alas-singko ng madaling araw akong nagising at naabutan ko si Keiffer na mulat pa. Nagpaalam ako sa kaniya na sabihin na lang kay Akisha na nakaalis na ako dahil ayokong gisingin pa ito. Nag-commute ako dahil wala akong dalang kotse. Apat na oras lang ang tulog ko at malaki ang epekto nito sa kondisyon ko pero kailangan kong tiisin para kay Haze. Naabutan ko si Mama sa kusina. Kinamusta niya ako at maging si Haze. Dumalaw si Mama kahapon at hinatiran ako ng mga damit pero 'di rin ito nagtagal. Dadalaw na lang daw sila ulit kapag walang masiyadong customers sa resto. Habang tinutulungan ako ni Mama na magluto, ang siya naman pagbaba ni Dad. Nadatnan niya kami sa kusina.

"Kumusta si Haze?" Hinila ni Dad ang isang upuan sa hapag-kainan.

"Masama pa rin ang lagay, Dad. Patuloy na kumakalat ang cancer cells sa utak nito."

Patapos na ako sa niluluto ko kaya hinanda ko na ang lunchbox na gagamitin.

"Niah, I'm sorry. Sorry kung naging matigas ako at 'di ko pinakinggan si Haze. Sorry kung umabot pa sa point na paglalayuin ko pa kayo. Sorry kung nahirapan si Haze dahil sa kagustuhan ko. Iniisip lang kita, Niah. Alam mo namang palala na rin nang palala ang sakit mo at kailangan na ng surgery as soon as possible."

Tinigil ko ang paglalagay ng pagkain at nilingon si Dad. "I know, Dad. Don't worry, nangako naman si Megan na tutulungan niya ako about sa surgery ko."

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon