CHAPTER 20

3.4K 188 149
                                    


Ellaquim Haze Montemayor

Dalawang araw na ang nakalipas nang bisitahin ko si Niah sa hospital pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang tunay na rason kung bakit siya na-hospital. Pinilit kong tanungin sa mga pinsan niya pero ni isa sa kanila, walang nagsabi sa 'kin. Ang tanging sinabi lang nila, dahil raw sa stress at kulang sa tulog kaya siya nawalan ng malay at itinakbo sa hospital. Hindi lang ako makapaniwala dahil ramdam ko namang sobra ang pag-aalala nila rito. I know that it's not just stress and lack of sleep, mas malala pa ro'n. Gustuhin ko mang malaman ang information niya sa hospital, wala naman ako sa lugar para gawin 'yon. Malilintikan pa ako kay Dad kapag nangialam ako ng confidential info's ng mga pasiyente pero gagawa ako ng paraan para malaman kung ano ang totoo.

Ang huling balita ko, nakauwi na raw ito kahapon. Gustuhin ko mang bisitahin siya at kamustahin, 'di p'wede dahil mismong si Niah na ang umaayaw. Masakit man para sa 'kin na tinataboy niya ako, wala naman akong magawa kung 'di sundin kung anong gusto niya. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa paghingi ng update tungkol sa kaniya.

Kinuha ko ang phone kong nakalapag sa cabinet na nasa tabi ng kama ko at naupo sa sofa na nasa gilid ng sliding door ng terrace. Agad kong tinawagan si Jann.

Hindi naman nagtagal ay sinagot niya rin ito. "Hello, Quim?" Wika ng nasa kabilang linya.

"Hello, Jann. How's Niah? Is she okay now?" I asked.

"Kagagaling ko lang sa bahay nila kanina and yes, okay na siya. Nadatnan ko si Steven ro'n at mukhang may pupuntahan ang dalawa," an'ya. Hindi ko maiwasan ang mainis nang marinig ko ang pangalan niya. Araw-araw yata ay naroon siya sa bahay nila Niah. Kulang na lang doon na tumira, eh.

"I see. Thank you, Jann! Please, keep me updated sa kung anong nangyayari kay Niah?"

"Sure," wika nito tsaka ko naman in-end call. Mabuti nalang talaga mayroon si Jann na lagi kong napagtanungan tungkol kay Niah.

Ang sabi sa 'kin ni Dad, nakaleave si Niah dahil sa pagkakahospital niya. Mabuti na rin 'yon para makapagpahinga siya. Ako rin ay nagpaalam kay Dad na hindi muna ako makakapasok ngayon dahil may kailangan akong puntahan.

Naligo na ako't nagbihis. I decided to wear a black polo and black pants. Inilislis ko hanggang sa siko ang manggas at binuksan ang dalawang botones ng polo. Inayos ko muna ang kwelyo nito bago tuluyang bumaba.

"Haze, where are you going? Mag-breakfast ka na muna." Nadatnan ko si Mom sa kusina na naghahanda ng almusal.

"Hindi na Mom, kakain na lang ho ako sa labas mamaya," pagtanggi ko.

"Are you sure?"

Tinanguan ko lang sila tsaka ako nagpaalam na aalis na. Kailangan kong magmadali dahil pupunta pa ako sa bahay nila Akisha mamaya. Hindi ko alam kung anong ganap basta nakatanggap na lang ako ng message galing sa kaniya na pumunta raw kami sa bahay nila.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang mag-isip. This past few days, I realized how complicated our situation is-- me, Niah and Megan. Alam ko sa ginagawa ko, nagkakasala ako kay Megan pero hindi ko talaga mapigilan. Hindi ko maitangging may nararamdaman pa rin ako kay Niah and I know, you can call that 'cheating'. Pero paano ko mapipigilan ito? Mahirap kalaban ang puso. But it's time to make a way to stop this.

Mga 30 minutes rin bago ako nakarating sa bahay nila. Naghanap muna ako ng safe place para i-park ang kotse ko. Sigurado akong ito ang exact address na tinext sa 'kin. Bago ako makalabas, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa at binasa ang text message na galing kay Megan.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon