CHAPTER 28

3.3K 243 93
                                    

Xianniah Astrid Fajardo

Lumipas na ang mga araw, linggo... at ngayon nga, ay ang ika-isang buwan. Isang buwan na ang lumipas matapos ang pangyayaring nagbigay sa amin ng pasakit at malaking problema na humantong sa sitwasyon na mayroon kami ngayon. Isang buwan na... na galit ang mga taong nasa paligid namin. Isang buwan ko nang hindi nakikita o nakakausap man lang ang mga pinsan ko maliban kay Jann. Isang buwan na rin na pinipilit kami ni Haze na paglayuin.

"Did you packed your things na, Niah?" tanong ni Mama sa gitna ng pagkain namin ng almusal.

"Yes, Mom," maikling sagot ko sa kanila na 'di man lang nag-aksayang lumingon. Nakatutok pa rin ako sa pagkaing nasa harapan ko.

Tumango lang si Mama at 'di na muling umimik pa. Simula no'ng nangyari, madalang na lang akong kausapin ni Dad. Buti na lang at mayroon pa rin si Mama at Kuya Xiander na laging nagli-lift up sa 'kin. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako pinapayagang lumabas. Nasa bahay lang ako maghapon. Feeling ko, isa akong preso na nakakulong at hinihintay ang araw ng aking paglaya at ang araw na 'yon ay bukas na. Pero kahit makalaya man ako sa bahay na ito at bumalik sa States, 'di pa rin maaalis ang katotohanang nakakulong pa rin ako. Hindi pa rin ako malaya. Para sa akin, ang tunay na kahulugan ng malaya ay ang magawa ang lahat ng bagay na iyong gusto at makakapag-pasaya sa'yo at 'di ko 'yon magagawa kung nasa States ako. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang bumalik ang lahat sa dati. Ang pakikitungo sa 'kin ni Dad, ng mga pinsan ko at ang closeness na mayroon kami ni Haze no'ng kami ay mga bata pa lamang.

Matapos naming mag-agahan, bumalik na ako sa kwarto. 'Yon ang routine ko sa araw-araw. Tsaka lang ako bababa kapag kakain na. Matapos kumain, aakyat na ako sa kwarto at dudungaw sa bintana. Umaasang makikita si Haze sa labas ng bahay.

Dali-dali akong pumunta sa bintana na nasa tapat ng kama ko. 8:40 pa lang ng umaga at madalas sa ganitong oras, nag-aabang si Haze sa gilid ng gate. As expected, palabas na ng garahe ang kotse ni Dad. Gaya ng mga nakaraang araw, 'di pa rin nito pinagbubuksan kahit bintana lang si Haze. Tuluyan pa ring umalis si Dad at hinayaan si Haze na nakatayo lang sa gilid ng gate. Araw-araw, hindi siya nagsasawang mag-abang sa harap ng bahay kahit na wala siyang napapala. Naaawa na talaga ako sa kaniya. Gustong-gusto kong puntahan siya at kausapin pero ayokong labagin ang utos sa 'kin ni Dad. Kuntento na akong pagmasdan siya sa malayo.

Napaatras ako nang bigla siyang tumingala. Gaya ng dati kong ginagawa, nagtago ulit ako sa kurtina. Ilang minuto rin siyang nakatingin dito sa kwarto ko bago tuluyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot na ito palayo.

Bumalik ako sa kama ko at naupo ro'n. Kinuha ko ang phone ko na nakalapag sa tabi ko. Pinagpalit ako ni Dad ng phone number para 'di ako ma-contact ni Haze. Binuksan at binasa ko ang message na galing kay Steven.

"Your Dad called me. Sa inyo na raw ako makisabay bukas papuntang airport. So, see you!"

Kasabay namin si Steven na babalik sa States. Kailangan na rin kasi niyang bumalik dahil sa naiwang trabaho niya. Bale, tatlo kami nila Mama ang aalis bukas. 9 o'clock in the morning ang exact time ng flight namin kaya naman 7:00 pa lang ng umaga ay kailangan na namin bumiyahe. Hindi ko alam kung deserve ko bang i-trato pa rin ako ng maayos ni Steven after what I did. Sinaktan ko siya pero ito pa rin siya, gaya pa rin siya ng Steven na kilala ko noong maayos pa ang lahat. Walang nagbago sa friendship na mayroon kami.

Mabilis lang lumipas ang oras. Gabi na at oras na para matulog. Nag-half bath muna ako saglit at sinuot ang white sleeveless top at pink pajama. Nag-set na rin ako ng alarm para makasigurong 'di ako late babangon. Pumunta na ako sa kama at nahiga. Kasalukuyan kong tinititigan ang kisame.

"Ilang oras na lang, aalis na naman ako," buntong-hininga kong sambit. May mga tao na naman akong iiwanan. Nangunguna na ang mga pinsan ko na hanggang ngayon, 'di pa rin bumibisita sa 'kin. Alam naman nilang bukas na ang alis ko pero 'di pa rin nila ako kinakausap ngayong araw. Marahil ay galit pa rin sila. Nakakalungkot dahil aalis akong hindi pa rin kami nagkakaayos. Gano'n rin si Haze, iiwan ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Iiwan ko na naman siyang wala pa ring alam kung anong tunay na rason ng aking pag-alis.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon