Xianniah Astrid Fajardo
"Niah, ikaw na lang maghatid nito sa room #51." Napalingon ako sa isang nurse na kasalukuyang hawak ang tray na may lamang gamot.
"Wala pa si Haze?" I asked. Ang alam ko kasi siya na ang magche-check kay Loraine, eh.
"Wala pa raw siya, eh. Before lunch pa raw ang duty niya sabi ni Doc Leo," usal niya.
Tumango na lamang ako sa kaniya at lumapit sa kinaroroonan niya para kunin ang hawak niyang tray. Ako na ang maghahatid nito kay Loraine. Gusto ko rin kasing makita siya, kamustahin at makipag-k'wentuhan kahit saglit lang.
"Thanks, Niah."
Ngumiti ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad papunta sa room ni Loraine. Baka may pasok pa ngayon si Haze at mamaya pa ang uwi nito. Dibale, 'di man siya ang maghatid ng gamot ni Loraine, for sure bibisitahin rin lang naman niya ito mamaya.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko ang Mommy ni Loraine sa tabi niya at mukhang nag-uusap sila ng masinsinan.
"Good Morning po. Good Morning, Loraine." Bati ko para maagaw ko ang atensyon nila.
Lumingon naman silang dalawa sa 'kin at agad ko naman silang nginitian. Napansin ko na kagagaling lang sa pag-iyak ang Mommy ni Loraine dahil pinupunasan pa nito ang mata niya gamit ang panyong hawak niya. Hindi nito maitatago ang maga niyang mata.
Humakbang ako papunta sa kanila. "Okay lang po kayo, Tita?"
Sa malapitan ay nakita ko ang dalawang mata nitong namumugto marahil ay dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi siya umimik sa 'kin bagkus ay tumango lang ito at nginitian ako ng pilit.
"L-Labas lang a-ako," an'ya.
Hindi ko na lang sila kinulit pa dahil ayoko namang usisahin sila. Sana lang ay maging okay sila kung ano man ang dahilan ng pag-iyak nila.
Binaling ko ang atensyon ko kay Loraine na nakaupo sa kama niya habang nakangiti ito ng sobrang lawak. Nakakahawa ang ngiti niya kaya gumuhit na rin ang ngiti sa labi ko tsaka dahan-dahang nilapag ang medical tray sa paanan niya.
"Kumusta ka, Loraine?" Tanong ko habang inaayos ang gamot na ipapa-inom ko sa kaniya.
"O-Okay lang n-naman po ako, Ate b-bait," utal niyang sagot.
Napalingon ako sa kaniya. Napansin ko na namumutla siya at maging ang labi nito ay namumuti na din. Alam kong ganoon talaga kapag may sakit na leukemia pero kinabahan pa rin ako dahil ramdam kong hindi siya okay. Parang hindi ito ang batang nakilala kong malakas at bibo. Matamlay na Loraine ang kaharap ko ngayon."Are you sure? Tell me, saan banda ang masakit?" Paninigurado ko.
"I'm okay, Ate. I'm j-just tired.." She paused. "I'm tired, Ate. Pagod na pagod na po ako," dagdag niya pa na nagbigay ng kirot sa 'kin.
Naupo ako sa gilid ng kama niya at tinignan ito ng maigi. Lumulubog na ang mata niya at nangingitim na rin ang gilid nito. Bakas sa katawan niya na nanghihina na siya. Naaawa ako na makita siya sa ganoong sitwasyon pero 'di ko pinahalata. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti para palakasin ang loob niya.
"Then, take a rest and--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad.
"Can I rest forever?" Nangungusap ang dalawang mata niya na tila sinasabing pagod na pagod na nga siya at gusto na lang sumuko.
Nangilid ang luha sa mata ko matapos niyang banggitin 'yon. Ramdam kong napanghihinaan na siya ng loob.
"Loraine, I thought you're a strong kid? Hindi ba ang sabi mo, mananalo ka sa laban na 'to? Sakit lang 'yan, matapang ka!" Pagpapalakas ng loob ko sa kaniya.