Xianniah Astrid Fajardo
"Niah..."
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng van at lumingon sa taong bumanggit ng pangalan ko. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Ako ang una nilang hinatid. Matapos ang eksenang nangyari kanina, we decided na umuwi na. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako iniimikan ng mga pinsan ko. Oo, sobrang sakit pero titiisin ko dahil kasalanan ko.
Tatlong sasakyan ang ginamit namin pauwi. Kami nila Steven at Akisha ang sumakay sa van. Sila Jann, Sean, Keiffer at Megan sa isa pang kotse na dala namin. Samantalang si Haze ay kay Kaizer sumabay. Sinadya talaga nilang hindi kami pagsabaying tatlo dahil sa nangyari. Hanggang ngayon kasi, galit pa rin si Megan. Tanging si Akisha lang ang kinakausap nito.
He smiled. Ang ngiting binibigay niya sa tuwing nalulungkot ako.
"Be strong. Everything is going to be okay. It may not be today, but eventually, it will," ani ni Steven na katabi ko sa van.
Simula ng nangyari kaninang umaga, hindi siya umalis sa tabi ko. Hindi ako kinikibo ng mga pinsan ko at tanging siya lang ang nakakausap ko. Hindi ko alam kung bakit nasa tabi ko pa rin ito matapos ng lahat ng nangyari. I rejected him. About sa scandal namin ni Haze. Sinayang ko ang lahat ng efforts niya. Masakit 'yon lahat sa part niya. Sinaktan ko siya pero bakit nasa tabi ko pa rin siya? Bakit ang bait pa rin niya? Why he still cheering me up? Deserve ko bang i-trato niya pa rin ako ng ganito?
Ngumiti ako ng tipid at tinanguan ito. "Thank you. Thank you so much, Steven," wika ko bago lumabas ng sasakyan.
Ibinaba na ni Kuyang driver ang gamit ko. Nanatili akong nakatayo sa labas ng van at umaasang pagbubuksan ako ni Akisha kahit bintana lang pero wala akong nahintay. Humarurot na ang van at tuluyan na silang umalis. She's still mad at me.
Nagsimula na akong humakbang palapit sa gate. Hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Kinakabahan ako. Nasa byahe na kami no'n nang mag-message si Mama. Pinapauwi na niya ako at kailangan daw naming mag-usap. Mukhang nakita na nila ang kumakalat na video namin. Paano ko sila haharapin ngayon? May kapal ng mukha pa kaya akong haharap sa kanila? Nakakahiya ako. Binigyan ko sila ng kahihiyan. Binigyan ko ng kahihiyan ang angkan ng Fajardo. Napakalaki kong disappoinment!
Itinabi ko muna ang bag na dala ko sa gilid. I sighed deeply para humugot ng lakas ng loob. Pinindot ko na ang doorbell. Mas lumakas ang tibok ng puso ko at nangingilid na ang luha sa 'king mata. Ma, Dad, Kuya... I'm really sorry.
"Niah, can we talk?"
Napalingon ako nang marinig ang boses niya. Halata sa boses nito ang lungkot. Maging siya ay malaki ang epekto ng pagkalat ng video na 'yon. Imagine, isang medical student na anak ng isang magaling na cardiologist sa Manila at galing sa disenteng pamilya, may scandal. Nadungisan na ang magandang image na iniingatan niya. Dahil sa kapusukan namin, humantong kami sa ganito.
"Anong ginagawa mo rito, Haze? Umalis ka na bago ka maabutan nila Dad." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng parents ko kapag makita siya. Maganda ang pakikitungo ng pamilya ko kay Haze pero ibang usapan na ang sitwasyon namin ngayon. Natatakot akong pati siya ay kamuhian din ng pamilya ko.
Bago ko pa siya mapilit na umalis, nakita ko nang papalabas sina Mama at Dad mula sa pinto. Dali-dali akong bumaling sa kaniya. "Umalis ka na, Haze."
"Hindi, Niah. Hindi ako aalis. Haharapin ko ang mga magulang mo. Hihingi ako ng sorry. Ayokong magallit sila sa 'yo. Mas gugustuhin kong ibuhos nila ang galit nila sa 'kin, 'wag lang sa 'yo. Ako ang dapat sisihin nila. Ako ang may kasalanan," pagmamatigas niya.
Hindi, hindi lang siya ang may kasalanan. Hindi lang siya dapat ang sisihin. Kaming dalawa ang may gawa ng problema na 'to. Pareho kaming dapat sisihin.